Chapter 15

126 7 0
                                    

Hiro Pov

Pagkauwi galing sa mall ay dumeretcho kami ni Milo sa inuupahan kong apartment.

" Tagal mo na rin nakatira dito" sambit ni Milo at pabagsak na umupo sa luma kong sofa

" Hindi ko maiwan ang apartment na to dami kayang memories dito" saad ko sa kanya at dumeretcho sa kusina para kumuha ng tubig

" May tanong ako seryoso, tsaka curious lang" saad niya sakin habang inaabutan siya nang tubig

" Ano?" Tanong ko rito kaya naman umayos itong umupo at tinitigan ako ng maigi

" May nangyare na sa inyo ni sir Marcus dito sa apartment?" Seryosong tanong niya kaya naman naibuga ko ang tubig na iniinom ko sa mukha niya

" Milo ano bang klaseng tanong niyan" balik ko , naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa mukha ko at pag init ng pisngi ko kaya mabilis ko siyang tinalikuran

" Curious lang ako Hiro , malay ko ba na may ginawa na pala kayong mahiwaga sa paborito kong sofa" saad niya kaya mas lalo akong naubo dahil bumalik ang alala ko noong imbes na noodles ang kainin ni Marcus ako ang pinapak niya

" Alam mo Milo , lamig lang yan mag lola remedios ka " lokong sagot ko rito at sabay kaming nagtawanan

" Pero sabagay pag talaga inabutan ka ng init kahit saan pwede" dagdag niya kaya naman nakurot ko na ito sa tagiliran

" Defensive much , hiro" saad niya kaya naman inilingan ko ito

" Anyways anong lulutuin mong dinner dito na ako makiki kain total day off ko naman" saad niya kaya napabaling ako sa kanya

" Darating si Marcus siya na daw mag dadala ng foods " saad ko rito kaya naman muling nabuhay ang dugo ni Milo

" Iba ka talaga Dady Marcus" tili niya kaya inirapan ko ito apaka ingay

" Pero kung may gusto kang kainin na iba magluto ka" pilyong saad ko kaya naman nakatanggap ako ng hampas sa kanya

" Ansama mo no, kala ko pa man din ipagluluto moko" sambit niya at muli akong nakatanggap ng hampas, hindi talaga mawawala ang hampasan naming dalawa kahit anong sitwasyon

Tumayo ako saglit para magwalis walis para pag dating ni Marcus medyo malinis naman dito

Habang nagwawalis nahagip nang mata ko si Milo na kumekerengkeng sa sofa habang may ka chat.

" Mukhang may hindi kinukwento ang kaibigan ko" parinig ko pero mukhang hindi niya ako narinig dahil busy ito

Kaya dahan dahan akong lumapit at sumilip sa cellphone niya

" Aha , may ka ilabyuhan na oh" pang aalaska ko rito na kinabigla niya

" Syempre hindi pwedeng ikaw lang" tugon niya at nag beautiful eyes pa ang loko

" Patingi nga nang mukha " sambit ko at umupo sa tabi niya

"Hindi rin to papatalo sa face value kala mo bebe mo lang gwapo siya rin"mayabang na saad niya

" Patingi na nga kase " pilit ko rito pero nilayo niya ang cp niya saakin

" Tsaka na baka ma usog at iwan pa ako nito" paliwanag niya at tinignan ako ng nakakaloko

" Fine" pagsuko ko at muling binalikan ang winawalisan ko

Nakarinig ako ng mga katok sa pinto ko at sigurado akong si Marcus na iyon kaya naman dali dali ko itong pinag buksan .

Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako nito ng yakap at pinaulanan ng halik sa mukha

" Miss you babe" sambit nito saakin

" Miss you too babe" tugon ko rito kaya muli akong nakatanggap ng isang matamis na halik mula sa kanya

" Pasintabi po , respeto sa ibang nilala na naririto" pagsingit ni Milo kaya naman nabigla si Marcus maging ako ay nakalimutan kong naririto pala ang kaibigan ko

" Glad to see you here" bati ni Marcus kay Milo

" Likewise" ikling saad ni Milo na pasimple kong tinawanan , siguro parte nayun nang pagkakaibigan namin ang pagtawa pag nag eenglish ang isa

Pinaupo ko na si Marcus sa sofa at komportable naman itong umupo , habang nag uusap si Milo ay dumeretcho ako sa kusina ayusin ang pagkain dala ni Marcus.

Sumakit na ang ulo dahil diko alam saan dadalhin ang iba dahil wala na akong paglalayan nung nalaman niya kase na nasa bahay si milo dinagdagan niya ang bili ng pagkain

Muli akong bumalik sa sala at ganon parin sila nag uusap at mukhang seryoso ang dalawa

" Kain na" pag aaya ko sa dalawa kaya agad na silang tumayo

" Finally , gutom na gutom na ako" saad ni Milo

" Tignan ko lang kung di ka mabusog kala ata ni Marcus ay elepante kumain kaya dinamihan niya ang pagkain" biro ko dito kaya naman nagtawana kami at kinurot niya ako sa tagiliran .

" Kung wala lang jowa mo jinombag ku na yang mukha mo" ganti nito kaya mas lalo kaming nagtawanan.

Nabalot ng tawanan at asaran ang hapunan namin maging si Marcus na kanina ay tahimik ay nakikisali narin

" Anyways , sa Saturday pwede mong isama ang kaibigan mo" saad ni Marcus para sa paparating nitong birthday

" Ay hindi na hindi ako bagay dun pangkanto lang ako eh" biro ni Milo

" It just a simple birthday celebration, family members lang ang nandon " dagdag ni Marcus

" Kaya nga sumama kana nandon din naman ako may kausap ka" pagpakampante ko rito

" Hindi, tsaka sabi ni Marcus family lang kaya keri mo na yan " sambit ng kaibigang ko sakin

" you are like hiro's older brother kaya i will treat you like a family too" saad niya kaya naman maluha luhang tumingi sakin si Milo . Parehas kami kasi ni Milo siya naabanduna na ng pamilya dahil parehas na namatay ang mga magulang nito habang ako inabanduna kase inaayawan ako ng mga magulang ko kaya kami nang dalawa ang naturingan na pamilya

" Sumama kana kase , ikaw rin dimo makikita performance ko"birong saad ko dahilan para muling matawa ito

" Gag* ka talaga " malutong na mura niya sakin sabay pahid sa luha nito
 
" Ay hindi moko magiging kaibigan kung hindi ako gag*" palatak ko rito

" I heard it right , Performance?" Sabat ni Marcus kaya nag tinginan kami ni Milo

" Yes a wild performance" sambit ni Milo kaya naman inapakan ko ang paa nito sa ilalim ng mesa

" Im to excited for that wild performance" saad ni Marcus at kinindatan pa ako .



Perfidious Lover Where stories live. Discover now