Chapter 7: The Prince's Dark Past

253 9 1
                                    

CHAPTER 7


AMARIE'S POV


Isa, dalawa.. hindi, 30 minutes na akong nakatitig sa closet na nasa kwartong pinapatuluyan nila sa akin at hanggang ngayon, hindi parin ako nakakapili ng maisusuot. Paano ba naman, ang sesexy ng mga ipinahiram na damit sa akin ni Jinn.


Hindi ko sila mababagayan. Masyado silang magaganda para sa akin.


Hinanap ko na yung pinaka simple sa mga nakikita ko sa closet at isinuot. Grabe! Ang hirap lang maging apprentice ng demon prince na yun ha! Napaka demanding niya at choosy pa. Tapos hindi pa siya marunong mag sugar coat ng words niya.


Iniisip ko tuloy kung bakit niya ako inayang kumain, tapos may dress code pa ha! Eh parang siopao lang naman yung hinihingi ko sakanya eh. Diyan lang sa may minimart sa labas, may siopao na eh. Bakit kailangang formal pa?


Napailing nalang ako ng maisip ko yung siopao na yun. Sayang din yung bente na yun ah! Ugh! Gaganti talaga ako sa demon prince na yun sa paglalapastangan niya sa siopao ko.


Lumabas na ako ng kwarto at di na nag abalang mag-ayos pa ng sarili. Wala namang magbabago. Mamamatay din naman ako, sa burol nalang ako mag me-make up ulit.


"What the hell did take you too long?!" Bungad sa akin ni demon prince. Grabe. Para siyang umaapoy sa galit. Actually kung di nga siya nagsasalita tapos hindi nakakunot yung noo niya, mapagkakamalan ko siyang anghel sa amo ng mukha niya eh.


"Eh sorry. Ang hirap kaya maghanap ng damit na babagay sa akin. Di naman ako sanay sa damit ng kapatid mo ano." Sabi ko sakanya tsaka ako nag pout.


Napaiwas naman siya ng tingin sa akin saglit kasabay ng pag clear niya ng lalamunan niya tsaka ibinalik ulit sa akin yung tingin niya. Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan yung wrist ko tsaka tumalikod.


"Let's go. We're waisting too much time."


"Saan mo ba kasi ako dadalhin?!"


Hindi niya ako sinagot at tsaka ako pinasakay sa magandang kotse niya. Medyo napasandal pa ako ng todo nung inilapit niya yung katawan niya sa akin tsaka isinuot yung seatbelt sa akin.


Buong biyahe tahimik lang siya, nakakatakot yung katahimikan niya. Hindi na akong nag abalang magtanong pa ulit sakanya. Minsan iniisip ko kung ano ang mas maganda, kung hell portal ba o itong sasakyan niya na biyaheng impyerno din eh.


Siguro may balak siyang patayin na ako? Kasi kung mababangga naman kami, ako lang yung mamamatay, imortal kaya siya.


"Waaaah!" Napasigaw nalang ako nung biglang prumeno si Dae. Medyo naubo pa ako dahil nasakal ako ng seatbelt. "That's dangerous you know?!"

The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon