𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲-𝐍𝐢𝐧𝐞

112 12 2
                                    

Huminga ako ng malalim at ako'y kumalma

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Huminga ako ng malalim at ako'y kumalma. Tumigil na ako sa pag-iyak at pinunasan ko ang mga luha ko. Kahit masakit man ito para sa akin, tatanggapin ko na lamang ang katotohanan na patay na si Jaycob. Wala na akong magagawa pa, kahit na magluksa pa ako dito at saktan ang sarili ko ay hindi na maibabalik pa ang buhay ng kapatid ko. Tinanggal ko ang suot na kuwentas ni Jaycob sa kanyang leeg at isinuksok ko ito sa loob ng aking bulsa. Ito na lang ang tanging alaala ko sa kanya, ang butterfly pendant. Ilang sandali ay napagtanto kong tahimik na ang paligid, wala na akong narinig pang putokan ng mga armas. Nang ako ay lumingon, nakita ko si Alex na nakatayo ngayon sa aking likuran at pinagmamasdan niya ang walang buhay kong kapatid.

"I killed him," sabi ni Alex sa akin. Tinutukoy niya ang sundalong kinompronta niya kanina, ang sundalong pumatay sa kapatid ko.

Ipinahid ko ang mga kamay ko sa aking pantalon upang linisin ito na puno ngayon sa mga dugo. Pagtayo ko ay lumapit sa akin si Alex at ako ay niyakap niya. Nais niya atang pagaanin ang loob ko. Pumikit naman ako at niyakap ko rin siya. Gusto ko ang yakap na ito na siyang naghatid sa akin ng kaginhawahan. Ang yakap na ito ay parang isang mainit na kumot sa malamig na gabi o kaya isang ligtas na kanlungan sa gitna ng mga kawalang-katiyakan sa buhay. Kahit na pinapagaan ako ng yakap ni Alex, umiiyak pa rin ako kasi hindi ko talaga kayang pigilan itong lungkot at pighati na sumusugat sa puso ko. Ako ay nasasaktan pa rin.

"Tahan na," malumanay niyang sabi. Madalas kong naririnig ang maigting at masidhing tono niyang boses pero ngayon ay kakaiba ito, masyadong malambing at mabanayad.

"Kailangan na nating umalis sa tren na 'to, hindi tayo magiging ligtas dito," sabi ko sa kanya kaya humiwalay na ako kay Alex at ako'y akmang tumungo sa pintoan.

"Sandali, dumudugo ang braso mo." Pinunit ni Alex ang sleeve ng kanyang uniporme at ang piraso ng tela ay itinakip niya't ibinalot sa sugatan kong braso bago niya ito itinali ng mahigpit.

"Salamat," sabi ko sa kanya. "Kailangan kong pumunta kina Uncle Peter."

"Bakit? Sino ba siya?" tanong nito.

"Matalik siyang kaibigan ng tatay ko at nag-aalaga siya ng mga kabayo. Kailangan natin ng kabayong masasakyan upang makarating doon sa pader," sagot ko.

"Okay, sige. Tayo na," ani Alex.

Lumabas na kaming dalawa sa loob ng tren at kami ay tumakbo. Maiiwan doon sa bagon na iyon ang katawan ng kapatid ko. Ilang metro ang aming tinakbo hanggang sa narating namin ni Alex ang bahay ni Uncle Peter. Tumungo agad ako sa pintoan at kumatok ako sabay tawag sa kanya. Ilang sandali ay bumukas ang pinto at saktong si Uncle Peter ang bumungad sa harap ko. Mabuti nama't narito siya.

"Diyos ko, bakit ka duguan, Tristan? Ano bang nangyayari sa 'yo?" Napamulagat si uncle nang makita niya ang itsura ko.

"Hindi na po iyon mahalaga, maaari ko po bang hiramin si Onyx? Kukunin ko po ang kabayo ko," pakiusap ko sa matanda. Medyo naaamoy ko ngayon ang baho ng alak mula sa bibig niya.

Us Against the World: Part I [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon