Chapter 14

134 8 0
                                    

Hiro POV

Agad akong pinakalma ni Marcus at agad na umupo sa tapat ko

" Listen carefully , walang namamagitan sa amin ni Savannah" saad niya habang deretcho ang tingin saakin

" Ano yung nakita ko Marcus? Tanong ko rito

" Hindi ko rin yun inaasahan gaya mo , i didn't kiss her back" saad niya pero di ako nakokontento sa mga sagot niya kaya naman tinuro ko ang lipstick sa leeg nito

"What about this?"Agad din akong tumayo at kinuha ang litrato sa ibabaw ng mesa nito " and this explain to me Marcus , i know Im crossing the boundaries but i want to know what is your past with Savannah" dere deretcho kong sambit ko sa kanya kaya naman tumayo ito at dinaluhan ako.

" Savannah is my ex girlfriend before, she used to be my secretary before just like you pero matagal na kaming matapos dahil mas pinili niyang sumama sa lalake niya" paliwanag niya sakin kaya naman mas lumilinaw sakin sa lahat

"Pagkatapos noon pinutol ko lahat ng koneksyon namin i didn't meet her again Marcus believe me im telling the truth " nagmamakaawang paliwanag nito sakin

" Now what is your status with that girl? " Huling tanong ko rito habang pinupunasan ang luha saking pisngi

" Wala" saad niya saakin kaya naman pansamantalang nakampante ang puso ko

" Marcus naniniwala ako sa mga salita mo , wag mo sana akong biguin" saad ko at mahigpit ko itong yinakap .

" Hindi ko sisirain ang tiwala na binigay mo sakin " bulong nito habang hinahaplos ang buhok ko habang nakayakap ako rito ay may napagtanto ako na isang bagay .

Wala pa naman kami ni Marcus pero nasasaktan ako , at kung tutuusin wala akong karapatan sa kanya , panahon na ba para angkinin ko rin siya o masyado pang maaga?

Kumawala ako sa yakap nito at tinitigan ko ito ng marahan sinalubong ako ng mga mapupungay niyang mata , mga makakapal nitong kilay at mahabang pilikmata, matangos na ilong at mapula nitong labi

" Marcus do you love me?" Wala sa wisyong tanong ko rito pero hindi niya ako sinagot bagkus kinuha niya ang kamay ko at tinapat sa kanyang dibdib.

"can you feel how my heart beat that fast? tanong niya habang pinapakiramdamn ko ang puso nito na labis nga ang bilis sa pagtibok

" Ikaw lang nakakapag pagtibok ng ganyan sa puso ko , i love you Hiro" matamis na sambit niya kaya ginantihan ko ito ng malamyos na halik .

Tila natuliro si Marcus sa ginawa ko pero di kalaunan ay tinugon niya ang halik na ginawad ko sa kanya

" What's the meaning of this?" Sambit niya sa pagitan ng aming mga labi

" Im owning you , boyfie" saad ko kaya naman sa sobrang tuwa siniil niya ako ng halik

Nagtagal ang halikan namin ng 3 minuto kaya habol hininga akong kumalas sa mga labi nito

" We're official right?" Pangungumpirma niya

" Ay paulit ulit babawiin ko na nga lang " oang aasar ko pero yinakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo

" Wala nang bawian , you're mine " saad niya at pinaikot ikot niya ako habang nakayakap sa kanya

Sana maging tama ang desisyon ko ngayon araw , sana hindi ko ito pagsisihan at ito lang ang tanging paraan na naiisip ko para maangkinin siya .

Mabilis na lumipas ang araw at mga buwan masaya kaming nagsama ni Marcus pero hindi naging madali ang lahat dahil sa presensya ni Savannah na laging gumugulo sakin.

Nasa mall ako ngayon kasama ang kaibigan si Milo para bumili ng regalo para sa paparating ni birthday ni Marcus , gusto ni Marcus na maging simple lang ang birthday nito at kami kami lang ang bisita .

"May naisip kana ba na ireregalo? Ansakit na nang paa ko bruha ka" Reklamo ni Milo dahil kanina pa kami paikot ikot sa Mall

" Relo ? Or pabango" saad ko rito pero nginisian ako nito

" Relo? Jusme magkano na ba ipon mo? Syempre mamahalin na brand hinde pwedeng pa putcho putcho lang " saad niya sakin kaya naman nakatanggap ito ng hampas sa braso

" Pabango na lang siguro wala na akong choice" saad ko kaya naman agad niya na ako hinili sa isang perfume shop.

Pagpasok palang sa loob ay parang nanghihina ako.

" Magkano ba dala mo?" Tanong ni Milo sakin kaya naman napatingin ako sa wallet ko

" 3k " saad niya kaya naman napasapo sa kanyang noo

" Maling store ata pinagdalhan ko sayo lowest price nila 5k" saad niya kaya naman napahimas ako sa aking ulo , hinde kaya ng budget ko . Kahit kase na mayaman ang boyfriend never ako nanghingi ng pera rito

Akmang lalabas na kami ng store ng makasalubong namin si Savannah na papasok

Huminto ito at pinasadahan kami ng mapanghusga nitong mga mata

" What's brings you here? Mag aaply kaba dahil na sisante ka ng boss mo?" Patutsada nito kaya naman nag init ang ulo ni Milo

" Ikaw teh anong ginagawa mo rito? Lalandiin at kakabitin mo rin ba yung may ari" saad ni Milo kaya napataas ang kilay ni Savannah

" Nagsama ka pa talaga ng bantay na engkanto dito" pan lalait nito kay milo kaya naman ako na ang sumagot dito

" Hiyang hiya naman ako sa pagmumukha mong parang pitbull." Ganti ko akmang sasampalin niya ng mabilis na sinalo yun ni milo

" Huwag mong dumihan ang mukha ng kaibigang ko , kung mukha kang pitbull wag mo idamay ang kaibigan saad ni milo at tinulak siya .

" Hindi pa ako tapos sa inyo " banta niya

" Bring it on kabit ng mayor " bulalas ni milo kaya nagsimulang mag bulungan ang mga tao

Iniwan namin si Savannah na halos maiyak na sa galit kaya naman halos mamatay na si milo kakatawa

" Milo ano nang bibilhin ko" saad ko nang muli maalala na bumibili pala kami ng regalo

" Alam mo may naisip na ako eh , feeling ko mas magugustuhan ni Sir Marcus " saad niya kaya naman sumunod ako rito

Hinatak ako ni Marcus sa isang store ng mga undergarments

" Eto oh couple brief kayo" saad niya at binato ang kulay itim na boxer brief

" Gag* ka milo " natatawang mura ko rito dahil sa kalokohan niya

" Trust me , best birthday gift niya yan ever tapos sayawan mo" saad nito saakin at bumulalas ng tawa

Halos pagtinginan na kami ng mga tao dahil sa ingay ni Milo at patuloy ito sa pag pili ng brief

Perfidious Lover Where stories live. Discover now