𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐍𝐢𝐧𝐞𝐭𝐞𝐞𝐧

61 9 0
                                    

Hanggang ngayon, ikinalulungkot ko pa rin ang pagkawala ng journal ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hanggang ngayon, ikinalulungkot ko pa rin ang pagkawala ng journal ko. Ilang araw ko nang ginalugad ang bawat kanto ng himpilan subalit hindi ko pa rin ito natatagpuan. Nasaan na nga ba ang journal ko? Baka ninakaw talaga iyon ni Steve at sinunog niya—o baka naman kaya ay itinapon niya iyon sa kung saan mang lugar. Marami na akong mga alaalang naisulat sa journal na 'yon at ikakabasag ng puso ko kung mapupunta lamang iyon sa basurahan. Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala pero hindi ako titigil sa paghahanap nito hangga't hindi ko ito natatagpuan. Kanina pa ako palakad-lakad sa pasilyo ng second floor hanggang sa napunta na naman ako sa third floor, ang palapag kung saan hindi ko dapat kailangang puntahan at sa 'di inaasahan ay nagkita na naman kami ulit ni Alex.

"Tris," sambit niya at lumapit siya sa akin. "Why are you here?"

"I'm sorry, bababa na ako," paumanhin ko sa kanya.

"May hinahanap ka ba?" tanong nito. Ang boses niya ay malumanay ngayon, hindi tulad ng dati no'ng sa tuwing kami'y nagkakausap ay may bagsik at kayabangan sa kung paano siya magsalita. Kakaiba ito ngayon at nakakapanibago.

"Wala." Tumalikod ako kaagad sa kanya.

"Tristan," sambit niya ulit sa akin dahilan para mapahinto ako sa paglakad. Tumingin ako sa kanya at napansin kong napatitig siya sa aking kabilang braso. "I like your tattoo—it's beautiful," komento ni Alex.

"Salamat," tugon ko sabay ngiti ng matipid sa kanya.

Hindi na ako nag-alinlangan pa, tumalikod ako muli at lumakad paalis hanggang sa nakababa ako pabalik ng second floor. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas matapos ang aming isang linggong training namin sa combat, shooting, obstacle course, at room clearing. Araw ng sabado ngayon kaya magkakaroon kami ulit ng oras para sa sarili namin.

Nang makapasok ako sa aming kuwarto, nahuli ko sila Gavin, Ethan at ang iba pang mga magsasanay na hindi ko pa masyadong kilala na kasalukuyang nag-iinoman ng alak. Rinig na rinig ko ang kanilang kuwentohan at tawanan. Sila lamang ang narito sa loob ng kuwarto at wala ng iba. Nakakapanibagong panoorin ngayon si Gavin na walang suot na t-shirt at siya ay nakapantalon lang. Iyong damit niya ay nakasablay lamang sa kanyang balikat. Si Ethan naman ay naka-boxer shorts siya at nakasuot ng itim na sando samantalang 'yong tatlo ay nakasuot lang ng pormal.

Sa totoo lang ay nagmumukha silang mga tambay sa kanto, nakakatawa silang tingnan. Balak ko sanang umalis sa kuwartong ito kasi ayoko munang makipaghalubilo sa kanila lalo na't sila'y nag-iinuman ngayon subalit nahinto ako sa paglakad palayo nang bigla akong tinawag ni Gavin.

"Oy, Tris! Come on, join us! Tagay muna tayo!" pagyaya nito.

Nang lumingon ako sa kanila, nakita ko ang mukha ni Gavin na namumula at ang mga kilos niya ay medyo malamya na, gayon na din ang iba. Lahat sila ay lasing na yata at hindi tuloy ako nakukumportable.

"Hindi ako umiinom ng alak kaya pasensya, kailangan ko munang umalis," tanggi ko sa kanya.

"Ay naku! Kahit ayaw mong uminom, dito ka muna sa amin sandali. Hali ka! Tabi ka dito! Sali ka sa bonding namin!" pamimilit nito. 

Us Against the World: Part I [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon