Chapter 32

4.1K 62 15
                                    


A/N:


(Nauna na yung A/N, makikibasa na lang po.😅🙏)


May nabasa lamang ako na comments na hinahanap niya (reader) yung chapter 5.😅😭


Siguro kung nandito na kayo sa chapter na ito, alam niyo na siguro kung bakit niya hinahanap yung chapter 5.😅😭


Again, gusto ko lang ulit humingi nang sorry sa inconvenience na naranasan ninyo sa pag babasa after ng chapter 3. 😭 Gustuhin ko mang ayusin yung pagkakasunod sunod ng bawat chapters, sobrang hassle naman nun. ( At sobrang nakakatamad and time consuming!😅😭)

At kung nakarating na kayo dito, for sure na survive nyo na yung chapters 3 to 13. Congratulations!! Avid readers ko nga kayo.😅🤣🎉


Okay, balik na tayo sa main story.
🥰🙏❤️



🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹


Enya's POV



Gaya nang dati, nag pababa na lamang siya kay Ignacio, ilang bloke ang layo mula mansion ng mga de Loughrey.


Kapapasok pa lamang niya sa mansion nang naka salubong niya si Inez na mukhang abala sa pag lilinis sa may malaking foyer ng mansion.


" Enya, mabuti at nandito ka na. Mag punta ka daw sa kusina pagkatapos mong magbihis. Kailangan daw nila nang katulong sa pag luluto." Ang salubong sa kaniya ni Inez.


" Nandito ba sina Ma'am Daphne at Sir Jaime?"


Umiling si Inez.


"Yung bruha lang. Nagtataka nga din ako, Isang linggo nang hindi umuuwi dito si Sir Jaime. Bakit kaya?" Napapaisip na tanong ni Inez.


Nagkibit balikat din siya. Hindi din naman nakapagtataka na wala doon si Sir Jaime dahil may iba pa din namang mga residential property ang mga de Loughrey. Marahil sa ibang mga mansion nandoon si Sir Jaime at doon pansamantalang tumutuloy.


Hindi pa din kaya magkasundo sina Sir Jaime at Don Matheo kaya ba madalang itong magtungo sa mansion?


"Ang daming pinapaluto na putahe ni bruha. Darating daw kasi si Sir Damon." Ang dagdag pa ni Inez.


Oo nga pala. Patungo din si Damon sa mansion. Kung bakit at ano ang dahilan nito ay hindi niya alam. Siguro ay may pag uusapan ito at si Daphne tungkol sa kasal ng mga ito.


Just thinking about their upcoming wedding made her heart sank. Hindi na nga siguro talaga mapipigilan pa ang magaganap na kasal.


Mabigat ang mga kilos na nagtungo na siya sa kwarto nila ni Nanay Lumen para mag palit ng damit. Nang matapos mag bihis ay agad na siyang nagtungo sa kusina kung saan nakita niya sina Ate Joyce, Nanay Lumen at Uncle Arthur na abalang abala sa pag luluto.


"Hmm, nandito ka na pala anak. Mag miryenda ka muna." Ang bungad sa kaniya ni Nanay Lumen.


May tila kirot siyang nadama sa dibdib niya nang makita niya si Nanay Lumen. Guiltness flooded herself as she tried to act normal.

"Hindi na po Nay. Busog pa po ako." Umiling siya dito." Ano pong maitutulong ko?"


"Ikaw na ang magtapos nitong ginagawa ko, Enya." Ang sabi ni Uncle Arthur na abala sa pag lalagay nang pineapple slices sa ibabaw nang cake batter. Tinuruan siya nang gagawin ni Uncle Arthur bago nito siya nito iniwan. May lilinisin pa daw kasi ito sa may library.


The Billionaire's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon