Enya's POV
" Sobrang na miss ka namin, Enya. Parang lalo kang gumaganda!" Ang sabi ni Inez na tuwang tuwang niyakap siya.
Natatawang niyakap din niya ang dalaga.
" Na miss ko kayong lahat, Inez..." Sunod niyang niyakap si Ate Joyce na agad din namang niyakap siya nang makita siyang pumasok nang kusina.
Kasalukuyang nag luluto sina Inez at Ate Joyce nang ulam para sa tanghalian nang dumating siya sa mansion.
"Tama si Inez, Enya. Lalo kang gumaganda." Nangingiting sabi naman ni ate Joyce na pinag mamasdan maigi ang kaniyang mukha.
Awtomatiko namang namula ang kaniyang mukha sa papuri nang dalawa.
" Hindi nga Enya. Parang may nagbago sayo. Lalo kang gumanda. At ang mukha mo...parang nag go glow. Anong sekreto mo gurl ha?" Taas baba ang kilay na tanong ni Inez.
"Wala---"
"Ganyan ba talaga pag in love na ha, Enya? Kaya glowing ka?" Nanunuksong tanong pa ni Inez na lalong nag pa init sa mukha niya.
" Mag Isa ka lamang ba, Enya? H-Hindi mo ba kasama si S-Sir Damon?" Ang mahinang tanong ni Ate Joyce na tumingin pa sa likod niya.
Nahihiyang umiling siya.
" M-May mga bisita si S-Sir...si Damon sa mansion niya kaya hindi siya nakasama." Ang nahihiya niyang sabi sa dalawa. Hanggang ngayon, hindi pa din siya sanay na pag usapan ang tungkol kay Damon sa mga taong malapit sa kaniya kahit pa hindi na lihim sa mga Ito ang relasyon nila ni Damon.
Masaya naman siya na sa wakas ay wala na silang itinatago ni Damon. They are in a relationship now. What they have is now is real. Damon is hers and she's Damon's.
Matagal din nilang itinago sa ibang tao ang relasyon nila ni Damon. Akala nga niya ay mananatili na lamang na nasa dilim ang relasyon nila. Kaya siguro hindi din niya inaasahan na mangyayari ang mga Ito sa kaniya. Na hindi na nila kailangan pang itago sa ibang tao ang relasyon nila ni Damon.
Are they shocked when they learned about her relationship with Damon? Nabigla kaya ang mga ito nang malaman na nakipag relasyon siya sa isang lalaking ikakasal na? Na disappoint kaya ang mga Ito sa kaniya?
Nang malaman ni Nanay Lumen ang relasyon nila ni Damon, wala syang narinig na kahit anong masakit na salita mula dito. Her mother respect her decision and her feelings towards Damon. Hindi siya nito hinusgahan. Bagkus madali nitong natanggap ang relasyon nila ni Damon. And she's very thankful for her. Hindi lang sa Nanay Lumen niya maging Kay Uncle Arthur, at kay Ate Joyce at Inez. Mahalaga para sa kaniya na tanggap ng mga ito ang relasyon nila ni Damon.
"Ngayon ko lang sasabihin ito, Enya. Pero gusto ko lang sabihin na....bagay na bagay kayo ni Sir Damon! Hindi ka pa nag ku kwento Kung paano nag simula ang love story ninyo ha?" Ang kinikikilig na sabi ni Inez sabay marahan na hampas sa balikat niya. Napapa iling naman si Ate Joyce dito.
"Tumigil ka nga diyan, Inez. Personal na usapin iyon. Hindi na kailangang ikwento pa ni Enya yun sa atin." Bahagyang pinandilatan ni Ate Joyce so Inez. Napa nguso naman si Inez.
"Baka lang naman gusto niyang mag kwento. Wala namang pilitan yun, di ba, Enya? "
Nangingiting tumango siya dito.
" Isang araw, mag kukwento ako sa inyo." Ang sabi na lamang niya para hindi na magtampo si Inez.
" Si Nanay Lumen?"" Dinalhan ni Uncle Arthur nang meryenda niya sa kwarto ninyo. Pinag pahinga muna niya at nag pumilit na tumulong dito sa kusina. " Ang pag susumbong ni Inez sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Paramour
RomanceWhen a simple maid became the Billionaire's kept woman. Taglish Story.