Hiro POV
Lumipas ang dalawang araw at tuluyan nang natuntun kung saan nakatira si Milo
" Sasamahan kita" alok ni Marcus na tinanggihan ko
" Hindi na Marcus mas mabuti na ako na ang kakausap sa kanya" paliwanag ko rin na kanya naman na intindihan.
Sa pangalawang pagkakataon pupunta ako sa eskenita kung saan pumasok si Milo pero sa pagkakataong ito alam kona kung saan siya nakatira
Hinanap ng mga mata ko ang kulay asul na gate at suwerte kong nakita ito malapit sa kinatatayuan ko
Mabilis kong nilapitan ang bahay niya bukas pa ito nang maabutan ko.
Pagpasok sa loob ay naabutan ko si Marcus na nagsasampay ng mga damit niya at natuliro pa ito nang makita ako
" Milo , kausapin moko please" pagmamakaawa ko rito pero binalingan niya lang ako ng blankong mukha
" Umuwi kana" malamig na sambit nito at pinagpatuloy ang pagsasampay
" Milo nagmamakaawa ako sayo hayaan mo nang kausapin kita" sambit ko at nilapitan siya pero hinigit niya ako palabas
" Umalis kana sabi sabi eh" sigaw niya sakin kaya napatigil ako
" Ano bang nagawa ko sayo? Bakit galit na galit ka" hindi ko na napigilan ang sarile kong mapagtaasan ito ng boses.
"Ikaw lang ang nagiisang kaibigan ko tapos ipagtatabuyan mo pa ako" nabasag ang boses ko nang sambitin iyon sa harapan niya
" Kaibigan ba talaga? Naririnig mo ba ang sarile mo Hiro " patutsada nito at mas tinaliman ang tingin sakin
"Traydor ka Hiro Labis kitang kinasusuklaman " galit na galit sigaw nito saakin .
" Ikaw ang dapat tanungin ko niyan aririnig mo ba ang sinasabi mo ? Ako traydor paapano? " Tanong ko rito at pilit na pinapakalma ang sarile ko
"Wag kanang mag maang maangan , Sana tinapon nalang kita sa mas malayong lugar para hindi kana naka balik" banggit niya na ikinatuod ko sa kinatatayuan ko
" Ikaw? Ikaw ang driver ng taxi na sinakyan ko?" Pangungumpirma ko rito
" Oo ako.... " Hindi na natapos nito ang sinasabi niya ng awtomatikong lumapat ang palad ko sa pisngi niya
" Sa lahat ng tao bakit ikaw? Ganon na ba kalala ang galit mo sakin para gawin yun e hindi nga alam kung anong ikinagagalit mo" sumbat ko rito habang hawak hawak ang pisngi niya
" Gusto mo malaman? yung taong mahal ko inahas mo diba hindi kapa ba nakontento kay Marcus kaya pati kapatid niya kinanti mo" galit na sigaw niya dahilan para mapa atras ako
" Si Matteo ba ang tinutukoy mo ? Wala akong inahas sayo kilabutan ka sa mga paratang mo" singhal ko rito
" Itatangi mo pa rin ba? Tinuring kitang parang sarili kong kapatid tapos eto igaganti mo! "Panunumbat niya saakin
" Milo, aaminin ko niligawan din ako noon ni Matteo pero pinahinto ko siya dahil pinili ko si Marcus at sobrang tagal na non" banggit ko rito.
" Nung araw na pumunta ako sa apartment mo, diba naabutan ko kayo ni Matteo hubad pa nga siya diba anong idadahilan mo don" puno ng puot ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.
"Pinagpapalit ko si Matteo noon dahil nabasa siya ng ulan sinabihan ko ito na magpalit sa banyo pero mas piniling sa sala nalang sinubukan din kitang habulin non para ipaliwanag sayo pero mabilis kang umalis" paliwanag ko pero bakas parin sa mukha nito na hindi siya kumbinsido
" Kung ganon ipaliwanag mo ang mga larawan na ipinadala sakin ni Savannah" sambit niya at inilabas ang cellphone para ipakita ito
" Cge ano yan , wala lang pero naghahalikan napaka ahas mo " saad niya
" Hindi ako yan edited ang picture na yan tignan mong maigi meron ba akong balat sa leeg ha! "Saad ko at kinumpara ang nasa larawan
" Sinamantala ni Savannah ang galit mo sakin Milo, sinira niya ako para kamuhian mo" palatak ko rito habang tulala itong nakatitig sakin.
"Umalis kana sa buhay ko Hiro wag ka nang magpapakita pa" sambit niya saakin
" Hindi ka pa rin ba nalilinawan ha? Uulitin ko pa ba ang lahat" banggit ko rito pero sinamaan niya ako ng tingin
" Umalis kana, bago pa kita masaktan" banta niya sakin at iminuwestra ang kamay sa gate nito
" Cge saktan moko Milo, nagawa mo nga ako itapon sa malayong lugar diba" sambit ko rito
" Sinabing umalis kana eh" sigaw niya at malakas niya akong tinulak dahilan para mapatumba ako sa sahig
" Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nagigising sa katotohanan" pilit rito kaya naman mabilis niya akong kinwelyuhan at hinila palabas
"Bitawan mo siya" sambit ng lalaki na pumukaw sa atensyon ni Milo
" Walang namamagitan pero lagi siyang adyan para sagipin ka" may bahid ng galit sa boses nito .
" Paniwalaan mo naman ako Milo" inis na saad ko rito
"Tayong dalawa ang mag usap " malambing na saad ni Matteo pero matalim ang ipinukol ni Milo
" Isa ka pa , nasira ang buhay ko dahil sayo" bintang ni Milo at dinuro duro si Matteo
" Im sorry" paghingi ng tawad ni Matteo pero tila naging bato na ang puso ng kaibigan ko
" Hindi na mapapawi ng sorry mo ang nangyare pansasamantala ng mga tao sakin" sambit ni Milo na para bang bombang sumabog
" Oo tama ka nang dinig, pinagsamantalahan ako hinihintay kitang dumating para tulungan ako pero inuna mong puntahan yan. Matteo inaya mokong mag date pero dimoko sinipot hanggang sa umuwi ako mag isa at napagtripan ako ng mga lasing, lima sila anong laban ko tapos malalaman ko kinabukasan sumama ka pala jan" puno nang hinahakit na saad niya . Mabilis itong niyakap ni Matteo
" Ipapakulong natin sila" pag alo nito habang mahigpit na nakayakap kay Milo
" Sorry, hindi ko mapapatawad ang sarile ko sa nangyare" umiiyak na saad ni Matteo
Hindi kona alam kung anong mararamdaman ko dahil sari saring emosyon na ang lumukob sakin.
Mabilis na humiwalay si Milo kay Matteo at buong lakas niya itong tinulak
" Isa nalang hinihiling ko sa inyo umalis na kayo sa buhay ko" saad niya at sinarado ang gate sinubukan ko pang habulin ito ng pigilan ako ni Matteo .
" Magbabayad sila sa ginawa nila" gigil na saad ni Matteo
" Tutulungan kita " dagdag ko rito...
YOU ARE READING
Perfidious Lover
Teen FictionIn a tale of deceit and betrayal, the Perfidious Lover once shattered trust and broke hearts. But amidst the darkness, they found the courage to mend their ways and embrace redemption. Through forgiveness and understanding, they transformed their tu...