Enya's POV
"Taro, malayo pa ba tayo?" Ang nag aalala niyang tanong kay Taro. Hinaplos niya ang pawisang noo nang anak na tahimik na umiiyak.
Earlier this morning, Meita complained about her aching stomach, particularly near her abdomen. Kahapon pa pabalik balik ang sinat nito. Hindi naman mataas ang lagnat kaya pinainom na muna niya ito nang paracetamol, per Taro's advice. Kakauwi nga lang nito kaninang umaga mula sa isang three day conference sa cebu at nag mamadali ngang umuwi nang sinabi niyang dadalhin na niya sa ospital si Meita. Bago pa sila makaalis ay dumating si Taro at ito na nga ang nag drive sa kanila pa punta sa ospital.
Balak na naman talaga niyang ipa check up si Meita ngayong araw. Nag gagayak na nga sila paalis nang umiiyak na lumapit sa kaniya si Meita. Masakit daw ang tiyan nito. At nang damhin niya ang noo nito, naramdaman niya ang muling pag iinit nito. Kaya naman na alarma na siya nang husto.
"M-Mommy....it's hurts..." Ang umiiyak na daing ni Meita sa kaniya. Naka higa si Meita sa kandungan niya. Parang tinutusok nang milyong milyong karayom ang puso niya habang nakatingin sa anak. She kissed her forehead and wipe Meita's tears.
"I know, my love. Malapit na tayo sa hospital, okay? The doctors will treat you there." Pinisil niya nang marahan ang mga kamay nang anak.
Kita niya ang pag tatagis nang bagang ni Taro nang sumulyap ito sa kanila mula sa rearview mirror. Binibilisan na nga nito ang pag dadrive. Ngunit dahil sa traffic, hindi nila maiwasang maantala sa kanilang byahe.
" S-Sana...dinala ko na agad siya sa ospital kagabi pa lang. What if hindi lang ito isang simpleng lagnat lang?" Nanginginig boses niya sa labis na pag aalala at pag sisisi. Hindi mangyayari ito kung naging maagap sana siya kahapon pa lamang. Pakiramdam niya ay naging isang pabaya siyang Ina.
Taro sighed and look at her helplessly.
"Don't beat yourself up, Enya. Wala kang kasalanan. Wala pa namang 24 hours since nilagnat si Meita. We still need to observe her. Naka schedule na din naman ang check niya today. Kaya wag ka nang mag alala, okay?"
"B-But---"
"Most likely, it's an infection or a stomach flu. Whatever it may be, Doc Trixie will make her feel better." Ang pag bibigay assurance pa ni Taro.
Napa buntung hininga na lamang siya at nag aalala pa ring hinaplos ang noo nang anak. Hindi sana siya mag aalala nang labis sa anak, kung nandoon lamang si Damon, kasama niya.
Pero gaya ni Taro, umattend din nang isang business conference si Damon sa Singapore for five days. At ika three days pa lamang nito doon. Araw araw naman itong tumatawag sa kanila at kanina nga bago sila mag tungo sa ospital ay tinawagan niya ito ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Baka nasa conference na ito kaya Hindi sinasagot ang phone nito. Kaya naman nag iwan na lamang siya nang message dito na dadalhin na nga nila sa ospital si Meita.
After a ten minutes, sa wakas ay nakarating na din sila sa ospital ni Taro, ang St. Clementine Medical Center. Mabilis namang inasikaso si Meita nang mga nurse at nang doctor ni Meita na si Dr. Trixie Mattel. She's a beautiful, petite woman in her early thirties. She look more younger than her age because of how she smile. Masasabi niyang bagay talaga itong maging pediatrician dahil malapit ito sa mga mabata ang napaka bait nito. Meita likes her so much and always bring her her favorite snack, Mochi.
"How's she, Doc?" Ang nag aalala niyang tanong kay Doc Trixie. Kasalukuyan silang nasa ER, kung saan chine check up at inoobserbahan si Meita.
" We will conduct some lab works for Meita. Urine and blood test. I suspect it's a urinary tract infection. So I'd like to admit her here in the hospital so we can observe her more, until we get the lab test done." Doc Trixie said to them.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Paramour
RomanceWhen a simple maid became the Billionaire's kept woman. Taglish Story.