Chapter 4

404 10 2
                                    

"Let's make it a secret kay mommy mo  yung nangyari kanina, Okay? Let tita handle it for you,"



Hinatid ko si Reji sa bahay nila. Wala pa yung mommy niya at si Luca lang yung nasa loob. I decided to keep it a secret from Yeji first dahil alam kung hindi yun mapapakali, Malamang bukas ay may naka-hatol nang kaso sa Manuel kapag nalaman niyang binu- bully ang kaisa-isa niyang anak. Isa pa, I don't want her to get hurt knowing that she was accused as a cheater on court. Na hindi naman totoo.



1:00 pm na. Kumain na kami ng lunch ni Reji bago ko siya hinatid para naman mawala sa isip niya yung nangyari. I bought her icecream, Shoes and dolls, It's not a big deal.



I decided na magpalamig muna dahil wala din naman akong gagawin ngayong araw. Bukod sa bwesitin ang buhay ng mga kaibigan ko ay wala na akong maisip na gawin kapag off-duty ako.



But not now! Rexander Chavez is here!



"Goodmorning, Maam! Welcome to M'Cafe, Again. May I have your order po." The cute counter boy greeted me with a smile again.



"Wala ba kayong pampalamig dito?" I asked. Puro kape kasi nakikita ko sa menu nila!



"We serve cold latte here, Maam. May mga add-ons din." Sagot niya.



"Sige, Yan nalang. How much?"



"150 pesos po, Maam." calcula niya.



Buti nalang at may dala akong cash. I bring out the 500 hundred peso from my wallet at inabot yun sa kanya. Tumingin pa siya ng ilang segundo doon.



"May maliit po ba kayo niyan maam?" tanong niya.



"May mas maliit pa'ba dito? Lahat ng pera ganito yung size," nagtataka kung tanong.



"What I mean po is wala po kasi kaming pang change for 500 peso. May 200 po ba kayo?" sabi niya.



Tumango ako at napangiti. "Don't worry, Keep the change, Tip ko na yan' sayo."



Lumiwanag agad ang mukha niya. "Talaga po!?"



Tumango ako. "Yeah! And I will tip you everytime I come here. Basta sa isang kondisyon..."



Umiiral ulit kademonyohan ko.



"Ano po yun?"



"Kunin mo yung number ng boss mo, Bigay mo sa'kin." nakangiting sabi ko.



Ang galing ko talagang mag-sip!



Napakamot agad siya sa ulo. "Mahirap po yan, Maam."



"Bakit?"


Ganoon ba kahirap kunin ang number niya!?



"2 years na po akong nag ta-trabaho dito, Maam. Pero never niya pong binigay saakin ang number niya o tawagan man lang ako. Binibigay niya lang po yun pag kailangan," paliwanag niya.



Magkano ba yung number niya at bibilhin ko nalang! Tanungin ko kaya si Luca para matanong niya kay Ethan!? Jusme! Ngayon lang ako nahirapang kumuha ng number, Saakin kasi yung kinukuha! 



Umupo ako sa bandang entrance para makita ko kung sino yung pumapasok. Baka kasi dumating siya! Pero malabo, Malamang nagtuturo pa siya ngayon. Pumasok kaya akong janitor sa Manuel? Baka sakaling mapansin ako ng manhid niya pusow.



"Kung mang-aakit ka, Pwede bang sa'kin ulit?" (Completed) Where stories live. Discover now