A/N: Hi! Advance Merry Christmas! Matagal-tagal din bago ako nakapag-update hahaha. Please enjoy my silent reader!
WARNING: SPG slight. Typo and Grammatical Error Ahead. Saka ko na eeditin kapag ok na lahat haha.
----------
"And you! You're touching my woman motherfucker. Baka gusto mong mashot gun sa bayag."mahigpit ang pagkakahawak ni bakla sa akin habang dinuro at madilim na tinitignan si Valentine na ngayon ay nagtataka sa nangyayari.
"I'm sorry but who are you?" Valentine politely asked. Tumingin ito sa akin ng may pagtatanong. Nahihiyang nginitian ko si Val ngunit agad ding naputol ng itinago ako ni bakla sa kanyang likod. Ang aking kamay ay iniyakap niya sa kanyang bewang.
Napaungot ako dahil doon. Nahihilo na nga 'yong tao e.
"Keenan ano ba?!" reklamo ko dito at pilit na inaalis ang kamay sa kanya. Ngunit ang gago hindi ako hinayaan.
He look at me darkly. "Shut up Yna. Why are you smiling at him like that?"
Biglang sumingit naman si Val.
"Hey that's not the proper way to talk to a woman."
Binalingan ni Keenan si Val pagkatapos ay tinignan niya ito ng malamig. Nagtaka pa ako ng itinaas ni bakla ang isa niyang kamay pagkatapos ay dahan-dahang pinakyuhan si Valentine. Kita kong nagulat ito.
Magrereact na sana ako dahil sa ginawa nito ngunit di natuloy ng hilahin ako ni Keenan palabas ng b-bar.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay bakla.
Malamig ako nitong tinapunan ng tingin saglit. "Uuwi na."
Napanguso ako pero di na nagsalita pa. Gusto ko pa sana manatili e.
On our way out, nadaanan pa namin ang pwesto namin kanina at nakita ko si kuya Deon na nakatulog sa kalasingan.
"Keenan si kuya Deon gisingin natin." medyo lasing na tawag ko kay bakla habang hila ako.
Umingos ito. "Tsk. He can manage matanda na 'yon."
Mabilis ang naging hakbang ni Keenan. Nagkandatisod-tisod pa ako sa hilo kaya tinampal ko ang kamay nitong nakahawak sa akin. Napatigil kami at sinamaan ako nito ng tingin.
"What?"
I rolled my eyes on him habang pilit na inaagaw ang kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Ang bilis mo naman maglakad bakla ka kita mong medyo may hilo na ako." reklamo ko.
Kita ko namang napatiim-bagang ito pagkatapos ay walang inhibisyong binuhat ako na para bang bagong kasal. Agad namang yumakap sa ilong ko ang panlalaki nitong amoy.
"Keenan!" pinanlakihan ko ito ng mata sabay lingkis ng kamay ko sa kanyang balikat sa takot na baka bitawan ako bigla.
"Shut up nakakarindi na yang bunganga mo. Saka ka na magratatat diyan kapag nakauwi na tayo." masungit na sabi nito at nagsimula na ulit maglakad patungong beach house. Pinaniningkitan ko naman ito ng mata at hinila ang buhok nito na siyang kinaaray naman ng gago.
He glares at me.
"Anong problema mo bruha ka?!"
Sinamaan ko din ito ng tingin.
"Ikaw! Pakialamero ka! Pinapakialaman mo ko kay Valentine! Chance ko na sana yon e." medyo naiinis kong tugon dito. Napasubsob ako sa dibdib ni Keenan dahil sa hilo.
'Shit bango.'
Natahimik ito saglit ngunit agad ding nagreply kalaunan. "You will never get that chance Yna. Di ko ibibigay sayo 'yon."
BINABASA MO ANG
Addiction
OverigAng babae ay para sa lalaki Ang lalaki ay para sa isang babae Ngunit para sa kanya, siya na bilang isang bakla, si Keenan Fuentes, ay para lamang sa lalaki. Pero nagbago ang lahat when she met this girl Yna Zamora and they became best of friends. Ma...
