Chapter 12: Sweetness of a kiss

202 6 1
                                    


CHAPTER 12

AMARIE'S POV


"Ano ba yan! Kasing panget mo yang cake mo!" Sabi sa akin ni Dice ng muli siyang bumalik. Naptigil tuloy ako sa ginagawa kong paga-icing ng cake at tinignan ko siya ng masama.


Imbes na sagutin ko siya ay napabuntong hininga nalang ako at umiling. Ngayong nalaman kong bakla siya, talagang feel na feel niya ng ipakita sa akin ang kamalditahan niya. pero okay na rin yun kasi parang naging senyales na okay na kami.


"Ano ba yan? Clay art ba yan na gawa ng kinder? Ang kapal-kapal na ng icing mo. Alam ko naman sinabi kong gusto ni Dae ng matamis, pero kailangan mas makapal pa ang icing kesa sa bread teh?" Muling panglalait niya.


"Di ko na tatanungin kung okay ka na ba, kasi mukhang okay na okay ka na dahil feel na feel mo na akong laitin ulit. Sige, kung jan ka masaya, pero pag nasagad ako sayo, isusumbong kita kay Dae na gusto mo siya." Ganti ko sakanya tsaka naman siya namula.


"Eh kung patayin kaya kita ng maaga? Amin na nga yan! Di marunong!" Sabi niya sabay kuha ng spatula. At least alam ko na rin ngayon kung papaano ko patatahimikin si Dice. Napailing nalang ako at napangiti.


Tinulungan niya akong ayusin yung cake na gawa ko na hindi ko rin mawari kanina kung anong itsura. Basta ngayon ay naging mas presentable na siya. Nilagyan pa ni Dice ng maraming heart na candies. Baklang-bakla eh.


Doon ko lang din nalaman na sakanya pala kasi lahat ng ginagamit kong ingredients para sa cake na ginagawa ko para kay Dae kaya naman pala siya marunong.


"Oh ayan! At least mukha na siyang cake at hindi kung ano man. Ibigay mo na. Pwede ka ng pumunta kay Dae." Sabi niya tsaka ako nilayasan.


Ngayon ko lang napansin na medyo pumipilantik yung pwetan ni Dice pag naglalakad.


Inilagay ko na sa isang cake tray yung cake na ginawa ko tsaka pumunta sa kwarto ni Dae. Hindi na ako nag abalang kumatok pa kasi medyo nakabukas naman yung pinto.


Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakatalikod sa akin. Nagdadamit palang siya kaya nakita ko ang likod niya at ang marka ng putol na pakpak ni Dae at ang bagong sugat na nakuha niya mula sa mga malus.


Gusto kong hawakan ang likod niya. Gusto kong ramdamin yung mga sugat niya. Gusto ko siyang alagaan at kunin yung parang sakit ng loob niya mula sa mga sugat na yun. Gusto ko siya—


"Oh Amarie! Andito ka pala!" Masiglang sabi ni Zagreus kasunod ng pagpasok pang ibang demons at paglingon ni Dae sa kinatatayuan ko.


"Huh! Andito na kami. Hindi ka makaka-tsansing. Akala mo!" Bulong ni Dice sa akin, sapat lang para ako ang makarinig tsaka siya naunang pumasok.

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon