Chapter 12

154 7 0
                                    

Hiro Pov

Habang inaantay ko mag 9:30 ay muling may kumatok sa pinto kaya dali dali akong tumayo para pag buksan ito

Halos malaglag ang panga ko nang bumungad sakin ang human size bouquet sa harap ng pinto

" Sir papirma nalang po" saad nang delivery boy kaya naman pinirmahan ko

" Ah kuya papasok nalang po sa loob" utos ko rito dahil tiyak akong may kabigatan iyon

Pag pasok ko sa loob ay tumayo si Marcus na abot tenga ang kanyang ngiti

" I told you , Marcus Fierro is an undefeatable" saad niya kaya naman bahagya akong natawa rin

" Do you like it?" Tanong niya habang tinititigan ang bouquet sa harapan namin

" No , i dont like it" sagot ko sabay iling rito

Agad rumehistro sa mukha niya ang pagtataka

" Papalitan ko nalang " sambit niya kaya naman natawa na ako rito

" I don't like it because i love it" sambit ko kaya naman atomatikong namula ang mga pisngi nito

" I saw it ! You're blushing Mr. Fierro" puna ko at sinundot ang tagiliran nito kaya mabilis itong tumalikod sakin

" No im not" natatawang sambit nito mukhang mas kinilig ata

" Sino ngayon saatin ang king of denial?" Pang aalaska ko rito at hinarap siya

" Fine " pag suko nito at pangiti ngiting sumusulyap saakin

Naputol ang asaran namin nang may kumatok muli sa pintuan

" Come in" usal ni Marcus kaya pumasok ang staff nito

" Ready na po ang breakfast buffet sir kayo nalang po hinihintay" sambit ng staff na ikinalaglag ng panga ko

" We're coming" sambit ni marcus at tuluyan ng lumabas ang staff

" Di ka talaga papatol" saad ko at hinde parin makapaniwala sa ginawa nito

" Like what i said , Marcus Fierro is undefeatable" saad niya at hinila ako palabas ng office

Anong laban ng dalawang paper bag ng pagkain at bouquet ni Matteo sa human size bouquet at pa Buffett breakfast ni Marcus

" Well i can declare this as 1-0 "saad niya habang pababa ang elevator

Pagbukas ng elevator ay dumeretcho kami sa isang function hall at doon nagsama sama ang mga staff at ready ng kumain

" Let's start" go signal ni marcus kaya naman nagsimula na ang lahat

Ang sarap lang sa pakiramdam ng ganto masaya ang lahat at walang ilangan this is totally a good start

" Dapat pala sir matagal ka nang pumunta rito para laging may pa buffet at di mainitin ulo ni sir" sambit ng babae habang kumukuha ng waffle

"Ahh ganon ba joy last mo na to" biro ni Marcus kaya nagtawanan kaming lahat

" Sir payag ka don?mawawalan kayo ng maganda empleyado"Sambit nito sakin

" Wag mo na akong tawagin sir, hiro nalang parehas lang naman tayong empleyado rito" saad ko rito

" Ambait naman ni Hiro, crush na ata kita" biro nto kaya naman isang matalim na titig ang sumalubong kay Joy

" Joke lang para di ako makakalabas ng buhay dito" saad niya at binaling ang tingin kay Marcus

" Tama na yan kumain na kayo" saad ko at kumuha narin ng plato ko , at yung pagkain na bigay ni matteo baka ipadala ko nalang kay Milo

Natapos ang umagahan na busog at masaya ang lahat

" Maraming salamat po sir Marcus sa uulitin" sabay sabay nilang sambit kay marcus

" At syempre kay Hiro rin" sigaw ni Joy na kasalukuyan nambabalot ng tirang waffles at bacon

Tumungtong ang 9:30 kaya naman dumeretcho na si Marcus sa meeting nito habang ako mag isang bumalik sa opisina

Muli akong napangiti ng makita ko ang bouquet na bigay sakin ni Marcus grabe baradgulan ng mayayaman

Kinuha ko ang cellphone ko para mag selfie sa tabi ng bouquet minsan lang to kaya dapat may picture ako

Pagkatapos ko ay tinawag ko na rin si Milo na

" Milooooo" pang aasar na bungad ko rito

" Ang aga mo mabulabog pero sa tono nang boses mo good mood ka ah "

" May ipapadala ako sayong foods , diko kase maubos sobrang dami" saad ko rito baka kase bumili pa ito sa labas

" Grabe yan ang good morning na gusto ko" saad niya sa kabilang linya

" Mag tatanghali na bumangon kana riyan ,papadala ko na hinihintay ko lang yung courier " saad ko

" Anong meron? Nadiligan ka no? " Walang prenong sambit niya kaya naman nakatanggap ito ng malutong na mura sakin

" Alam mo mag thank you ka nalang, cge na may tatapusin pa ako" pagpapalam ko rito

" Bye na rin, sana ako din madiligan na" saad niya kaya naman pinatay ko na ang tawag

Bago tumungo sa lamesa ko ay nahagip ng mata ko ang isang larawan na nalaglag sa ibaba ng lamesa ni Marcus

Agad ko itong pinulot at larawan ito ni Marcus at nang isang magandang babae.

Sobrang ganda nang babae at mukhang sopistikada bagay na bagay silang dalawa sa larawan

Tinignan ko ang likuran nito pero wala naman nakasulat roon binalik ko ang larawan sa itaas ng mesa at bumalik na sa pwesto ko.

Binaling ko ang atensyon sa mga data ni ine-encode ko para makalimutan yung babaeng nakita ko .

Mabilis na lumipas ang oras at mag aalas dose na hindi pa rin bumabalik si Marcus kaya naman chineck ko ang phone ko . May message ito sakin na hindi ito agad makakabalik dahil na delay ang meeting. Nag send din ito ng picture niya na bagot na bagot sa paghihintay

Nireplyan ko ito na mauuna na akong mag lulunch pero di na siya naka reply baka nasa meeting pa ito.

Niligpit ko ang gamit sa lamesa at lumabas ng opisina . Habang hinahanap ko ang cafeteria ay nakasalubong ko ulit si joy na may dalang milktea

" Ah joy saan yung cafeteria niyo?"tanong ko rito

" Ah sa may kaliwa tapos dere deretcho kalang" saad nito

" Salamat joy " saad ko

" Teka nasaan si sir Marcus? " Pang uusisa niya saakin

" Ah nasa meeting pa din, na delay daw kanina kaya nauna na ako" sambit ko at tumango tango lang ito sakin

Pag punta ko sa cafeteria ay nagbubulungan ang mga tao sa paligid para bang may artistang kumakain sa loob

Derederetcho ako sa counter at doon namataan ko si Sir Matteo na nag oorder din ngayon alam kona bakit nag bubulungan ang mga tao mala artista rin kase gwapo nito, sana all sa genes nila pinag pala

Habang papalapit ako ay agad na nagtama ang mga mata namin kaya agad itong lumapit saakin

" Thank you sa foods and flowers kanina " saad ko kaya ngumiti naman siya

" Ikaw lang mag isa? Tanong niya saakin

" Oo nasa business meeting pa si marcus" saad ko rito

Cge kukuha ako ng table para saatin dalawa sabay na tayo" saad niya kaya tumango ako.

Nag order muna ako ng pagkain atsaka dumeretcho sa lamesang ni reserve ni Matteo

"Kamusta kana ? Ayos naba mga sugat mo?" Tanong niya sakin kaya naman napa angat ako ng tingin

" Ayos na nag hihilom na " sagot ko rito

" That's good , sa susunod na gagawin niya yun lumapit ka lang sakin" saad niya kaya naman tinanguan ko ito

" Anyways libre ka ba sa Saturday?" Tanong nito saakin

" Hinde mag dadate kami" ani ng isang boses mula sa gilid namin

Sabay kaming napatingin ni Matteo kay Marcus habang binabalingan ng mapag larong ngiti ang kapatid niya.




Perfidious Lover Where stories live. Discover now