Chapter 16: Disclosure

167 6 3
                                    

CHAPTER 16

DAE'S POV

Kanina pa wala sa sarili niya si Amarie. Hindi ko nga alam kung nakalimutan niya ba na may dala kaming sasakyan o gusto niya talagang maglakad.

Hindi ko alam kung ano yung dapat kong maramdaman ngayong nakikita ko siyang ganyan. Hindi ko alam bakit para akong nasasaktan ngayong nakikita ko siyang malungkot.

Isa pa, isang taong mortal ang nakatadhana sakanya. Isang Daniel Olivares. Isang pangalang malayong-malayo sa Dae. Hindi ako ang nakatadhana kay Amarie. Shit.

Akala ko may chance na pwedeng sa akin nakadugtong ang pangalan niya, ang tadhana niya. Huminga ako ng malalim ng makita kong nagsisimula sa letrang D ang pangalan ng lalakeng nakatadhana sakanya. Para akong tangang umaasa na sana ako.. Sana ako yung para sakanya.

Kaso masyadong mapaglaro ang tadhana. Minsan, pag gustong-gusto natin mangyari ay iba ang kinahahantungan. Masakit lang pag-umasa ka.

Bakit ako umasa na sana ako? Because I think I like her. Gusto ko na atah si Amarie at parang maling umasa ako na ako ang para sakanya.

Maling-mali.

Isa siyang mortal. Isang hamak na tao lamang. At ako? Fck everything because I'm the demon prince. Kahit na kami nga ang nakatadhana para sa isa't isa ay wala paring mangyayari.

Demons are only meant for demons. Otherwise, kailangang mamatay ng isa sa amin.

What if I can change fate? What if I take Amarie from that Daniel Olivares?  Paano kung ako nalang imbes na siya?

Tinitigan ko ang likod ni Amarie at nag-isip ng malalim.

Am I ready to take the risk? Can I really change fate? Damn it. Whether I can o I can't, I'm the demon prince anyway and nothing can stop me from getting what I want.

So really, fuck everything.

AMARIE'S POV

Naglalakad kami pauwi ngayon ni Dae dahil di ako mapakali. Hindi ko alam yung dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko ay lumulutang parin ang puso ko.

Kahit na may dala naman kaming sasakyan ni Dae ay pinili niya nalang iwan muna yun sa hospital para masamahan akong maglakad. Hindi ko naman sinabi sakanya na sundan niya ako pero ginawa niya.

Kung sabagay, kaya niya naman mag teleport anytime papunta at pabalik ng hospital o kahit saang lugar niya mang naiisin sa isang beses niya lang na paghawi sa hangin. Kaya niyang gumawa ng portal dahil hindi siya ordinaryong nilalang. Siya ang Prince demon.

At ako? Ako ay isang normal na nilalang lamang. Isang hamak na mortal. Isang tao. At ang nakatadhana sa akin ay isa ring tao.

Wala akong magagawa dito kundi tanggapin na kahit anong gawin kong pagpilit ay hindi si Dae ang nakatadhana sa akin. Na kahit kailan ay hindi kami pwede. Siya ay para sa kapwa niya at ako naman ay para rin sa kapwa ko tao.

Hindi kami pareho at magkaiba kami ng mundo. What's worse? Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko na mamamatay na ako sa loob ng ilang araw.

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon