Chapter 24

138 5 0
                                    

CHAPTER 24

AMARIE'S POV

    hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung may dapat ba akong gawin. Pero mag-mula kaninang iniwan ako ng nurse ay nasa harapan parin ako ng pinto ng kwarto kung saan pasyente yung lalakeng nakatadhana para sa akin.

    Si Daniel Olivares.

    Maraming dahilan kung bakit gusto kong pumasok sa kwarto na tinutuluyan niya, pero napakarami rin ng mga rasong pumipigil sa akin para gawin ang bagay na yun. Kaya hanggang ngayon ay pagtitig nalang sa pinto niya ang kaya kong gawin.

    "Amarie.." Napalingon ako sa boses ng isang lalakeng tumawag sa pangalan ko. Katulad ng dati, napaka-lamig niya parin tumingin at hindi ko parin siya gusto katulad ng pagkasuklam niya sa akin.

   
    minsan iniisip ko nalang bakit kaya mas nauna pa akong kunin bago siya? Tama siguro talaga yung kasabihang matagal mamatay ang masamang damo? Oh well.

   
    hindi ko sinagot ang "bayaw" ko kundi humarap lang ako sakanya tsaka yumuko ng kaunti at nakapoker face na tumingin sakanya. Di ko kaya pwede irequest kila Dae na kunin na nila ang buhay ng isang to? Parang palagi nalang akong may atraso sakanya pag tinitignan niya ako.

    "Kanina pa kita tinatawag ni hindi mo ako pinapansin. Kanina ka pa hinihintay ng ate mo." Yun lang ang sinabi niya at tsaka lumampas na sa harapan ko at dirediretsong naglakad.

    Wag niyang sabihin na gusto niya pang pansinin ko siya? Weird.

    Sumunod nalang ako sakanya at pumasok sa kwarto ni ate. Pagkapasok ko palang, nawala lahat ang inis ko ng marinig ko ang iyak ng isang sanggol. Hindi ako makapaniwalang nandito na si Baby Amarie.

    "Amarie.." Tawag sa akin ni ate at nakita ko siya na naka-ngiti sa akin habang hawak-hawak si baby.

    Walang salita akong lumapit sakanya tsaka niya naman inabot sa akin si baby at tsaka ko ito kinalong. Napangiti nalang ako ng bigla siyang tumawa nung binuhat ko siya. Parang ang saya-saya niya ngayon, natutuwa talaga ako.

    "gusto ka niya." Sabi ni Vincent, ang asawa ni ate. Napatingin ako sakanya kasi di ako makapaniwala na manggaling sakanya ang mga salitang yun. Parang mas malupit pa sa due date ng pagkamatay ko yung pag compliment niyang yun eh.

    di ko ba alam kung nananaginip lang ako o ano, pero nakangiti kasi sa akin si Vincent ngayon habang naka-akbay kay ate eh. Pero hindi ko na yun pinansin pa at tsaka ko ibinalin ang tingin kay baby.

    ang ganda-ganda niyang bata. Sayang nga lang hindi ko masasaksihan na lumaki pa siya. Pero sapat na rin sa akin na nahawakan ko siya ngayon, at sa unang pagkikita namin eh ngiti yung binigay niya sa akin. Sayang din pala, hindi ko mararanasan magka-roon ng isang pamilya. Yun lang, sigurado ako na yung lalakeng makakasama ko bumuo ng pamilya kung sakali ay si Daniel at hindi si Dae.

    Di ko ba alam kung maituturing kong blessing in disguise o ano man yung pagkamatay ko. Kasi alam ko naman na ngayong nakilala ko na si Dae, kung pwede sana gawan ng paraan ay siya sana yung maitadhana para sa akin. Pero pareho naming alam na hindi eh. Ayaw ko narin naman magkaroon ng mga what ifs sa buhay katulad ng what if mabuhay pa ako, what if isang taong mortal si Dae, paano kaya kami mabubuhay ng normal? Kami kaya yung para sa isa't isa?

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon