Chapter 32

222 4 0
                                    

"San ka?" pagtatanong ni Zel sa phone.



"Guess!" kwelang ani ko.



"You're not drinking right?"



"Gagang 'to! Umagang umaga mag-iinom ako?"



"Bakit sino ka ba? Ulol mo wala kang piniling oras sa pag-inom!" she mocked me.



"Ito naman..." I pouted.



"Oh' ano nga, hindi ka naman tatawag kung wala kang problema." saad niya, kilalang kilala ang buong pagkatao ko.



"Ano...ito kasi...may problema yung kaibigan ko..." pagsisimula ko.



"Hmm...sige kaibigan mo, anong problema niya."



"Ikakasal na kasi siya tapos sabi niya ano..." I paused. "Nahihiya pa siyang sabihin sa mga kaibigan niya...sa tingin mo anong pwede niyang gawin?"



"Kailan ba siya inalok ng kasal?" tanong niya.



Napaisip naman ako agad. Kailan ba yun? Nong' nakaraang araw ba yun? Kakaalis lang kasi ni Bry for his one time big time client kahapon kaya hindi pa kami magkikita hanggang bukas.



"Last week? Oo, last week yun---"



"Putangina mo ikakasal kana pala tapos wala kay balak sabihin saamin?!"



Inalis ko sa tenga ko ang phone ko ng marinig ang boses ni Yeji sa linya. MAGKASAMA SILA?!



"Oh ano? Natamimi ka? Anong gusto mo magdala kami ng 299 worth of gift sa kasal mo!?" I heard Yeji again. "Umayos ka ah!"



"Attorney....ano kasi..." parang bata kong bulong.



"Congratulations, Captain! Finally nakahanap kana din ng katapat mo!" I heard Luca's voice in the line.



"What!? Are you guys together!?" asik ko.



"Baka nakakalimutan mong Friday ngayon, Xyra! Papunta na kami sa condo mo." I heard Ayla's voice.



Friday???? WTF!! It's girl's day!!!!!



"Shit...." I whispered.

*********


"So anong balak mo? Sa araw pa nang kasal kami e-inform?"



Sa puntong to ay mas malala pa ako sa isang kriminal. I am being interrogated by my friends and I felt like I am very guilty. Eh kasi naman! Kakatapos lang nang kasal ni Luca tapos kaka-break lang ng almost five years engagement ko, syempre magmumukha akong despereda kung agad agad kong sasabihin na ikakasal na ako.



"Ano kasi..."



"Nag-iisip ka kung anong pinakamahal na regalo ang ipapadala mo saakin?' Yeji said.



"Or di kaya pangit yung ikakasal sayo?" singgit naman ni Luca.



"Hindi ba mayaman?" singgit din ni Ayla.



"Or yung lalaking nakilala mo sa bar ang ikakasal sayo?" ganoon nalang ang pagkabigla ko ng sabihin yun ni Zel. Shit!



"Tingnan mo tong babaeng to..." umiiling-iling na si Zel sa gilid ng mapagtanto ang tinatago ko. Kinukulit na siya ng tatlo kung sino ang pinaparinggan niya.



"Kung mang-aakit ka, Pwede bang sa'kin ulit?" (Completed) Where stories live. Discover now