Chapter 3: Negotiations

349 8 0
                                    

Finally! Nakapag UD din ako ng The Fallen! First time ko gumawa ng Fantasy sa buong buhay ko kaya nahihirapan ako. Hahaha! Bear with me please loves. <3


Si Ahn Jae Hyun po si Dae. <3



CHAPTER 3

 

AMARIE'S POV

                Nananaginip nanaman ako. Napaginipan ko nanaman yung parehong panaginip ko dati, alam kong ito yun, yung kung papaano mahulog yung sasakyan namin sa bangin kasama sila mama at papa. Nakatingala parin ako sa langit habang tinitignan ang mga malalaking taong nakasuot ng puti at nakangiti sa akin. Hindi ko makitang mabuti ang mga mukha nila pero alam kong napaka-amo nito.

 

                Habang abala ang lahat ng tao doon sa site ng aksidente, tumaas yung kamay nung isa sa malalaking tao sa itaas ko at tumuro sa isang direksyon. Sinundan ko ng tingin yung tinuturo niyang direksyon at ibinalik ang tingin sa kanila. Pero wala na sila.

 

                Naglaho silang tatlo sa isang bola ng ilaw at parang shooting star na tumungo sa tinuturo nilang direksyon. Sinundan ko yung pinuntahan ng ilaw nila hanggang sa mawala ako sa isang kagubatan. Hindi ko alam kung nasaan sila at nagbalak bumalik kila mama, pero hindi ko na alam ang pinanggalingan ko.

 

                Nakarinig ako ng isang ugong ng hayop at pagkatingin ko dito, isang hayop yun na hindi ko mawari kung ano. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kasabay ng pag atras ko hanggang nasa may bangin na ako.

 

                Inatake ako nung parang mala osong demonyo kasunod ng sabay naming pagsigaw. Hindi dumampi ang kahit anong parte ng katawan niya sa akin at pagkadilat ko ng mata ko ay nakahilata na siya sa lupa habang ako naman ay nanginginig sa takot.

 

                May nakatusok na kahoy sa bandang leeg niya at wala na siyang buhay. Doon ko lang napansin ang isang batang lalake na nakatayo sa tabi nung kakaibang hayop at tsaka siya lumingon sa akin. Nakablack na coat siya na nakapatong sa isang black na sweatshirt at maong na pantalon na maitim din ang kulay. Bumabagay yung kasuotan niya sa kulay ng balat niya kasi ang  puti niya at ang pula ng labi. Sa sobrang takot ko pati sakanya ay nagkamali ako ng tapak paatras at tuluyan akong nahulog sa bangin.

 

                Nagpagulong-gulong ako pababa ng bangin at nakita ko ang isang malaking bato na pag tatamaan ko. Kahit gusto kong pigilan ang pag-ikot ko eh hindi ko magawa kaya ipinikit ko nalang ang mata ko hanggang sa tumama ako sa bato. Pero hindi katulad ng inaasahan ko, mahina lang ang pagtama ko pero sa may ulo ko. Nakarinig din ako ng isang paghahabol ng hininga ng tao.

 

                Ilang sandali akong nakaramdam ng pagkahilo at paglabo ng paningin. Naramdaman ko ang isang kamay na nakadampi sa may bandang noo ko tsaka ko naramdaman ang sakit. Idinilat ko ulit yung mata ko at nakakita na ako ng malinaw.

 

                Nakita ko yung batang lalake na pumatay dun sa kakaibang hayop kanina at ginagamot niya ang mga sugat ko. Kung kanina, yung itim na kasuotan niya lang ang napansin ko, biglang nag iba yun, para siyang binabalutan ng liwanag ngayon. At kung kanina takot na takot din ako sakanya, biglang napanatag ang puso ko sakanya.

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon