Chapter 14

302 11 1
                                    

"Aray..."



Nakapikit akong bumangon habang nakahawak sa ulo ko. Parang nahulog ako mula sa kalawakan tapos yung ulo ko yung unang tumama sa lupa.
I took my phone to see kung anong oras na, In my surprise, Alas 11 na nang umaga!



"Shit, Kaya pala gutom na ako," I cursed myself. Bago ako bumaba ay naligo muna ako, Naaamoy ko pa kasi ang baho ng alak.



"Good morning, Princess,"



Nagtataka kung tiningnan si Zeleste na ngayoy naghahapag ng pagkain sa mesa. She's even wearing a freaking apron acting like a real chief.



"Tumulong lang ako sa pagluto pero yung lalaki mo talaga yung main chief." Bigla niyang sabi ng makita ang mukha ko.



"Lalaki ko? Sino ba namang magluluto saakin ng––––OMY!?" Napatakip ako ng bibig ng maalalang si Bry pala ang kasama ko kagabi.



Napalunok ako lumapit kay Zeleste at parang tutang niyakap siya dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.



"Sabi ko naman sayo, Dadating din ang panahon na pagsisisihan mong uminom ka." Pagsusungit niya.



"Tangina tol, Patayin mo nalang kaya ako," Wala sa sariling sabi ko ng hindi ko maalala ang nangyari kagabi.



"Ayokong pumatay ng hayop. Bitaw nga." Sabi niya.



"Grabe naman to!" I pouted my lips and sit on the floor with my arms crossing.



"Ano ba kasing nangyari? Kingina alam mo bang ready na akong mawalan ng lisensya nang biglang lalaki ang sumagot sa tawag ko sayo?" Para siyang nanay na nang-aaral ng anak.



"Malay ko ba! I passed out and then...BOOM! Wala na akong maalala." maayos naman ang damit ko ng gumising ako.



"Nag sex kayo?"



"Wala!" sigaw ko. "Hindi ko hahayaang mag sex kami tapos hindi ko maaalala pag gising ko. Unfair yun!"



"Tanga!" binatukan niya ako.



"Aray ha!"



"Pasalamat ka at maayos yung tao! Pinagluto ka pa bago umalis."



"What!?"



"Paulit-ulit?" She mocked me.



"Nagluto siya?" Tanong ko ulit.



"Nasiraan ka na ba ng bait? Oo nga diba!"



"Wag ka ngang sumigaw! Naninigurado lang." Sabi ko.



Lumapit ako sa mesa para makita ang niluto niya saakin. He's....good. Parang mas worth it pa siyang maging cooker kesa maging professor.



"Wala kang pagkain sa ref mo, Namili pa siya para maluto yan," Zeleste whispered.



"He did that?" Parang hinayod yung puso ko ng marinig yun. "Wala ba siyang work?"



"Meron, Kaya nga umalis na diba? Pinag abala mo pa yung tao." pagsisisi niya.



"Hindi ko naman sinabi sa kanyang ipagluto niya ako,"



"Kasalanan mo parin." She insisted.



Sabay kaming kumain ni Zeleste dahil hindi din siya nakapag breakfast. Dumeretso na siya dito ng sabihin sa kanya ni Bry na lasing ako at hindi pa bumabangon. Sa sobrang hiya ko ay hindi ko na kayang hawakan ang cellphone ko at baka kung ano-ano na naman ang sabihin ko sa kanya. Nakakainis!



"Kung mang-aakit ka, Pwede bang sa'kin ulit?" (Completed) Where stories live. Discover now