Chapter 8

7.4K 62 2
                                    

Enya's POV

Ikinuwento niya kay nanay Lumen ang mga nangyari sa outing. Kailangan niyang sabihin dito ang mga nangyari dahil ayaw naman niyang maglihim dito. Pero syempre, hindi naman niya sinabi ang lahat ng mga nangyari. Lalo na yung mga nangyari sa kanila ni Damon.

Habang lumilipad ang mga araw ay saka lang siya parang bumabalik sa tamang pag iisip. Saka lang niya nare realize na malaking pag kakamali ang mga nangyari sa kanila ni Damon.

Ok naman ang resulta ng examine sa kaniya ng doctor. Buti na lang at hindi na niya kailangang ma admit pa sa ospital. Sinabi nito na maliit na dose lang ng drugs ang nainom niya kaya hindi ganun kalakas ang epekto ng gamot sa kaniya.

Nagpahatid lang siya kay Damon hanggang sa labas lang nang mansion. Hindi niya gustong makita nang iba na inihatid pa siya nito. Paano niya ipapaliwanag sa iba kung bakit niya kasama ito?

Nagpapasalamat na lang siya at hindi na niya nakita pa si Damon simula nang araw na hinatid siya nito. Hindi pa siya handang makita ito at hindi niya alam kung paano niya ito haharapin.

Ilang araw siyang hindi lumalabas nang bahay. Naka labas lang siya nang bahay nang mag tungo siya sa University. Kailangan niyang mag submit ng mga kailangan niyang papers para sa gagawin niyang internship next week.

Masaya siya na muling makita si Lory. Maayos na ang lagay nito at parang walang nangyaring masama dito. She seems happy and very excited about something.

" Eris got expelled, while James and Eman we're just suspended. I want them to be expelled too but sadly we have no other evidence to prove their involvement in Eris' doings." Lory's face was laced with disappointed.

"Ang importante ay wala na si Eris dito sa university. At pagbabayaran na niya sa kulungan ang ginawa niya sayo." Ang sabi niya dito. Naka hinga na siya nang maluwag nang mabalitaan na naka kulong na si Eris. Mabigat ang mga kaso na kinakaharap nito. Tinulungan din sila nang school na makasuhan si Eris. Matatahimik na sila ngayon.

"Dapat lang na pagbayaran niya ang mga ginawa niya. Hayop siya. " May galit pa rin na sabi ni Lory.

Pagkatapos makapag pasa ng mga papers sa HR department nila ay lumabas na sila ng University para mag tungo sa isang coffee shop. Pinili nila yung malapit lang sa university nila.

Nag order lang sila nang ice coffee at cakes.

"You know what, sis. Hindi ko pa natatanong to sayo dahil sa dami Ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw." Ang sabi nito pagkatapos iserve sa kanila ng crew ang order nila. " Pero...curious talaga Ako sa nangyari sayo nung gabing iyon, Enya. Sa totoo lang, hindi ako mapalagay sa pag iisip nun kung nasaan ka na." She said it in a hush tone.

Hindi niya alam kung paano sasagutin si Lory. Kahit na malapit silang magkaibigan nito, Hindi pa rin niya magawang sabihin dito ang mga tunay na nangyari. Lalo na ang mga nangyari sa kanila ni Damon.

At kapag nalaman nito na maging Siya ay muntikan nang maging biktima ni Eris, sigurado siya na mag aalala ito nang husto sa kaniya. Baka magalit pa nga ito sa kaniya dahil sa pag likihim niya dito.

"Obviously, meron kang hindi sinasabi sa akin, Enya. What is it huh?" Makulit na tanong ni Lory sa kaniya.

Napa buntung hininga siya dito.

"Walang ibang nangyari, Lory. Talagang nag pass out lang ako dahil sa kalasingan. It was very stupid and very irresponsible of me. But I'm really fine. Wala kang dapat ipag alala." Ang sabi niya dito. Uminom siya nang ice coffee para maalis ang panunuyo ng lalamunan niya.

The Billionaire's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon