Chapter 5

195 10 0
                                    


Hiro Pov

Habang binabagtas ang daan ay tahimik lang akong nakatingin sa labas , ramdam ko ang mga palihim na sulyap sakin ni sir Marcus pero dikona pinuna iyon.

" Saan mo gusto kumain?" Malamyos niyang tanong habang abala sa pagmamaneho

" Ikaw bahala , kung saan mo gusto" kaswal kong tugon sa kanya .

Hinde na ito sumagot pabalik mukhang naintindihan niya na ayaw ko nang makipag talo .

Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng Kings Lair Restaurant isa ito sa pangarap kong kainan na restaurant dito kaso di ko afford ang pagkain nila ang isang serving nila isang linggo ko nang food allowance .

Pagbaba nang sasakyan ay dumeretcho kami sa loob at agad naman siyang dinaluhan ng mga staff at iginayak kami sa isang private room.

" Mukhang suki ka na nila ah" sambit ko rito

" I owned this" pabulong na sambit nito kaya napa awang ang bibig ko sa gulat

" Just kidding" pahabol niya kaya naman nakatanggap ito ng hampas sakin.

Maya maya pa ay nilapagan kami ng menu at talaga naman nakakalula ang presyo ng pagkain .

" Mahal naman kala mo ginto ang sahog" pabulong ko

" Nag iimport pa kase sila ng ingredients galing ibang bansa tsaka hindi basta basta ang mga chef nila" sagot nito na ikinabigla ko dahil diko inaakala na narinig niya pala ako

Ilang minuto kong nakatitig sa pagkain pero wala parin akong mapili bukod sa mahal diko naman alam anong klaseng pagkain ang mga to.

" Nakapili kana ba?" Tanong niya sakin kaya naman umiling ako

" Dont mind the price ako magbabayad" saad niya kaya naman pumili nalang ako

Tinawag niya ang waiter at para sabihin ang order namin

" Wait for 15 minutes sir" sambit nito bago kami tuluyang umalis

" Ahm sir mag cr muna ako ha" paalam ko sa kanya at tumayo . Pero mukhang maling desisyon na tumayo ako kaaagad dahil diko alam kung saan ang cr at nakakahiyang magtanong.

Habang hinahanap ko ang cr ay nahagip ng mata ko ang pamilyar na babae na prenteng nakaupo sa isang lamesa.

At tama ako siya nga ang nanay ko inabanduna niya ako para sa isang lalake at ngayon isa na silang happy family.

Di na ako nag aksaya ng panahon para lapitan ito bukod sa masama ang loob ko alam kong makakatanggap ako ng masasakit na salita dito.

Nag iwas ako ng tingin at dere deretchong naglakad pero natigil ako ng maramdaman ang marahas na paghila sa kamay ko

" Anong ginagawa mo rito?" Sambit ng nanay ko at hinila ako papunta sa sulok.

" Kakain , alangan naman mag ssleep over diba" sarkastikong sagot ko rito kaya naman kumulo ang dugo niya sakin

" Ikaw kakain dito? Nagpapatawa kaba umalis kana nga nakakahiya ka dika bagay dito basura ka kagaya ng tatay mo" sambit niya saakin at mas hinigpitan ang hawak sa braso ko

" Hanggang ngayon ba naman yan parin ang pang iinsulto niyo ? Wala na bang bago nakakasawa na eh" matigas na sambit ko pero kabaligtaran iyo nang nararamdaman ko kahit paulit ulit ay sobrang sakit parin sakin

" Siguro sinusundan moko dito no, ano manghihingi ka ng pera? Pwes wala kang aasahan sakin sa labas ka manlimos wag dito" pang iinsulto nito kaya naman buong lakas kong inagaw ang braso ko sa kanya

" Hihingi ng pera sayo? Kahit kelan hinde ako manghihinge ng pera mula sa kabit na katulad mo!" Maktol kaya naman nakatanggap ako ng isang malakas na sampal mula sa kanya

" Bastos kang bata, manang mana ka sa tatay mo! Sana hinde nalang kita ipinanganak" Sigaw niya kaya naman halos lahat ng tao ay nakapukaw na ang tingin saamin.

