𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐰𝐨

151 15 1
                                    

Maaga kaming naghapunan nila nanay at tatay kasama ang kapatid ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga kaming naghapunan nila nanay at tatay kasama ang kapatid ko. Kinakain namin ngayon ang naiwan pang ulam na ibinigay kanina ni Bryant sa amin na siyang ikinatuwa ng mga magulang ko. Kanina pa hindi mapigilan ni nanay na mapakomento sa masarap nitong pagluto. Nakakatuwa siyang pakinggan. Siguro naging ganoon na lamang ang reaksyon niya dahil bihira lang kami nakakakain ng ganitong pagkain sa isang buwan. Madalas ay gulay ang aming inuulam.

Sa bawat subo ko ng pagkain ay pasulyap-sulyap naman ang mga mata ko sa kanilang tatlo. Kapag tinitingnan ko sila ay mas unti-unti namang bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang malalagay ngayon ang buhay ko sa panganib kapag pinapanood ko ang pamilya ko. Gano'n na nga siguro ang mangyayari kapag ibubuga ko na itong lihim na nangangati ngayon sa aking lalamunan.

Matagal ko nang hindi sinasabi sa kanila ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko at natatakot akong malaman nila ito. Gusto ko na kasing magpakatotoo sa sarili ko kahit sa kanila man lang at sa tingin ko, ito na siguro ang tamang pagkakataon para itapat ko ito sa kanila ngunit ewan ko ba, nagdadalawang-isip pa ako kung paano ko ito sisimulan. Paano ba? Kinakabahan ako.

Patuloy lamang ako sa pagkain. Hinahanda ko muna ang aking sarili sa kung ano ang una kong gagawin. Mayroong lampara na nakalagay sa gitna ng aming lamesa na siyang nagbigay liwanag sa loob ng aming silid. Nakakatakot ang kadiliman mula sa labas at isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong lumabas ng bahay tuwing gabi. May phobia kasi ako sa mga madidilim na lugar.

Maaari kaming gumamit ng elektrisidad sa pamamagitan ng mga generators ngunit nililimitahan lamang namin ang paggamit nito upang makatipid ng renewable fuel. Minsan gumagamit kami ng mga solar generators na kumukuha ng enerhiya mula sa araw gamit ang mga photovoltaic panels. Gayunpaman, nangangailangan ito ng baterya kapag nagkakaroon ng makulimlim na panahon o kaya sa pagsapit ng gabi nang sa gayon ay mapakinabangan ito.

Masyadong strikto si Governor Salazar pagdating sa paggamit ng mga enerhiya dahil napakahalaga sa kanya ang pagtitipid nito. Bukod sa mga generators, kumukuha din kami ng enerhiya mula sa mga wind turbines na nakakabit sa mga gusali at lalo na rin sa mga solar panels na nakapaligid sa pader ng aming lungsod.

Gumugulo pa rin sa isipan ko ang tungkol ngayon sa aking pinaplano. Ano kaya ang magiging reaksyon nila nanay at tatay kapag ibinunyag ko na sa kanila ang sekreto ko? Ano kaya ang iisipin ni Jaycob sa akin? Magagalit ba kaya sila sa akin? Sasaktan ba nila ako? O kaya ay ipapadampot nila ako sa mga troopers? Kung sakaling 'di nila ako matanggap sa kung ano man ako at ako'y itatakwil nila, wala akong magagawa kundi aalis na lamang ako sa pamamahay na 'to at magpakalayo-layo ako dahil ayokong mapunta sa bilangguan.

Tatakas ako sa lungsod na 'to at iiwan ko sila kahit na hindi man ito magiging madali sa akin—kahit na labag man ito sa kalooban ko. Kahit imahinasyon ko lang ang mga posibilidad na ito ay mukhang nakakabasag na ng puso. Habang nagkakaroon ng kaunting usapan ang aking mga magulang ay pinagmasdan ko sila sandali. Napansin kong marami na ang puti sa buhok ni nanay at kumukunot na rin ang balat niya lalong lalo na kay tatay. Patanda na ng patanda ang mga magulang ko. Pakiramdam ko ay 'di na nila kaya pang magtrabaho araw-araw ngunit kinakailangan upang mabuhay kami.

Us Against the World: Part I [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon