Chapter 23

158 5 1
                                    

AMARIE'S POV

That's it!

Hindi ko na mapigilang mag alala pa para kay Dae. Oo alam kong panaginip lang yun, walang scientific basis, walang katotohanan, walang katuturan, pero hindi rin ako makakalma ng paghihintay ko dito ngayong nababaliw na ako sa kakaisip kung nasaan si Dae!

Hinanap ko agad si Zagreus, alam kong siya lang ang makakausap ko dito ng matino. Aba kung nakakapag salita lang si Laelaps, baka siya pa ang nakausap ko dito. Tsk.

Agad kong nakita si Zagreus sa may poolside ng bahay nila at agad kong hinatak yung damit niya at kwinelyuhan ko siya. Oo, wala akong pakialam kahit pa isang kampon ng kadiliman itong kwinikwelyuhan ko, at wala rin akong pakialam kahit na wala namang kwelyo yung sando ni Zagreus.

"U--uyyy! A-marie? Anong kailangan mo?" Takot na tanong niya sa akin.

"Alam mo kung ano ang kailangan ko, Zagreus!" Banta ko sakanya.

"Uy teka lang naman! Hinay-hinay ka naman, Amarie. Kaibigan ko si Dae eh!" Depensa niya. Aha! Sabi na nga ba may alam talaga sila at mukhang ako lang ang walang musang dito!

"Wala akong pakialam kahit na kaibigan mo pa si Dae! Sundin mo lang ako, Zagreus!"

"Eh pero kasi, virgin pa ako Amarie! Nakakahiya man pero oo, tama ka sa narinig mo." Sabi niya sa akin at halos di ko maisara yung bibig ko sa sinabi niya.

Hinampas ko siya ng pagka lakas lakas sa braso kaya naman napa-aray ang loko.

"Hayop ka! Hindi ko hinihingi yang katawan mo. Si Dae! Nasaan si Dae?!"

Biglang namutla si Zagreus, sabi ko na nga ba may alam ang isang ito! Huh!

"Mas type mo si Dae kesa sa akin?!" Di makapaniwalang tanong si Zagreus habang nakaharang parin sa katawan niya ang dalawa niyang kamay na akala mo naman ay may balak akong rape'in siya.

"Leche ka Zagreus! Hindi ako nakikipag biruan sayo! At oo, malamang mas type ko siya sayong baliw ka!" Sigaw ko sakanya dahil na rin sa frustration ko. Jusko!

"Minura ka na niya Zagreus, isa lang ang ibig sabihin niya, seryoso siya sa paghahanap kay Dae." Sabi ng isang boses ng babae na nasa likuran ko.

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na yun para makita ang isang napaka-gandang babae na may pulang buhok na sobrang haba pero nakatali, tapos matalim siya tumingin, manipis din yung labi niyang nakangiti. Meron din siyang matulis na tenga at puting pakpak. Sigurado akong hindi ko pa siya nakikita kahit kailan, pero para bang kilala ko siya.

Bago pa man ako makapag-tanong kung sino siya eh naunahan na ako ni Zagreus na parang gulat na gulat rin sa nakikita niya.

"T-teka.. Bakit ka nag anyong tao?" Tanong ni Zagreus dun sa magandang babae.

"Kailangan pa bang itanong yan?" Tanong naman pabalik nung babae sakanya. Iba talaga eh, pag tumititig ako sa mata niya, para bang nakita ko na yun dati.

"Wag mong sabihing.."

"Tama. Kaya sabihin mo na ang kailangang malaman ni Amarie." Pag-putol nung babae dun sa sasabihin ni Zagreus.

"Pero--"

Di pa man nakakapag salita ng maayos si Zagreus, wala pang ilang iglap eh nasa sahig na siya habang nakadamba sakanya yung babae na para bang kung walang balak si Zagreus na sabihin sa akin kung nasaan si Dae eh papatayin niya yun agad. Tinititigan ko lang yung matalim niyang mata eh parang ako mismo, nanlambot bigla. Sino ba siya?

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon