Chapter 6: Damsel in Distress

287 8 0
                                    

CHAPTER 6

 

DAE'S POV

               Nakakainis talaga ang mga mortal. Kakaiba tumakbo ang isip nila kaya naman ang bilis nilang mamatay eh. Pahaba na ng pahaba ang listahan ko habang tumatagal dahil sa mga pinag gagagawa nila.


                Parang itong isang ito.


                Nakakabwisit.


                Nang dahil sa nawalan siya ng malay dahil sa pagkuha ko ng life force niya, kailangan kong mag paalam sa hospital na may emergency ako. At yung isang mortal na doctor na may gusto sa akin eh talagang inalam kung ano yung emergency ko.


                Nakakahiya. Sinabi kong may diarrhea ako.


                Imagine? Nang dahil dito sa mortal na ito, bumaba ang reputasyon ko bilang isang doctor. Bilang demon prince. Tch. Kainis talaga.


                "Ano?! Hinalikan mo siya?" Di makapaniwalang tanong sa akin ni Dice. Nandito kami ngayong tatlo nila Zagreus sa sala ng bahay namin.


                "Ano ka ba Dice? Para kang tanga. Ilang beses ba kailangang sabihin ni Dae na kailangan niya ngang higupin ang life force ni Amarie kasi nandoon si Sidqiel. At alam mo naman na ang tanging paraan lang para magawa niya yun eh ang halikan si Amarie. Tsaka, ba't ba ang ingay mo?! Mamaya magising ng dahil sayo si Amarie eh!"


                "Wala akong pakialam! Dae! Bakit mo siya hinalikan?!" Bulyaw nanaman sa akin ni Dice.


                "Dice, bakit ba ang laking issue sayo na hinalikan ni Dae si Amarie?" takang tanong naman ni Zagreus.


                Namula si Dice at hindi nakasagot kay Zagreus. Hindi niya alam ang katotohanan.


                Hindi ko nalang sila pinansin at tinitigan ko nalang ulit si Amarie na natutulog sa sofa. Ang himbing niyang matulog, parang nakuha ko atah lahat ng lakas niya.


                At ang first kiss niya.


                Napangiti nalang ako sa naalala ko. Sinabi niya yun bago siya tuluyang mawalan ng malay. At oo nga pala, yung siopao pa daw niya.


                "Ang ganda niya ano?" Nakangiting tanong sa akin ni Zagreus. Napaka isip bata niya talaga, bakit siya nagagandahan sa mortal pero hindi siya nagagandahan kay Jinn? Aba siyempre, kapatid ko yun kaya talagang maganda.


                "Tch. Sinasabi mo?"


                "Ha? Ewan ko. Ginagawa ko lang words yung hindi masabi ng facial expression mo. Yung totoo, nagagandahan ka sakanya ano?"

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon