𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐯𝐞𝐧

88 12 0
                                    

Nakarating din ang lahat ng recruits sa loob ng military base matapos ang kanilang pagzi-zipline at ngayon ay dadalhin kami ni 'Carnation Guy' sa lugar na hindi pa namin alam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakarating din ang lahat ng recruits sa loob ng military base matapos ang kanilang pagzi-zipline at ngayon ay dadalhin kami ni 'Carnation Guy' sa lugar na hindi pa namin alam. Ang lalaking may tattoo sa leeg, carnation guy muna ang maitatawag ko sa kanya hangga't hindi ko pa nalalaman sa ngayon ang kanyang pangalan. Nakasunod lamang kami sa kanya at kasalukuyang magkatabi kami ni Gavin Montefiore.

Habang kami ay naglalakad sa mahabang pasilyo, nakakasalubong namin ang mga sundalong may hawak na mga armas. Sa totoo lang ay hindi na ako nakukumportable rito dahil sa ako'y napapaligiran ng mga kalalakihan. Para akong naiilang at sa parehong pagkakataon ay para din akong nanghihina. Simula sa araw na ito, kailangan ko nang ituwid ang lakad ko at magkunwaring maangas ang aking dating. Kumbaga ay may kayabangan sa mga galaw ko lalo na ang pakikitungo ko sa aking mga kasamahan.

Teka sandali, kakayanin ko ba talaga ang mga ito? Nababagabag tuloy ang damdamin ko sa paraang ito, ang hirap magpakalalaki pero wala akong mapagpipilian kundi subukan kong sanayin ang sarili ko na kumilos na parang isang tunay na lalaki kahit na labag man ito sa kalooban ko. Parang kailangan ko tuloy ngayon si Mustache, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngayon upang mapagaan ko ang loob ko. Sayang hindi ako nakapagpaalam sa pusang iyon, mahilig kasi siyang maglayas ng bahay at kung saan-saan nalang gumagala. Pagbalik no'n ay sigurado akong may bitbit na siyang daga, nakakadiri.

"Pupunta muna tayo sa opisina ni Mr. Edward Torres dahil nais niya munang makilala kayo. Isa siyang supreme commander ng armed forces kaya kailangan niyong magbigay respeto sa kanya, naiintindihan niyo ba?" sabi ni carnation guy sa amin. Salamat naman ay nagsalita din siya, kanina pa kasi siya tahimik at walang imik.

"Ayon sa mga naririnig ko, napaka-istrikto daw ng matandang 'yan," bulong sa akin ng isang binata na hindi ko kilala at ito'y bigla na lamang tumabi sa gilid ko.

Napabaling ako sa kanya. "Sino ba ang tinutukoy mo?"

"Si Edward Torres," mahinahong sagot niya. "By the way, ako nga pala si Ethan Guevarra."

"Tristan Rivera." Nagkamayan kami sa isa't isa.

"Kaibigan mo ba itong kasama mo?" tanong niya sa akin.

"Hindi, mag-jowa kami," biglang sumagot si Gavin na siyang ikinanuot-noo ko. Halata namang nagbibiro lang siya kaya natawa si Ethan Guevarra. "I'm just kidding, ako nga pala si Gavin Montefiore."

"I'm Ethan," pagpapakilala nito sa kanya.

"Kinakabahan ka ba, Rivera? You look so anxious, maybe worried or something," pansin sa akin ni Ethan.

"Ako? Kinakabahan? Hindi kaya," pagkukunwari ko sabay iling.

"Well, if you ask me, I feel so disappointed right now kasi nasali ako sa recruitment na 'to. I never wanted to be a soldier. Ang pangarap ko talaga ay maging doktor o kaya maging isang mekaniko, hindi ko talento ang makipagpatayan o kaya makipagbarilan sa kapwa. Masyadong marahas iyon," reklamo ni Ethan.

Us Against the World: Part I [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon