Hiro POV
Inaya ako ni Marcus na pumunta ng park kaya naman sobrang saya ko talaga hineal ni Marcus ang inner child ko . Habang nag aayos ay napukaw ng atensyon ko ang biglaang pagkalaglag ng picture namin ni Milo dahilan para mabasag ito. Bigla ko tuloy naalala ang kaibigan ko nasaan na ba siya bat hindi na ito nagpakita saamin.
Akmang pupulutin ko ang mga bubog ng saktong dumating si Marcus
" What happened re you ok?" Alalang tanong niya at siyang nagpulot ng basag na frame
" Im ok, naalala ko tuloy si Milo " sambit ko rito
" Hindi parin ba siya nag tumawag or kahit nag text? " Tanong nito saakin kaya inilangan ko ito . Inalok nako ni Marcus na gamitin ang tauhan nito para hanapin ang kaibigan ko pero hindi ako pumayag dahil baka naman gusto ng kaibigan ko na mapag isa at sumama pa ang loob pag nalaman na pinahahanap siya.
Pagkatapos ni Marcus ay inaya niya na ako para umalis. At tulad nang inaasahan ay naging masaya iyon.
" Babe, let's grab some food im hungry may alam akon malapit na resto" saad niya kaya naman nagkaroon ako ng ideya. Tinuro ko ang isang cart na nagtitinda ng street food
" Doon nalang tayo kumain, sure ako magugustuhan mo" saad ko at hinila ko siya papunta roon . Noong una ay nagdadalawang isip pa ito hanggang sa tumakbo na rin siya kasama ko
Pinasadahan ni Marcus ang tinda nito at tila wala itong ka ide ideya . Inabutan ko siya ng stick at isang cup .
" Tusukin mo lang kung anong gusto mo kainin jan" utos ko rito at sa di inaasahan ay ako ang tinusok niya ng stick sa braso kaya naman natawa si manong
"Ikaw talaga puro ka kalokohan no, kumuha ka na nga" kunware ay nainis ko pero sa loob loob ko ay nagpipigil ako ng tawa
Kumuha ako ng kwek kwek , kikiam , atsaka fishball habang siya naman nakatitig parin sakin. Kalaunan ay kumuha rin siya kahit na gulong gulo siya
" Kuya magkana lahat?" Tanong ko sa nagtitinda
" 70 po lahat" sagot ni manong kaya napa angat ng tingin si Marcus
" 70 pesos for all of these? Why so cheap" di makapaniwalang sambit ni Marcus
" Mukhang rich kid boyfriend niyo ah" sambit ni kuya kaya naman tumango ako rito
" Kuya can i have a tissue" tanong ni Marcus na ikinatawa ko talagang naghanap siya ng tissue ha
" Mura na nga ng binayad natin hahanap kapa ng tissue" biro ko at hinila siya papalayo sa nagtitinda dahil dama ko na may sasabihin ito na hindi maganda
" Kaya pala mura wala silang tissue" maktol niya kaya naman napakamot batok ako rito
" Arte naman i try mo na kaya" saad ko rito
Kumuha siya ng kwekwek at kabadong kinagat ito
" That's so weird, an orange egg waffle" puna niya at tila hindi makapaniwala
" But it actually taste good together with the sauce " sambit niya kaya nakahinga ako ng maluwag .
Sinubukan niya rin tikman ang iba at laking pasasalamat ko na nagustuhan niya naman wag lang sana sumakit ang tiyan niya at ako ang masisi
Matapos kumain dinala ako ni Marcus sa may grass field at naglatag ng blanket para upuan namin. Hawak kamay namin pinapanood ang paglubog ng araw na labis na napaka ganda
" Ang sunset ang nagpapatunay na hindi lahat ng nagtatapos ay pangit , dahil habang papalubog ito mas lalo itong gumaganda" saad ko sa kanya at sumandal sa kanyang braso.
Ganon din ang ginawa niya habang nilalaro nito ang mga daliri ko. Huling nood ko nang sunset kasama ko si Milo kaya naman wala sa wisyong tumulo ang luha ko
" Babe are you ok?" Alalang tanong nito at pinunasan ang luhang umalpas sa aking mga mata
"Is this about milo? " Tanong niyang muli kaya tumango ako rito
" Alam mo, kapag malungkot ako lagi akong dinadala ni milo sa tabing ilog para manood ng sunset tapos kakanta siya sa tabi ko" saad ko rito
" Babe, babalik din si Milo alam kong miss ka na non" pagpapagaan niya sa loob ko .
Pansamantala nagpaalam sakin si Marcus dahil may kukunin daw ito sa kotse niya Habang nakaupo ay nasagi ng mata ko ang pamilyar na pigura ng lalaki . Hindi ako nagkakamali si Milo yun mabilis akong tumayo para lapitan ito
" Miloooo" malakas na sigaw rito para makuha ko ang atensyon niya at nang magtama ang mga mata namin ay bahagya pa itong nagulat .
Nang malapit na ako sa kanya ay kumaripas ito nang takbo dahilan para mataranta ako at hinabol ko siya.
" Milo bumalik ka" sigaw ko rito habang mabilis siyang hinahabol pero hindi ito nagbaling ng tingin sakin.
Sinundan ko lamang ito sa pagtakbo hanggang sa pumasok ito sa loob ng isang eskenita. Pero napahinto ako ng bigla na lamang siyang mawala sa paningin ko. Habol hininga akong huminto sa pagtakbo at nabuo ang palaisipan sa isipan ko . Muli akong bumalik sa pwesto ko kanina kung saan ako iniwan ni Marcus naabutan ko itong kabado tila pinaghahanap ako
" Saan ka galing? Bat pawis na pawis ka?" Salubong niya sakin
" Nakita ko si Milo" pagsagot ko rito
" Nagkausap na ba kayo? " Tanong niya
"Hindi , tinakbuhan niya ako hindi ko alam bakit " malungkot na saad ko habang pagtataka ang nasa mukha ni Marcus
" Marcus gusto ko malaman kung anong nangyayare kay Milo, may dahilan kung bakit niya ako tinatakbuhan" singhal ko dahil naguguluhan ako sa inaasta ng kaibigang ko
" Anong gagawin natin?" Tanong niya
"Pumapayag nako sa gusto mo ipahanap natin siya sa mga tauhan mo " pikit matang sambit ko rito labag man ito sa kalooban ko pero ito nalang ang solusyon na alam ko kailangan ko siyang makausap .
Alam kong may mali sa nangyayare dahil kailan man hindi ako tinakbuhan o tinaguan ni Milo gaya nang nangyare kanina.
Hindi ko na alam kung saan patungo ang desisyon ko na ipahanap siya sa mga tauhan ni Marcus alam kong hindi niya nanaisin ang gagawin ko pero nais kong malaman anong dahilan bakit kailangan niya akong taguan....
YOU ARE READING
Perfidious Lover
Roman pour AdolescentsIn a tale of deceit and betrayal, the Perfidious Lover once shattered trust and broke hearts. But amidst the darkness, they found the courage to mend their ways and embrace redemption. Through forgiveness and understanding, they transformed their tu...