Chapter 22

115 6 0
                                    

Hiro POV

Umalingawngaw ang tunog ng baril sa loob ng kwarto pero wala akong naramdaman kaya dahan dahan akong nagmulat ng mata at bumulagtad sakin si Savannah na nakahandusay sa sahig hawak ang kanyang duguang braso. Gulat kaming pareho ni Marcus sa nangyare pero mas ikinagulat ko nang makita si Papa sa likod ni Savannah na may hawak na baril.

" Papa anong ginagawa mo rito?" Kabadong tanong ko rito.

" Sinundan kita dahil naramdaman kong may mali sa nangyayare " saad niya saakin

" Pero pa delikado umalis na kayo, baka madamay pa kayo rito" pagtataboy ko dahil ayokong masisi ako nito sakaling masangkot nanaman siya sa gulo

" Lumabas na kayo rito ako na ang bahala, bilisan niyo" utos niya saamin kaya mabilis akong hinili ni Marcus palabas pero napatigil ako nang muling

umalingawngaw ang malakas na putok ng baril

" Dapat ka nang mawala " sigaw ni Savannah at tumawa na para baliw

" Ikaw ang dapat mawala , wala kang karapatan na saktan ang anak ko" banggit ni papa at sa unang pagkakataon ay narinig ko ang pagtawag niya sakin ng anak

" Anak? Nagpapatawa kaba hindi bat ginagawa mong punching bag yung anak mo dati? "Palatak ni Savannah dahilan para matahimik si Papa

Pinasadahan ako ng titig ni Papa at sa pagkakataong ito bakas sa mata niya ang pagsisi

" Ilabas mo na siya at tumawag kayo ng police" utos ni papa kay Marcus kaya naman muli akong hinila ni Marcus palabas

Hindi pa kami tuluyang nakalabas ng muling umalingaw ngaw muli ang palitan ng putok at naramdaman ko nalang ang panghihina ng tuhod ko at pagkamanhid ng likod ko

Mabilis akong sinalo ni Marcus sa kanyang mga bisig at nangangamba sa pangyayare

Nabaling ang tingin ko kay Savannah na tuluyan nang humandusay sa sahig at duguan na ang dalawang braso nito habang si papa ay may tama na rin sa kaliwang .

Akmang lalapitan ko ito ng pigilan na ako ni Marcus

" Hiro may tama ka" takot na sambit ni Marcus at doon palang nag sink in sa utak ko na tinamaan na ako ng bala.

" Marcus si Papa" usal ko rito bawat buka nang bibig ko ay ang pagbulwak ng dugo sa katawan ko

" Dalhin mona siya sa hospital ako nang bahala rito kaya ko ang sarile ko" pagpipilit ni papa

Agad akong binuhat ni Marcus palabas at todo iyak ito habang tinatakbo ako

" Babe kumapit ka lang ha , pupunta tayo ng hospital " iyak na sambit nito habang tinatakbo ako .

Pagkapasok sa elevator ay bumibigat na ang talukap ng mga mata ko kaya naman mas lalong humagulgol si Marcus

" Babe wag kang pipikit , wag kang matutulog" nangangambang saad niya sa akin

" Marcus , pasabi kay papa maraming salamat" nanghihinang usal ko rito

" Hindi Marcus kailangan mong lumaban at ikaw mismo ang magsabi niyan sa papa mo " saad niya kasabay nun ang pagbukas nang elavator , dinig ko ang pag singhap at bulungan ng mga tao. Agad kaming dinaluhan ng ibang staff para tulungan si Marcus

" Marcus, mahal na mahal kita" huling sambit ko bago pa tuluyang lamunin ng kadiliman

22.2

Pagbukas nang mga mata ko ay sumalubong sakin ang kulay puting kisame maging ang mga kurtina sa paligid ay kulay puti. Akmang igagalaw ko ang aking katawan nang maramdaman ang pag kirot ng aking likuran dahilan para maalala kung anong nangyare bago ako mapunta rito.

Pumukaw nang pansin ko ang lalaki na nakayuko at natutulog sa tabi ko , gamit ang mga daliri ay marahan kong sinuklay ang buhok nito. Bahagya kong naramdaman ang kibot nito hudyat na nagising ito yayapos yapos itong nagmulat ng mata hanggang sa magtama ang aming tingin

" Thanks God your awake" usal niya at agad na umayos ng upo

" May masakit ba sa iyo? , Nagugugtom kaba ? Sabihin mo sakin anong nararamdaman mo"aligagang tanong niya saakin kaya naman napailing ako rito.

" Alam mo bang 2 linggo kang tulog" saad niya sakin na ikinagulat ko , ganon ba talaga ako katagal na tulog o Oa lang siya masyado

"Nasaan pala si Marcus?" tanong ko rito pero tumahimik lang siya

" Ahh uminom ka muna nang tubig " sambit niya at inabutan ako ng tubig pero alam kong iniiba niya niya ang usapan

" Tapatatin moko Matteo , nasaan si Marcus?" Deretchang tanong ko rito.

"He's getting a therapy with her psychiatrist, dahil sa nangyare na trigger ang trauma niya" sambit niya saakin

" Anong sakit ni Marcus? Bakit kailangan ng therapy atsaka psychiatrist " Kuryosong tanong ko sa kanya

" He is suffering to dissociative disorder nakuha niya yun noong bata siya na nadala niya sa pagtanda pero nalampasan na yun ni Marcus by taking medicine But savannah take my brother condition as an advantage, trinigger niya si kuya para makapanakit ng iba" mahabang paliwanag nito kaya naman mas lalong kumulo ang dugo kay Savannah

" Nasaan na ngayon si Savannah nasa hospital rin siya kagaya mo pero binabantayan na sya ng mga police.

" Paano naman si papa nakulong rin ba siya ?Ayos lang ba siya?" Tanong ko nang maalala si papa

" Hindi siya nakulong dahil kinonsider nila ang nangyare as self defense " sagot niya kaya naman nakahinga na ako ng maluwag dahil kapag nakulong siya ay saakin nanaman ang sisi

" Actually siya ang naging blood donor mo dahil sa dami nang dugong nawala sayo" dagdag niya na ikinangiti ko

Napukaw ang atensyon namin sa katok mula sa pintuan at ilang segundo pa ay bumukas ito. Niluwa nnag pinto si Marcus kasama si papa gulat at tuwa ang rumehistro sa mga mukha nila noong makitang gising na ako

Mabilis na tumakbo sa gawi ko si Marcus at yinakap ako ng mahigpit.

" Aghhh Marcus ansakit" daing ko nang masagi niya ang likuran ko

" Im sorry babe , masaya ako na gising kana" saad niya at pinatakan ako ng halik sa noo

Sinalubong ko ang mga mata nito na pagod na pagod kaya hinaplos ko ang pisngi nito

" Sabi sayo eh lalaban ako" saad ko kaya naman napangiti siya kinuha niya ang kamay ko saka hinalikan

Dumapo ang mga mata ko sa papa ko na masayang nakatitig saakin

" Salamat pa" sambit ko at kumawala ang luha sa aking mata

" Kulang pa ang mga ginawa ko kumpara sa nagawa kong kamalian sayo dati kaya naman hindi ko na hahayaang masaktan ka ulit anak ko" bakas sa boses nito ang sinseridad at dahan dahan lumapit sa gawi ko para bigyan ng isang mainit na yakap.....

Perfidious Lover Where stories live. Discover now