Chapter 25

146 7 6
                                    

CHAPTER 25

DAE'S POV

Dalawampung taon na ang nakalipas.. Dalawampung taon na simula nung una at huling beses ako makakita at makapatay ng isang ursus malus. Sa aming mga demons, para maging isa kang demon prince, dapat mapatay mo ang pinaka malakas sa mga malus, at ito nga ang ursus malus. Tinawag siyang ursus malus dahil mukha Siyang oso, pero sobrang laki at nakakatakot.

That day, wala talaga akong planong pumatay ng isa sakanila. I'm not even on the hunt for them. I've been observing humans back then, how boring their lives can be and how stupid could they become. Sa pagiging tanga nila, madali silang mamatay. Parang sa kung gaano at paano sila magmahal.

Like my mother.

I've lived in a literal hell for six years then, until one day, I've dreamt of a forest. I don't know why, but I went out of hell for the very first time in my life just after the dawn breaks. Intuition, maybe? I don't have any idea.

Habang naglalakad ako, napahinto ako at napatingala sa kalangitan. May nakita akong tatlong bola ng ilaw. Unang beses ko sila nakita nung panahong iyon pero sigurado akong mga anghel sila.

sinundan ko kung saan sila papunta hanggang sa may marinig akong sigaw ng isang tao, kasabay nun nawala yung mga anghel at nakita ko na nga sa unang pagkakataon ang ursus malus. Dahan-dahan siyang lumapit sa babaeng tao habang palapit sila ng palapit sa bangin.

Sa ilang iglap ay inatake na ng oso yung batang babae at di ko ba alam bakit di ako nag alinlangan na patayin agad ang ursus. Tss. Di ko akalain na napaka dali naman pala nilang patayin, isang tusok lang ng kahoy sa likuran niya sa bandang leeg.

Lumapag ako sa lupa at doon ko lang naalala na may tao nga pala sa harapan niya kanina. Nilingon ko ang babae sa pag aakalang natuhog ko rin siya ng kahoy. Hindi ko nga siya natuhog, pero sa sobrang takot niya pati sa akin ay nagkamali siya ng tapak paatras at tuluyan na nga siyang nahulog sa bangin.

Nagulat ako sa biglang nangyari sakanya at bilang isang demon, hindi ko ba alam kung dapat ba akong matuwa na nabawasan nanaman ng isang tanga sa mundo. Kaso hindi. Nakita kong tatama siya sa isang malaking bato kaya naman hinabol ko siya at ginamit kong pang sangga ang sarili ko para di mamatay ang isang abnormal na ito.

Buti nalang at naabutan ko pa siya, pero wala na siyang malay. Hinayaan ko siyang humiga sa damuhan at tsaka ko siya inobserbahan. Ginamot ko rin ang mga sugat niya tsaka siya nagising. Sayang! Akala ko patay na.

Sa talaan ng buong buhay ko, ngayon lang may nagpasalamat sa akin. Tinanong din ako ng batang babae kung taga dun daw ba ako. Sinagot ko naman siya na napadaan lang ako. Tsaka niya sinabing kakaiba daw ako para mapatay ang ursus, tinanong niya rin ako kung ako daw ba si grim reaper.

Nakakairita siya. Napakadaldal niya at parang wala lang sakanya na puro dugo na siya. Nakakairita ang mga tao. Napaka daldal nila. Ang dami niya pang energy para sa taong nagpagulong gulong na sa bundok at inatake ng isang malus.

May tumawag sa pangalan ng isang babae na Leila daw, at nung makita kong nagreact siya, alam ko ng siya yun.

"Hindi mo pa oras, wag mong madaliin, darating din tayo diyan." Sabi ko sakanya tsaka umakyat sa isang puno bago pa ako makita ng ibang tao.

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon