"Anong gagawin mo ngayon?"
Sa dami siguro ng tumatakbo sa isip ko ngayon ay hindi ko na kayang magpalipad ng eroplano. Weeks nalang ang natitira sa bakasyon ko. After that, Balik duty nadin ako sa airline.
"Should I just forget about him nalang?" Tanong ko kay Zel.
"Kaya mo?" patanong niyang sagot. Ganoon nalang ang pagbaksak ng balikat ko ng mapagtantong hindi naman talaga ganoon kadali kalimutan si Bry.
"Kasalanan ko bang gwapo siya? Syempre kasalanan niya yun!" pang gagas light ko sa sarili ko.
"Boba ka kasi." Zel blurted while looking at me.
"Oo na! Oo na! Kasalanan ko bang may kahawig pa pala tung ganda ko? Syempre hindi ko yun kasalanan." Sabi ko, Still defending myself.
"What if in-approach ka lang nun' dahil kamukha mo yung ex niya? Kawawa ka sa part na yun." Bigla niyang singit.
"Alam mo hindi ka nakakatulong! Umalis ka nga!" Pag uusig ko.
Nagkibit balikat siya agad. "Paalisin mo'ko sa sarili kung bahay? Ano ka, Sinuswerte? Ulol mo."
Sinabunutan ko nalang ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa puntong to. Dumagdag pa yung problema ni Ayla at Luca, Ayos na naman daw ang dad nila at ililipat na sa Laurel. Zel and I visited them earlier pero wala si Luca, Ang sabi ni Lucas ay pinagpahinga muna niya ang kambal niya. Hindi na ako tumawag at baka maka distorbo pa, I just texted her para aware siyang andito ako all the time if she need something.
After kung mag lunch kasama ni Zel ay dumeretso ako sa condo para magbihis. Medyo bothered pa nga akong umuwi dahil baka makasalubong ko si Bry. Simula nung huling araw naming pagkikita ay wala na ulit akong narinig mula sa kanya. He didn't text me, Kaya hindi ko din siya tinext.
"Baka tama nga yung sinabi ni Zel, Nilapitan lang ako ni Bry dahil nakikita niya sakin ang mukha ng babaeng una niyang minahal." I said to myself while laying down my head.
Sa sobrang stress ng utak ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa sofa. Nang magising ako ay magdidilim na sa labas, I tried calling Zel para sabay ulit kaming mag dinner pero hindi siya sumasagot sa tawag ko. Hindi ko naman pwede distorbohin si Yeji dahil may anak yun.
I was about to get something sa ref ng may biglang tumawag sa cellphone ko. Hindi ko alam pero I was hoping na siya yung tumatawag. Pero hindi. It was Chester.
[What's up, Cap! Busy ka?]
"Yow, Ches. Hindi naman, Bakit?" Matamlay kung sagot.
[Ba't ang tamlay mo ngayon? I was expecting you to yell at me, What's wrong?] bigla siyang nag alala.
"Wala naman. Pagod lang siguro."
[Can I take you out? If pwede, Promise hindi ako mangungulit. Parang kailangan mo ng makakausap ngayon.]
Nag isip pa ako ng ilang segundo. Total natatamad din naman akong magluto ay tinanggap ko nalang ang alok niya saakin. He end the call at susunduin niya daw ako. Hindi na ako nag aksayang magbihis pa at nagsuot nalang ng maluwang na hoodie at tinali ang buhok ko.
"Anyeong Captain! Long time no see..." pagbati niya saakin ng makalabas ako sa condo.
"Nagkita tayo last month, Chester." sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
"Kung mang-aakit ka, Pwede bang sa'kin ulit?" (Completed)
RomanceDo you know a story where she fall first but he fell harder? A pilot, The Epitome of elegance and beauty. That is what define Captain Xyra Xiomora De Vera. A man's dream, Born from a family of richest. She is always the center of attention, pursued...