Chapter 18: The Silent Kinsman Rivalry

155 7 3
                                    

CHAPTER 18

There is a little boy inside the man who is my brother... Oh, how I hated that little boy. And how I love him too. - Anna Quindlan

AMARIE'S POV

Sa buong biyahe namin ni Zath, halos hindi kami magka-usap. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap. Kailan nga ba ang huli? Mag mula nung parating si Dae na ang nakakasama ko.

Hindi ko alam pero parang merong invisible barrier sa pagitan namin at ang awkward lang talaga naming dalawa. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang conversation sa pagitan namin. Para bang wala naman akong maikwento kasi sakanya.

"Amarie" "Zath" sabay naming sabi at nagkatinginan kami, "sige mauna ka na." Pareho ulit naming sabi.

"No, you go first." Sabi ni Zath sa akin. Napatingin ako sa may kamay ko na nasa lap ko at napakurap ng ilang ulit. Ano nga kasi sasabihin ko?

"Umm, hindi sige, mauna ka na!" Masiglang sabi ko sakanya pero ang totoo ay hindi ko naman na kasi alam ang sasabihin ko.

"Amarie." Saad ni Zath na parang may pagbabanta sa boses niya na kailangan ko na nga daw sabihin kung ano man ang kailangan kong sabihin. Eh?

"Ah.. Hehe." Iniwas ko ang tingin ko sakanya at pinaglaruan ko ang daliri ko. "Um, kamusta ka na?"

"Ang lame mo talaga mag tanong kahit kailan." Sagot niya sa akin habang hindi tinatanggal ang tingin sa kalsada.

"Huh?! Lame yun? Kailan pa naging lame ang pangangamusta?" Sabi ko sakanya tsaka ako sumimangot.

Napatingin siya sa akin tsaka siya natawa. Aba! Ang bastos talaga ng lalakeng ito oh! Titingin sa akin tapos tatawa? May nakakatawa ba sa mukha ko? Ugh!

"Bastos ka ah!" Sabi ko sakanya tsaka ko siya kinurot sa tagiliran na naging dahilan ng pag-gewang ng sasakyan namin.

"aray Amarie! Ano ba? Wag kang magulo. Sayang naman kung mamatay ka eh hindi mo pa natatapos yung palugit na araw sayo ni Dae. Tsaka hindi ako bastos, hindi naman ako naghubad sa harap mo eh."

"Eh ewan ko sayo!" sagot ko sakanya tsaka ako ulit humalukipkip.

"haha, ito naman. Hindi na mabiro. Oh, kamusta ako? Heto, hinahatid ka sa kapatid ko." Sagot niya sa akin tsaka nanaman siya natawa ng mahina.

"wow ha? Thank you for stating the obvious."

"Napakamuryutin mo na simula nung nasama ka sa amin ah." Puna niya.

"Hindi naman. Siguro napaka-conserve mo lang dati kaya hindi tayo masyadong makapag good time. Eh ngayon, ang dami ko ng kaibigan. Si Jinn, para ko na siyang kapatid na babae. Si Zagreus, laging napaka bibo kaya hindi boring kasama. Si Dice naman, kahit na masungit, nakikita ko naman yung good side niya. At si Dae.."

Si Dae.. Ano nga ba si Dae? Si Dae, lagi niya pinapabilis ang tibok ng puso ko. Yung mga paru-parong nangungulit sa tiyan ko tuwing pinapakilig niya ako. Tapos yung ilang heart beat ko na nalaktawan dahil lang sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para sa akin.

Dahan-dahan ako napahawak sa dibdib ko. Ang bilis talaga palagi ng tibok ng puso ko tuwing sa naiisip ko siya. Iba talaga ang epekto ni Dae sa akin.

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon