Chapter 3

205 12 0
                                    


Hiro POV

Matapos ang nagyare ay agad kong dumeretcho sa inuupahan kong apartment at doon ikunulong ang aking sarile.

Diko alam anong pumasok sa sarile ko at nagawa kong pumatol kay sir Marcus at ginawa ang bagay na yun. Pinilit kong makapunta sa banyo para linisin ang aking katawan tila ba napakurumi ko dahil sa nangyare.

Makalipas ang isang lingo pagkukulong ay napag pasyahan kong magpasa ng resignation letter at tuluyan ng iwan ang trabaho ko sa kompanya ni sir Marcus.

"Kala ko patay kana" bungad sakin ng kaibigang kong si Milo nang makapunta ako sa bar.

" May inasikaso lang , ano kaba" sambit ko rito pero inirapan niya lamang ako

" Anong akala mo bebenta yang palusot mo sakin, nung nakaraan sabi mo emergency tas ngayon may inasikaso ka nanaman ano ba talagang nangyare? " Pang uusisa nito sakin pero wala akong balak na sabihin sa kanya ang totoo ,tsaka na paghanda nako

" May inasikaso nga , nagtanong kapa ayaw mo naman maniwala" baling ko rito at agad na dumeretcho sa dressing room

" Napansin ko lang din bat ang aga mo ngayon alas sinco palang ng hapon ah, diba may pasok ka? " Muling tanong niya sakin

" Nag resign nako sa trabaho naisipan ko kaseng mag focus nalang sa pagiging waiter" banggit ko rito na kanya naman pinaniwalaan

Pumasok naman ang manager sa bar at nagulat pang noong magtama ang mata namin

" Hinde mo ba nabasa yung email na sinend ko sayo?" Tanong niya sakin na ipinagtaka ko

" Di pa po kase ako nagbabasa ng mga email boss , pero tungkol saan po ? " Kuryosong tanong ko rito

" Ahm Hiro nagbabawas na kase kami ng empleyado hinde na kase ganon kalaki yung kinikita ng bar" pauna niyang sambit na ikinalungkot ko

" Bat si Hiro pa ang tatanggalin eh ang lakas ng hatak niya sa customer kahit na waiter lang" Pagsabat ni Milo na ikinakunot ng noo ng boss ko

" Wala akong choice isang linggo siyang hindi pumasok tapos alam naman natin na may iba siyang trabaho mas mahihirapan siya mag focus " saad ng boss ko , naiintindihan ko naman ang punto nito pero kaka resign ko palang sa kompanyang pinapasukan ko

" Pero boss~" hinde na natapos ang sasabihin ni Milo ng patahimik siya ng boss

" Cge hinde ko tatangalin si Hiro at ikaw ang sisisantihin ko" galit na saad nito kay milo kaya naman pumagitna na ako sa dalawa

" Tinatanggap ko po ang desisyon niyo at ako'y nagpapasalamat na binigyan niyo ako ng chance na makapag trabaho sa bar niyo" saad ko sa boss ko bago niya kami iwan

" Milo , ayos lang makakahanap din ako ng ibang trabaho bibisitahin nalang kita pag may time ako" saad ko naman sa kaibigan ko at yinakap ito ng mahigpit

"Di ako sanay drama mo" patutsada nito sakin na nginitian ko nalang.

Bagsak ang balikat ko nang lumabas ako sa bar dahil hinde ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.

Binuksan ko ang cellphone ko at nag browse ng mga kompanyang pwedeng pag applyan at sa awa ng diyos marami rami more chances na ma hire.

Bumalik ako sa apartment na inuupahan ko at sinalubong ako ni aling Marie siya ang may ari ng apartment na inuupahan ko, hinde siya tulad ng iba na mataray dahil siya na ang tumayong magulang ko .

Ang mga magulag ko kase matagal ng hiwalay at ni isa sa kanila walang gustong kumupkop sakin, sarileng anak ayaw tanggapin

"Anong mukha yan bat para kang pinagbagsakan ng langit lupa " bungad sakin ni aling Marie

" Problema lang po sa trabaho" saad ko rito

" May naghahanap sayo kanina kaso wala ka kaya pinapaabot nalang" saad nito sabay abot sa isang sobre at isang paper bag

" Salamat po " sambit ko at kinuha ang sobre at paper bag

Pagpasok ko sa loob ay una kong binuksan ang paper bag at tumambad sakin ang isang polo na pamilyar sakin

Sunod ko naman binuksan ang envelope at nakalakip roon ang isang sulat. At nakasaad sa sulat ay ang polo nasa paper bag ay yung suot ko noong may nangyare saamin ng boss ko natatandaan kongang naiwan ko iyon at ngayon ay binabalik niya ito sakin .

Mabilis akong nakaramdam ng pag iinit ng aking pisngi nang muling maalala ang gabing makasalanan .

At may pahabol pa itong katagang " see you soon" kaya naman agarang dinaga ang puso ko.

Nilamukos ko ang papel at itinapon sa basurahan maging ang polo ay binato ko sa basurahan pero mabilis ko itong pinulot dahil isang beses ko pa lang iyong sinuot kaya naman ibinato ko na lamang ito salaundry basket .

Kinabukasan ay maaga akong nagising para libutin ang syudad at mag apply ng trabaho. Gumawa pa ako ng listahan ng kompanya at umabot ito sa bente siguro naman kahit isa may tatanggap sakin.

Pero mukhang hinde sumasang ayon sakin ang tadhana dahil mag aalas nuebe na nang gabi wala parin tumatanggap sakin.

"Lord anak mo rin naman ako ah" sigaw ko sa daan dahil mula sa benteng kompanya na inilista ko isa nalang ang natitira at ang lahat ay ni reject ako sa di malaman na dahilan

Nilakasan ko ang loob ko at tinungo ang nag iisang kompanya last chance na toh para saakin.

Pagpasok ko sa loob ay tinungo ko kaagad ang lobby

" Good evening ma'am nag hihire pa po ba kayo? " Tanong ko rito

" Wait ma'am i check ko po ah " sambit niya at tumingin ito sa monitor

Ilang minuto pa ay hinarap nako nito" sorry ma'am wala na pong slot , yung last slot po kakakuha lang ngayon" sambit niya kaya naman tuluyan na akong nanlumo .

" Thank you parin po" sambit ko at naiiyak nang lumabas sa establishmento .

Nagsimula ang kamalasan ko noong nakaraang linggo , kung tama ang kutob ko ay may kinalaman ang dati kong boss kaya walang tumatanggap sakin.

Habang binabagtas ko ang daan papuntang terminal nang jeep ay nilapitan ako ng isang lalaki at iniabot sakin ang isang flier at nakasulat doon na naghahanap sila ng secretary

Kaya naman di na ako nag aksaya pa nang panahon at dumeretcho nako sa sinasabing kompanya.

Bumungad sakin ang malaking hotel at napaka high end ng disensyo nito mukhang mahirap makapasok dito pero susubukan ko parin.

Pagpasok sa loob ay agad akong lumapit sa lobby " good evening ma'am, im applying for secretary" sambit ko sa babae at agad na rumehistro sa kanya ang pagtataka.

" Im sorry sir pero wala po akong natatandaan na may hiring kami for secretary or any position" sambit niya kaya naman kumunot ang noo ko

" Pero nakasulat po rito sa flier na hiring kayo" saad ko at itinaas ang flier na ibinigay sakin ng tao kanina.

Mabilis na nagbago ang mukha niya tila nagugulo na rin

Kinuha niya ang telepono at may tinawagan

Ilang saglit pa ay muli niya akong hinarap

" Sir proceed po kayo 30 floor may sasalubong po sa inyo for interview saad niya dahilan para makahinga ako ng maluwag.


Someone's Pov

" Papuntahin mo na siya sa opisina ko" saad ko at ibinaba ang telepono.

" Umaayon na ang lahat sa plano ko ,sisiguraduhin kong hinde mo na ako tatakasan ngayon."

Perfidious Lover Where stories live. Discover now