Chapter 28

118 9 0
                                    

Hiro POV

Dumating na ang araw na pinaka hinihintay namin ni Marcus .

" Ready kana ba?" Tanong ni papa habang inaayos ng necktie na suot ko

" Syempre naman Pa" sagot ko rito kaya naman kinurot niya ang pisngi

"Pa ma smudge yung foundation" biro ko rito kaya naman tinapunan niya ako ng masamang tingin

" Sa wakas nahanap mo na rin ang taong magaalaga at magmamahal sayo na labis na hindi ko nagawa noon" pag uumpisa niya kaya naman nag init ang gilid ng mga mata ko

" Ano ba naman yan pa wag niyo muna ako paiyakin masisira make up ko oh" pilyong saad ko at pinunasan ang umalpas na luha saking mata

" Pero seryoso, wag niyo na po isipin ang nakaraan isipin niyo kung ano ang meron saatin ngayon" saad ko kaya naman yinakap niya ako nang buong buo

" Tama na ang drama alam kong hinihintay ka na ng soon to be husband mo" saad ni papa at muling inayos ang gusot sa damit ko

Pagbaba ng kotse ay tumambad na sakin ang magarbong entrada .

Nagsimula na akong lakarin ang red carpet habang papalapit ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Isang hakba pa at nasilayan ko na ang maaliwalas mukha ni Marcus.

Habang sa may gilid ay si papa na hinihintay rin ako para ihatid sa magiging manugang niya

Pagtapat ko kay papa ay hinawakan niya ang braso ko at sabay kaming naglakad papunta sa gawi ni Marcus

" Pa bat ka umiiyak" bulong ko dahil pansin ko ang mahinang pag iyak niya

" Emosyonal lang" banggit niya

Pagdating sa harap ay sinalubong ako ni Marcus

" Alagaan at mahalin mo ang anak ko ha , pag dimo na siya mahal ibalik mo nalang saakin wag mo nang saktan" saad ni papa kaya naman tuluyan akong naluha

" pangako po aalagaan at mamahalin ko siya" saad ni Marcus kaya tinapik tapik ni papa ang balikat niya

Sa pagkakataong ito ay sabay na kaming dalawa ni Marcus na haharap sa altar

"Welcome! We are gathered here today to witness and celebrate the marriage of Marcus and Akhiro. This is not the beginning, but a celebration of the next chapter in their lives together. Today, they will affirm this bond formally and publicly. This affirmation is made even more meaningful because it’s shared with all of you, their most cherished friends and family" panimula ng pari na nginitian naming dalawa ni Marcus

"Marcus and Akhiro, today you not only marry the right person, you commit to being the right partner—the one with whom the other can stand and face the world.

It’s time to joyfully seal this chapter with the declarations that will unite you in marriage." Dag dag ng pari

"Do you Marcus take Akhiro to be your lawfully wedded partner, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and not-so-good times, for richer or poorer, committing yourself unto them for as long as you both shall live?" TANONG NG PARI

" I do" sagot ni Marcus at tumitig saking mga Mata

"Do you Akhiro take Marcus to be your lawfully wedded partner, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, committing yourself unto them for as long as you both shall live?" TANONG NG PARI SA AKIN NA AGAD KONG TINUGON

" I DO" SAGOT KO

Naging mabilis ang seremonya ng kasal Naman ni Marcus hanggang sa magkapalitan kami ng wedding vows

"Now that you, Marcus and Akhiro ,have promised to give yourselves to one another, to love each other through your sacred vows, and through the giving and receiving of these rings, I have the great honor and pleasure to now pronounce you married!,,,"

"You may seal your vows with a kiss."sambit ng pari

Agad namn akong ginawaran ng halik ni Marcus na siyang tinugon.

Pagkatapos ng aming halikan ay humarap kami sa mga tao na ngayon ay nag papalakpakan

Pagkatapos ng seremonya ay tumungo kami sa hotel na pagmamay ari ni Marcus

Lahat ng staff ay pumila sa daraanan namin at maligayang binati.

Dumeretcho kami sa function hall at doon hinihintay na kami ng lahat pero umagaw ng atensyon ko ang kaibigan kong si Milo na nakatayo sa gilid. Mabilis ang hakbang na ginawa ko at yinakap ito ng mahigpit

" Best wishes" bulong niya sakin kaya naman ngumiti ako

" Ansayasaya ko na dumating ka" saad ko sa kanya at mas hinigpitan ang yakap dito

" Ma mimiss out ko ba ang kasal ng best friend ko" saad niya kaya naman napangiti ako lalo

" Tama na kakayakap mag seselos ang asawa mo" saad niya kaya humiwalay ako rito

Maya maya pa ay naramdaman ko na si Marcus sa tabi ko at hinila ako papunta sa malaking balcony ng hotel

" I have another surprise " saad niya saakin habang pareho naming tinatanaw ang maganda city lights

Maya maya pa ay nagsimula nang maglitawan ang mga fireworks na sobrang ganda

"Hindi pa dyan natatatapos" saad niya at biglang umilaw ang isang billboard na may larawan naming dalawa

Halos maghiyawan at magpalakpakan ang mga tao

" I love you" saad niya saakin

" I love you too" tugon ko naman at naramdaman ko ang matamis nitong halik saakin

Bumalik kami sa mga bisita at may kaunting program pang naganap hanggang sa mapansin ko ang bouquet ng bulaklak sa tabi ko

Pinagpunta ang mga single na bisita sa harap para sa gagawin pag salo ng bouquet

Agad akong tumalikod at sabay hagis sa bulaklak

Nang maramdaman ko ang palakpakan ay humarap nako at laking gulat ko nang makita na hawak hawak ni Milo ang bulaklak at mukhang hindi ito makapaniwala

Hanggang sa dumating si Matteo at inalalayan makalabas si milo sa kumpol ng mga tao

Di naglaon ay umalis narin kami ni Marcus dahil deretcho na kami ng Hawaii para sa honey moon tutol ako nung una pero mapilit ang asawa ko at sabik na sabik sa Honeymoon

Dumeretcho kami sa rooftop ng hotel at doon bumungad ang helicopter

" Pinaghanda ah" ngiting saad ko rito habang inaalayan makapasok

" Sa Honeymoon ako mas babawi" saad niya at hinalikan muli ako sa labi....

Perfidious Lover Where stories live. Discover now