Huminga ako ng malalim nang mailapag ang tray ng alak sa lamesa ng mga customer, siguro kung mayaman lang din ako tulad nila hinde ko na kailangan mag doble kayod, siguro kagaya din nila ako tamang inom lang at walang iniisip na problema lalo na sa usaping pera.
Kaya atat na ata ako yumaman eh sa umaga empleyado sa isang kompanya at sa gabi naman waiter sa pub dahil kapag doble ang trabaho doble rin ang kita.
"100k ? 500k ? 1 million? Name your price babayaran kita" napa igtad ako sa malamig na boses mula sa likuran ko . Mabilis ko itong hinarap para sana sabihin na waiter ako sa pub at hinde stripper pero mabilis dinaga ang puso ko nang mapagtanto boss ko pala sa kompanya ang kaharap ko
" Can't decided how much money do you want?" Malamig na sambit nito sabay hawak sa maskarang suot ko.
Mabilis kong tinabig ang malikot nitong kamay papalayo sa mukha ko hinde pwedeng malaman niya na sumasideline ako sa ganitong lugar baka masisante pa ako
" You cant take off my mask mister that's the golden rule of this pub" may diing sambit ko at pilit na iniiba ang boses ko. Pero hinde ito natinag bagkus ay ngumisi pa ito
" Ano ng desisyon mo lumalalim ang gabi?" Seryosong tanong nito habang gumuguhit ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi
" Im declining your offer mister" walang pag aatubiling sagot ko rito at agad na lumihis ng tingin.
Rumehistro ang gulat sa mukha nito na mabilis ding napalitan ng mapaglarong ngiti
"Ikaw ang pinaka unang taong nag reject sakin, kaya naman isang insulto yun para sakin but at the same time your rejection make me wants you more. " Makahulugang sambit nito habang gumagagala ang mga mata niya at masusing sinusuri ang katawan ko.
" Excuse me mister but i need to go" sambit ko rito at mabilis siyang tinalikuran
" Im not done with you , i can get whatever i want " hinde nakalagpas sa pandinig ko ang sinambit nito bago ako tuluyang makaalis sa pwesto niya.
"Anyare sayo? " Bungad ng kaibigan ko ng makapasok na ako sa dressing room
" Milo as usual pinagkamalan nanaman akong stripper" sambit ko rito at niluwagan ang suot kong neck tie
" lakas kase ng karisma mo partida naka maskara kapa, pano pa kaya pag tinanggal mo yan baka mabaliw sila sayo" pang aasar nito kaya nakatanggap ito ng hampas sakin.
Pero hinde ako mawaglit sa isip ko ang nangyare kanina , baka araw arawin niya ang pagpunta rito hanggang sa mahuli ako.
" Ahm... Milo una nako maaga pa pasok ko sa kompanya bukas eh " pagpapaalam ko rito at mabilis na kinuha ang bag di ko na tinanggal ang maskarang suot ko at sa labas ko nalang ito tatangalin
" Ingat sa daan Hiro" sambit nito na nginitian ko bago tuluyang lumabas.
Hinde na akong nag abalang dumaan pa sa main door ng pub bagkus dumaan ako sa fire exit para maiwasan ang boss ko . Mabilis kong binuksan ang pinto at patakbong bumaba sa hagdan pero natuod ako ng makitang prenteng nakatayo ito tabi ng hagdan.
" Are you accepting the offer?" Sambit nito at dahan dahang lumapit sa kinatatayuan ko gustohin ko man maglakad palayo pero hinde naki ayon ang mga paa ko at piniling manatili sa kinatatayuan ko
Ilang saglit pa ay hawak niya na ang pulsuhan ko at nagsimula na naman dagain ang puso ko sa kaba . Akmang hihilain ko ang kamay ko sa kanya huli na ang lahat dahil nahila niya na ang maskarang suot ko.
Pero walang bahid ng gulat ang rumehistro sa mukha niya nang bumalandra sa mukha ko.
" Sir mag eexplain ako~" pero pinutol niya ang sasabihin ko gamit ang isang marahas na halik
YOU ARE READING
Perfidious Lover
Teen FictionIn a tale of deceit and betrayal, the Perfidious Lover once shattered trust and broke hearts. But amidst the darkness, they found the courage to mend their ways and embrace redemption. Through forgiveness and understanding, they transformed their tu...