Chapter 30

508 9 4
                                    

'Breaking news: The Lopez Family just announced that they are officially breaking the four years engagement of their son Chester Lopez, from its long time fiance, Captain Xiomora De Vera.'



"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sakin ni Zel. Tinabihan niya ako sa couch habang kumakain ng tse-cherya.



"Mukha bang ayos yung mukha ko?" patanong kong sagot at tinuro pa ang sarili ko.



"Papalagpasin ko muna yang ugali mo ngayon. Sige, magmaldita ka lang." saad niya.



Wala pa ngang isang linggo mula nong huling pag-uusap namin ni Chester ay kalat na agad ang balita. I turned off my cellphone at nag deactivate muna ng social media for privacy, kahapon pa kasi may tumatawag sa'king reporter. Some of them even visited my condo kaya hindi muna ako umuuwi doon. I stayed with Zel kasi wala namang nakakapasok dito sa bahay niya ng basta-basta.



"The girls were calling me to check on you, hindi ka daw nila ma contact." Zel informed me.



"Inform mo lang sila na hindi ko ikakamatay to," angil ko.



"Hindi mo ikakamatay tapos hindi ka halos kumakain. Papanagunitin mo ba ako pag nagkasakit ka?" naiinis niyang sabi.



Sino ba kasing gaganahan kumain sa sitwasyong to diba!? Hindi ako makalabas-labas dahil puro reporter aatupag sakin, paano ako makakapag chill ng utak!?



"How about him?"



Napatingin ako kay Zel. When I heard the word him, hindi ko mapigilang mag alala kay Chester. The last thing I heard from him is bumalik siya sa states para sunduin ang Dad niya after breaking our engagement.



"Si Chester? I hope he's okay," I whispered.



"Not Chester, but Rexander." she corrected.



"Anong meron sa kanya? Nagbigti ba?" I said innocently.



"Ulol. Anong balak mo dun ngayon?"



"Hindi ko din alam." I sighed. "Sobrang gulo pa para isipin ko ang ganyang bagay. Pero isang bagay lang ngayon ang sigurado ako..."



"Gusto mo siya?" she guessed.



"Mahal ko siya." siguradong saad ko. "Pero ayokong padalos dalos. I want to let this matter pass for now. Kailangan ko din oras."



"Naiintindihan ko naman. Anong rason paba at pinatuloy kita dito." saad niya at inakbayan ako, nagmamalaki. "Love will always lead us to confusion, that's why thinking carefully is necessary."



"Kailan kapa nagka interest sa pag-ibig, aber!?" nagtataka kong tanong.



"Aray ha!" pinitik niya ang noo ko at napatawa ng bahagya. Ang weird niya! Bakit parang ibang Zeleste ang kasama ko ngayon.



"Basta kapag ayos na yan," turo niya sa puso ko. "Gawin mo yung dapat mong gawin. Yung dapat ay ginawa mo na noon at yung mga bagay na gusto mo noon, gawin mo yun lahat."



"May hindi kaba sinasabi saakin, Zel?"sinamaan ko siya ng tingin.



"Wala naman. Nagsasabi lang ako sa mga nakikita ko." umiwas siya ng tingin.



I stayed three days in Zeleste's house. Wala akong ginawa kundi ang mag mokmok sa loob at pagurin ang sarili ko sa gym. Buti nalang at hindi muna nagpapasok ng mga tao si Zel sa gym niya kaya nagkaroon ako ng maraming oras na mapag-isa.



"Kung mang-aakit ka, Pwede bang sa'kin ulit?" (Completed) Where stories live. Discover now