" Tinanong niyo ba ako kung ginusto kong ipanganak ako ng babae kagaya mo? " Sambit ko rito at hinde na napigilang tumulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak

Kaya naman marahas niya akong kinaladkad palabas ng resto.

Pero natigil ito ng higitin ako ng isang tao mula rin sa likuran ko

"You let him go or I'll call the police" sambit ni sir Marcus na ngayon ay nag aapoy ang mata sa galit.

" Huwag kang makialam rito away ito ng mag ina" sambit niya at pilit akong inaabot mula kay sir marcus

"Wow ang kapal para sabihin na mag ina kahit kelan hinde ka nagpaka ina sakin " sambit ko kaya naman inambahan niya ako ng sampal pero mabilis iyong sinalag ni sir Marcus

" Kapag hindi pa kayo tumigil sa pang gugulo kayo ang ipapakaladkad ko at kakasuhan ko rin kayo" pambabanta ni sir Marcus

" Kaya pala matapang na itong batang ito may nahuthutan na" pamumuna nito saakin

" Coming from you? Diba nga kumabit ka sa congressman?" Sarkastikong sambit ko kaya naman mas lalo nag usok ang ilong nito sa galit .

Muli niya pa akong aambahan ng awatin na siya ng asawa niya

" Binbalaan kita gulo at kamalasan lang ang dala niyan sayo " sambit nito kay Marcus bago tuluyang maka alis ng resto.

" Let's go, gagamutin natin yang sugat mo" sambit niya at hinde na ako nagreklamo pa

Habang nasa kotse ay pinunasan niya ang dugo sa braso ko dahil bumaon roon ang mga kuko ng nanay ko kanina

" Dadalhin kita sa hospital to treat that" sambit niya kaya naman pinigilan ko ito

" Ayos lang ako di naman ganon kalalim tsaka tumigil na ang pagdurugo.

" But" di na natapos ang sasabihin nito nang umiling ako

" Trust me " sambit ko kaya naman hinde na siya umapela pa.

Dumeretcho kami sa isang malapit na convenience store nagpaalam ito na may bibilhin lang kaya naman nanatili ako sa loob ng sasakyan.

Muli nanumbalik sakin ang nangyare kanina at diko maiwasang hinde maiyak , dahil kahit paulit ulit akong insultuhin ng aking hinde ako namamanhid .

Walang wala ang masasakit niyang salita sa pambubugbog ng tatay ko sakin.

Buhay ko nga naman apaka perfect , perfectly miserable

Maya maya ay natigil ako nang pumasok sa loob si sir Marcus dala ang isang paper bag.

" Give me your hand" sambit niya habang nilalabas ang band aid at ibang panlinis ng sugat

" Let me clean your wounds" sambit nito

" Ako na sir , nakakahiya naman" sambit ko at kinukuha ang gamit sa kanya pero mabilis niya itong nilayo.

" Ako na , hinde mo malilinis yan maayos kung ikaw mismo ang gagawa kaya hayaan mo na ako" sambit nia kaya naman hinayaan ko nalang

Pagkatapos niyang linisin ay nilagay niya ito ng band ang cute pa nga dahil may design ang nabili niya

" Thank you sir Marcus" pagpapasalamat ko rito

" Call me Marcus pag nasa labas tayo" sambit niya at tinitigan ako

" Pero sir" hinde ko na natuloy pa nang harangan niya ang mga labi ko gamit ang hintuturo niya

" Marcus" sambit ko rito na ikinangiti niya

" Much better right? " saad niya at mas inilapit ang mukha niya sakin kaya naman dinaga ang puso ko rito

" Sir~" di na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ang labi niya sa labi ko

" I told you stop calling me sir" sambit nito sabay kindat sakin.....

Perfidious Lover Where stories live. Discover now