Chapter 10: Demon Prince Charming

247 7 0
                                    

CHAPTER 10

AMARIE'S POV

Nagising ako ngayong araw na hindi ko alam kung bakit si Dae ang unang hinahanap ko. Ewan ko. Baka sobrang thankful lang ako sakanya sa ginawa niya para sa akin at tsaka kay ate na binigyan niya kami ng chance para magkita ulit pagkatapos ng ilang buwan.

Nag-isip ako kung sa papaanong paraan ako makakabawi sakanya ngayon. Alam ko naman na ang gusto niya lang sa akin ay ang makuha ang buhay ko, pero naisip ko meron pa naman akong ibang mao-offer.

Paano kaya kung magluto ako? Eh sabi niya hindi naman daw sila nagke-crave sa food ng mga tao. Napapaisip tuloy ako ngayon kung anong klaseng pagkain ang kinakain nila?

Eew. Ayaw ko nalang pala mag imagine.

Sa sobrang laki ng bahay nila, hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung nasaan yung kwarto ni Dae o kaya ni Zath man lang. Tapos ang weird pa kasi ang tahimik, parang walang nakatira dito.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa hindi ko na alam kung nasaang parte na ako ng bahay nila. Feeling ko nga eh nalibot ko na lahat pero hindi ko parin sila Makita. Basta ang sure ko eh nasa loob parin naman ako ng bahay.

Nagulat nalang ako nung biglang may tumalon sa harapan ko na Malaki, maitim, at mala-oso na nilalang. Hindi ako makasigaw sa takot at hindi ko narin magalaw ang paa ko sa kinatatayuan ko.

Nakita ko nalang na akmang susunggaban niya na ako pero biglang merong humatak sa akin ilang hakbang paatras tsaka siya pumagitna sa harap namin nung kakaibang nilalang.

Likod palang niya, alam ko ng si Dae na yun. Tsaka sa angas palang, imposibleng magkamali ako.

"What are you doing here homo?" tanong niya sa akin in a very cold tone pero hindi ko rin magawang sumagot. Takot na takot parin ako sa kung anong nilalang yung nasa harapan namin ngayon.

"Tch. Just stay behind me." Sabi sa akin ni Dae at tumango ako bilang sagot kahit hindi niya naman ako nakikita.

Nakahawak lang si Dae sa may wrist ng isang kamay ko at yung isang kamay ko naman ay ginamit ko bilang pang sangga sa katawan ko. Alam ko namang walang magagawa yun pero dun niya gustong pumwesto eh.

Ginamit ni Dae yung isang libreng kamay niya para ipasok sa may lalagyanan ng kung ano man yung hawak niyang armas tsaka naman siya naglabas ng isa pa. Hinawakan niya lang yun ng pahalang.

"Luxen!" Sigaw niya at nagulat naman akong biglang may lumabas na talim yung hawak niyang sandata na gawa sa ilaw.

Sumigaw din ng kakaibang ungol yung kakaibang oso na parang sinasabi niya na handa na siyang patayin kami pareho.

"Tch. You're so ugly as fck." Sabi ni Dae dun sa kakaibang nilalang tsaka siya tumakbo papunta dito habang hawak-hawak parin yung kamay ko at sa isang iglap lang ay nakalapit na kami doon kasabay ng malakas na pag ungol nanaman nung nilalang na yun.

Bigla nalang tinalikuran ni Dae yung kakaibang nilalang at humarap sa akin. Hindi ko nakita kung ano bang klaseng tingin yung ibinigay sa akin ni Dae kasi nakita kong papunta nanaman sa amin yung kakaibang nilalang.

"Dae!" Sigaw ko sakanya at hinatak ko siya papalapit sa akin tsaka naman niya kami iniyuko.

Nung sobrang lapit na sa amin nung halimaw eh nagulat nalang ako at bigla siya naging usok at nawala na. Napatingin naman ako kay Dae at chineck ko kung okay lang ba siya.

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon