Chapter 22: Warring hearts

148 8 18
                                    

CHAPTER 22

AMARIE'S POV

May mali.. May mali talaga akong nararamdaman.

Kanina pa ako naglalakad ng pabalik-balik at hindi ko magawang maikalma yung sarili ko. Kinakabahan ako sa di ko malamang kadahilanan. Ayaw tumibok ng maayos ng puso ko, hindi rin ako makahinga ng tama.

Kanina, nakita ko sila Zath at Jinn sa living room ng bahay nila. Seryoso silang nag-uusap at hindi ko rin malaman kung bakit sobrang nag-aalala yung itsura nila. Pero bago ko pa man malaman kung ano ang pinag uusapan nila ay nakita na nila ako kaya sila tumigil sa diskusyon nila tsaka ako nginitian.

Yung ngiting binigay nila sa akin, napaka-pilit. Halatang-halata na meron silang bagay na tinatago, na kung ano man yun ay mukhang malabo ko ring malaman galing sakanila.

Pag nag-a-attempt akong magtanong, agad nilang dinidismiss yung usapan. Na kulang na kulang daw ako sa social life kaya ako ganito ngayon, pagod lang daw ako at kailangan ko ng pahinga.

Wala akong makuhang matinong bagay galing sakanila at talaga namang nakakainis na. Nung pinuntahan ko naman si Dice sa kusina, akala ko may ginagawa siya. Pero naabutan ko siya na nakahawak lang ang kamay sa may kitchen table, nakatulala at parang wala sa sarili.

Nung kakausapin ko rin siya eh agad na umurong yung dila ko ng makita ko yung matalim niyang mga tingin. Kahit wala siyang sabihin eh ramdam na ramdam ko na parang galit nanaman siya sa akin. Iniwan niya rin ako sa kusina ng walang sinasabi.

Si Laelaps naman, yung aso ni Dae na nagligtas sa akin nung panahong papatayin na dapat ako ng mga demons na ito, dati laging ferocious ang tingin ko sakanya. Pero ngayong araw, nakapalumbaba lang siya sa isang banda at nakikita ko sa mga mata niya na malungkot siya.

Sinubukan kong tawagan si Dae dahil ramdam kong may hindi tamang nangyayari dito sa loob ng Daemonium, pero wala. Hindi ko rin magawang macontact siya.

Sa sobrang tagal kong naghihintay hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Sa pagtulog ko, may ilang imahe ang nagpakita sa akin.

Yung tatlong anghel na palagi kong napapaginipan, parehong scene kung saan nahulog ang sasakyan namin sa bangin kasama si mama at si papa habang ako ay nakatingala lang sakanilang tatlo sa langit hanggang sa naging ilaw na bola sila at lumipad sa isang direksyon.

Pagkatapos nun, nakita ko yung kabilugan ng buwan. Sobrang dilim at liwanag ng buwan lang ang tanging nakikita. Sa panaginip ko, may tubig akong nilalakaran, pulang tubig.

Pinilit kong maglakad sa kung saan wala yung tubig na pula, pero wala, sinusundan lang ako nito kung saan ako papunta. Tiningala ko ulit yung buwan, at mula sa puti, naging kulay pula ito at sobrang lapit sa akin.

Sa buwan, nakakita ako ng anino ng isang taong may pakpak at lumilipad. Tinitigan ko ng mabuti yun hanggang sa naaninagan ko ang mukha ni Sidqiel na nakangiti, isang ngiting tagumpay. At sa may kamay niya nakita ko may hawak hawak siyang espada na mahaba. May tubig na pula rin yun at napapatakan ako.

Sinalo ko yung mga pumapatak na pulang tubig mula sa espada ni Sidqiel. Napatingin ako sa kamay ko at agad kong inalis yung mga pulang tubig na nasalo ko. Hindi siya tubig, dugo siya.

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon