Chapter 31

332 8 2
                                    

"Napaka-sigurista mo no!?"



"Come on, Xiomora. How about greeting me first?" kalmadong saad niya.



Aba! May oras pa ba para batiin siya ng kung ano-ano?! Nakakairita! Naiinis ako masyado. Gusto ko nalang sapakin ang mukha niya.



"Why? Hindi naman tayo mag-asawa para batiin kita sa paraang gusto mo." pagmamatigas ko.



"Not yet." He take a sip on his coffee. "You can just greet me sa paraang gusto mo."



Napapikit nalang ako sa inis at bahagyang pinakalma ang sarili ko. Ano pa nga bang mapapala ko sa lalaking binabarahan lahat ng sasabihin ko. Bakit ko pa ba kasi naisipang makipagkita dito, wala din naman akong mapapala.



"Tell me, how did you get my mother's approval?" I asked curiously.



"Is that the reason why you called me here saying it's very urgent?" sabi niya at diniinan pa ang huling salita.



Tumaas ang kilay ko. "Is it bad to interrogate the man who secretly made a deal with my family?"



I saw him smiled. "I think I clearly said that I won't lose any chance, Xiomora."



"Come on, Mr. Chavez. We are on our 30's, why would you settle on a woman who refuse to get married to a five year engagement. You can just marry anyone."



"I want you." He said, monotone. "And if I don't sound convincing then I will try harder. Wag mo akong itutulak by saying I can marry anyone, Xiomora. Dahil kung ginusto ko yun, dati ko pa yung ginawa." Seryosong sabi niya.



Agad akong napalunok at napa-iwas ng tingin. Tama nga naman. Nakakainis naman to masyado. What's more weirder is that I don't even feel any worries right now. Am I just testing him then? Nakakainis lalo!



"Are we done?"



"H-Ha?" parang tangang ani ko.


"Ha?" pang-gagaya niya. "I said, Are we done?" pag-uulit niya.


"Hindi mo pa nga nasasagot ang unang tanong ko––––"



"I can answer that later," putol niya saakin. "First, come with me."



Tumayo siya at hinintay din akong tumayo. Tiningnan lang naman ang isat-isa ng ilang segundo. Staring contest ganun, paki niya ba. Tinaasan ko lang siya ng kilay para sabihing hindi niya ako mapapasunod.



"Should I carry you?" Alok niya.


"Ano?!"



Agad akong napatayo ng umakto siyang bubuhatin na ako. Nakita ko pa siyang tumawa ng kunti kaya mas nainis ako sa kanya. Anong trip niya? Mang-asar? He even offered his hand to me pero hindi ko yun tinanggap. I walked first at lumabas ng cafe without even knowing kung saan kami pupunta.



"The car is here, lady." Napalingon ako sa kanan ng madinig ko yun. He was already opening the passenger seat, patiently waiting for me to come inside. I bit my lower lip dahil sa hiya, minsan malas talaga pag sa kaliwa ka naglakad.



"Where are we going? Hindi mo na  naman siguro ako dadalhin sa kung anong puno na walang mga bahay sa paligid diba?" pagpaparinig ko.



"It's not far. Though it's quite peaceful doon. May mga bahay din naman."



Ganun. Ganun lang! Sobrang nonchalant diba? Eh' kung ipakain ko kaya sa kanya tong fist ko nang magka testeng na ng pasensya.



Kinuha ko ang phone ko sa bag at pumunta sa gc naming magkakaibigan. I wrote a message saying na kapag hindi ako nakauwi within 24 hours ay e-report na nila ako sa police na missing at ang suspect ay isang sadistang lalaki.



"Kung mang-aakit ka, Pwede bang sa'kin ulit?" (Completed) Where stories live. Discover now