Chapter 9

370 10 3
                                    

"Kailan balik mo sa eroplano?"



"Ay beh! Ganun kaba ka atat na pabalikin ako sa trabaho? Hindi naman ako mukhang jobless diba?"



Umiling si Zeleste. "Ginagawa mo nang hotel, Rest house at restaurant tong bahay ko. Nung pumunta ako kena Yeji para magbigay ng papers sabi niya doon ka natulog one time. Huwag mong sabihin napilit mo din si Ayla na patuluyin ka sa bahay niya?"



Pumalakpak ako ng kunti. "Ako pa? Syempre Oo. Aanhin niyo yang mga nagsasalakihang bahay niyo kung walang magandang bisita noh."



Napasapo nalang sa noo si Zeleste. "Mahaba yung bakasyon ko ngayon dahil hindi ako ng take ng leave for two months. Alam mo naman kung bakit diba?"



Napatingin siya saakin at tinapik ang balikat ko. "Wag ka lang papahuli sa pamilya mo, Piloto. Sila lang ang hindi ko kayang kalabanin pagdating sayo."



"Wag kang mag-alala, Mari! Di ako ganun katanga noh," Taas noo kung sabi.



"Hindi ako uuwi mamaya, Humanap ka ng ibang matutulugan." paalama niya saakin.



"May condo padin ako Miss-Maam! Hindi ako ganoon ka kawawa sa isip mo oi!" Sigaw ko sa kanya pero dere-deretso lang siyang naglakad paalis suot-suot ang uniform niya. Astig.



I decided to take a jog since its early pa naman. I haven't exercise lately. Landi lagi, choz! Hindi na ako nag abalang mag-ayos dahil wala naman akong extrang damit na dala buti nalang at jogging shoes ang suot ko.



I was running on the side walk when I saw a familiar man running on the different pathway. Huminto pa talaga ako para matingnan ng maayos... and I was right! It's Bry, My babe.



Lilipat na sana ako ng pathway ng biglang may tumabi kay Bry habang nag lalakad. Obviously, Flirting with him! Deretso lang ang tingin ni Bry sa daan, buti naman, pero pakiramdam ko ay kaya kung makipagsabunutan sa babaeng pilit na kinukuha ang atensyon niya.



"Nagseselos na talaga ako! Karapatan nalang kulang." Nanggigil kung ani sa sarili ko.



Bry is wearing a black sando shirt, Nakakainis gusto kung magwala! Effortless yung pagiging gwapo niya pati ba naman yung pagiging sexy? Jusko, Tamana fless baka pakasalan ko nalang to agad.



Nang makalipat na ako ng pathway ay palihim lang akong nakasunod sa kanila. Bry isn't talking but the girl beside him is madaldal, Oo, Madaldal pa kesa saakin.



"Do you have a girlfriend, Sir?" The girl boldly asked.



Bry didn't respond to her question, Instead, Bigla siyang huminto sa paglalakad resulting me to stop from walking too. Napatabingi pa ako ng ulo ng tingnan niya ang babae ng ilang segundo at may ibinulong na hindi ko talaga narinig. Nagulat nalang ako ng biglang lumingon ang babae sa likuran niya at deretsong napatingin saakin. Nawala tuloy yung kalma ko.



Inismidan niya ako bago siya umalis at padabog na naglakad. Ilang segundo pa ay napalingon nadin si Bry saakin. Nakasuot siya ng wireless earphone habang nakapamulsa.



"What? Kung makatingin ka parang may gagawin akong masama sayo, ah," bigla kung angil.



His one brows goes up. "Wala ba? I doubt that."



Luh! Ang sama ng tingin nito saakin ah.



"M-May tanong ako!" sigaw ko at lumapit sakanya.



"Kung mang-aakit ka, Pwede bang sa'kin ulit?" (Completed) Where stories live. Discover now