Chapter 1

292 11 0
                                    


Hiro Pov

Pagdampi palang ng labi ni sir Marcus ay mabilis ko itong naitulak at tumakbo papalayo sa kanya. Naramdaman ko pang sumunod ito sakin pero hinde nako nag abalang pang balingan pa ito ng tingin ang tanging umiikot lang sa isipan ko ay makalayo rito dahil wala na akong mukhang maihaharap pa rito.

Paglabas ko sa bar ay kaagad akong tumakbo sa parking lot para makapag tago sa mga sasakyang nakaparada.

Pero dinaga ang puso ko ng masilip sa ilalim ng mga sasakyan ang pares ng mga paa na palibot libot sa parking lot.

" Where are you?" malakas na sigaw ni sir Marcus na umalingawngaw sa buong paligid habang patuloy nililibot ang parking lot .

Sinundan ng mga mata ko ang bawat hakbang nang mga paa nito at ng hinde ko na ito matanaw ay labi akong nakahinha ng maluwag at dali dali akong tumayo para takasan ang boss ko.

Hinde pa man ako tuluyang nakakalayo ng maramdaman ako ang pares ng kamay na humawak sa balikat ko na labis kong ikinakaba

" Sir mag eexplain ako" pagsuko ko rito sabay pagpapakawala ng malalim na buntong hininga

"Anong sir pinagsasabi mo" sagot ng kaibigang kong Milo na inaakala kong si sir Marcus

" Bwisit ka bakit mo ba ako sinundan" maktol ko na may halong frustrasyon rito habang hawak hawak ang dibdib ko sa kaba

" Ako pa talaga itong bwisit eh iaabot ko lang naman cp mo " patutsada nito sabay abot sa cellphone ko

" Salamat  pero nagmamadali ako bukas nalang ulit" sambit ko sa kaibigan ko at agad na kinuha ang cellphone

" Bakit kaba nagmamadali?tsaka para kang hinabol ng sampong toro" kuryosong tanong nito na nagpahinto sakin

" May emergency eh tsaka ko na sasabihin sayo" pagdadahilan ko rito

" I heard na may emergency ako na maghahatid sayo" sambit ng pamilyar na lalake mula sa likuran ko dahilan para magtayuan lahat ng balahibo ko

" Ahm sir Marcus kaya ko na po mag ta-taxi nalang ako" sambit ko rito

" Ako na maghahatid sayo mahirap ang taxi ng ganitong oras tsaka emergency it means it's urgent" pagpipilit nito saakin habang ginagawaran ng nakakalokong mga titig

" Kaya nga Hiro mukha naman katiwatiwala ang sir mo tsaka nag mamadali ka pa diba wag kana mag inarte" gatong ng kaibigan kong walang ka malay malay sa nangyayare kaya gumuhit ang mga ngisi sa labi ni sir marcus

" Pero" naputol na ang sasabihin ko ng tapunan niya ako ng tingin na may halong pagbabanta kaya wala sa oras ay  nagpadala nalang ako ng hilain na ni sir marcus ang kamay ko patungo sa sasakyan niya

" No more pero Hiro" sambit niya at dinala niya ako sa mamahalin nitong sasakyan

" Get in the car" ma awtoridad niyang sambit kaya wala na akong nagawa pa kundi sumunod sa gusto nito kukuhanin ko nalang ang oportunidad na ito para maipaliwanag sa kanya ang lahat.

Pag andar ng sasakyan ay naging tahimik si sir sa pagdadrive hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil ibang ruta ang binabagtas namin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko na kinaya ang katahimikan na may halong tensyon sa pagitan namin kaya naman di na ako nag atubuli at binasag ko na ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin dalawa

" Sir tungkol kanina hindi po tama yung iniisip niyo saakin, hinde ako stripper sa bar isa akong waiter doon" paliwanag ko rito habang nakatitig rito pero kahit sulyap ay hinde niya ako binalingan

" I know" maikling sambit niya

" Alam mo naman pala sir bakit mo pa ako sinusuhulan ng pera" sambit ko rito pero imbes na sumagot ay hininto niya ang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng daan  at pinukol ang tingin saakin

" Im not paying you for your body , im paying you to leave that fucking job " seryosong sagot nito saakin

" Bakit sir, anong dahilan? Nahihiya ka ba na ang empleyado mo sa bar nagtatrabaho tuwing gabi, kahihiyan ba ako sa kompanya mo" Sagot ko rito na ikinaigting ng panga niya

"No" diing sagot niya

" Eh ano ba ang dahilan kung wala kayong magandang rason ako meron, kailangan kong mag doble kayod para maka raos ako sa araw araw na pamumuhay" may iritang sambit ko

" Basta iwan mo ang trabahong yan at magtrabaho ka lang sakin kahit titriplehin ko pa ang sahod mo just leave that job" pilit nito saakin pero tila naguguluhan parin ako sa nais nito ano bang pake niya kung doon ako mag trabaho at bakit para napaka apektado niya

" Sir" hinde na muling natapos ang sasabihin ko nang patakan niya ako ng halik sa labis

" Pls hiro leave that job" sambit niya

Agad na nag flashback ang nangyayare kanina kung paano niya rin ako nakawan ng halik at ngayon na nagawa niyang muli sa ikalawang pagkakataon kaya hindi ako nag dalawang isip ay nagpakawala ako ng malutong na sampal na ikinadugo ng labi niya.

Pinilit kong buksan ang pinto ng sasakyan pero huli na ang lahat dahil na i lock niya na ito

" Buksan mo to sir , or else mapipilitan akonb kasuhan kita isusumbong kita sa mga pulis ng sexual harassment" pagbabanta ko pero ni hinde ito natakot

" File a case then" tugon niya na ikinakulo ng dugo

" Ahm sabagay mayayaman nga naman kaya niyong manipulahin ang batas" patutsada ko rito

" Alam mo kung anong kaya kong gawin , isa na don ay kaya kong manipulahin ang mga kasong isasampa sakin." Mayabang na saad nito kasabay ng biglaang pagbaba ng upuan ko dahilan para mapahiga ko at mabilis itong pumatong sa ibabaw ko.

" Isa lang ang pinapaki usap ko umalis kana sa bar pls" may pagsusumong pakiusap nito at muli akong hinalikan sa labi pero sa pagkakataong ito ay mas banayad ang bawat galaw ng labi nito.

Walang binatbat ang mga alak na sineserve ko sa bar sa nakakalasing nitong halik sinabayan pa ito ng pares na mapupungay at tsokolate nitong mga mata na tila hinipnotismo ako at tinanggalan ng lakas para manlaban at pigilan ito. Hanggang sa traydorin nako ng sarile kong mga labi at wala sa wisyong tinugon ang mga halik nito.

Nagsimulang gumala ang kanang kamay nito sa laylayan ng suot kong polo at walang pag aatubiling pinasok niya ito sa loob.

May kung anong kakaibang sensasyon ang lumukob sa pagkatao kakaibang init at bolta boltaheng kuryente tuwing dumadampi ang palad nito sa katawan ko.

Perfidious Lover Where stories live. Discover now