Chapter 21: Saving you

151 6 20
                                    

CHAPTER 21

AMARIE'S POV

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa sobrang kilig pa rin ng nararamdaman ko. Hindi ko akalaing pwede ko pala maramdaman yung ganitong feeling, at take note, sa isang kakaibang nilalang pa.

Halos hindi na nga kami mapaghiwalay ni Dae eh, gusto niya nga dun na daw ako matulog sa kwarto niya. Pero siyempre, kahit kami na, kailangan ko parin magpakipot.

Isa pa,mkung iisipin mo, ilang araw palang naman kami magkakilala ni Dae, pero kami na agad. Masyadong mabilis, ni wala ngang ligawang nangyari, basta kami nalang. Ganun.

Pero kahit isang bagay, wala akong pinagsisisihan doon. Ilang araw nalang ba ang meron ako? Apat na araw?

Kung normal na tao ako at hindi ko alam na kailangan ko na pala mamatay sa loob ng apat na araw, alam ko namang hindi kailangan madaliin ng mga bagay bagay eh. Baka nga imbes na mainlove ako kay Dae agad agad eh baka maisip kong isa siyang bipolar na weirdo na tao.

Baka imbes na mahulog ako sakanya, baka maisip ko na isa lang siyang normal na tao na may kakaibang personality at napaka galing niya sa pang iinis sakin.

Kaso hindi.

Alam na alam ko na nabibilang nalang sa mga daliri ng isang kamay ko ang araw na pwede akong magtagal dito. Kaya naisip ko, maswerte rin pala ako na alam ko kung ilang araw nalang ang itatagal ko, alam ko na hindi dapat ako magsayang ng oras.

Alam ko na sa mga huling araw ko, I have to make the most of it. Ngayon pang nakilala ko si Dae, parang ang sarap lang gugulin yung buong araw mo para sa taong mahal mo.

Kaso siyempre, nakakalungkot din isipin, na nabibilang na ang araw mo at bitin na bitin ka para sana mas matagal pa kayong magkasama. Ito yung mahirap sa commitment eh. Committed ka at kine-claim mo ang lahat ng rights mo para lang masabi mo na sayo siya.

Priority mo siya above anyone and anything else. Kasi hindi ka naman dapat pumasok sa isang relasyon kung hindi ka naman pala handang iuna siya. At sa huling mga araw ko, gusto ko iprioritize si Dae.

Nagulat nalang ako ng biglang may humapit sa bewang ko mula sa likuran at pinaharap ako sakanya. Nasa kitchen counter kasi ako ngayon at kasalukuyang nagkakape.

Yung gulat ko kanina, napalitan bigla ng kilig. Hindi ko ba alam, pero mag mula ng sabihin ni Dae na girlfriend niya na daw ako, parang feeling ko mas lalo siyang nagiging pogi.

Naka white shirt lang siya, gray sweat pants tapos ang gulo-gulo ng buhok niya, yung tipong I-woke-up-like-this look niya. Sinamahan pa niya ng kanyang napaka boyish na ngiti. Ang gwapo lang talaga eh.

"Um, k-kape?" Tanong ko sakanya. Medyo nako-conscious ako kasi feeling ko hindi naman ako nagising ever in my life na ganyan agad yung itsura ko. Idagdag mo pang nakayakap siya sa akin at ang lapit-lapit niya talaga.

Lalong lumawak yung ngiti ni Dae nung iabot ko sakanya yung parehong baso ng kape na iniinuman ko. "Sure." Sabi niya kaya naman inilapit ko pa mas lalo yung baso sakanya.

Kinuha niya yung baso mula sa kamay ko at nung akala kong iinumin niya na yung kape eh bigla niyang idinampi yung labi niya sa labi ko.

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon