In post-apocalyptic dystopian Luzon, the government called gay people "Aberrants". Homosexuality is considered an illegal act in the city known as Maharlika, and those who defy social norms will be imprisoned...or might be killed. For Tristan Rivera...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pagsapit pa lang ng alas sais sa umaga ay nagsigising agad kaming lahat at kami'y nagsibangon sa aming mga kama upang hindi na kami mapagalitan pa uli ng aming instructors. Sabay-sabay kaming naligo sa aming bathroom at pagkatapos ay sinuot namin ang aming mga physical training uniform lalo na ang aming mga combat boots. Diretso kaming tumungo sa dining hall at nag-almusal kaming lahat. Mayamaya ay binisita kami nila Alex at Leon upang mag-anunsiyo tungkol sa aming susunod na gagawin at iyon ay ang 2 mile run na kung saan ay isasagawa namin ito sa labas ng military base kaya hindi na kami nagtagal pa sa loob, lumabas agad kaming lahat ng himpilan at kami ay tumungo sa running track.
Gaya ng madalas na kinagawian ng isang magtuturo, muli na namang nagtalakay itong si Leon at kami naman ay nakinig sa kanya. "Ang 2 mile run ay isa sa napaka-importanteng ehersisyo sa ating pangangatawan lalo na't isa ito sa requirement ng inyong pagsasanay. This training will test your leg muscles endurance and your cardiorespiratory fitness. Sa tuwing paggising niyo ng maaga ay ito na dapat ang palagi niyong gawin, ang tumakbo dito sa running track sa loob ng labing-anim na minuto na siyang sumasaklaw sa dalawang milyang distansya."
Dumugtong naman si Alex. "Tandaan niyo na bago kayo tumakbo ay mag-stretch muna kayo para iwas injury sa ankle. Kailangan niyo ding siguradohin na hydrated kayo palagi dahil kung hindi ay may tsansa na mahihimatay kayo dahil sa sobrang pagod sa pagtakbo."
Matapos ang pagtatalakay ng aming dalawang instructors ay inumpisahan din namin ang 2 mile run. Sila Alex at Leon ay nasa aming mga harapan para gabayan kami. Si Gavin ay nasa likuran ko at si Ethan naman ay nasa hulihan. Takbo lang kami ng takbo, paikot-ikot sa buong oval ng running track. Hinihintay ko na lamang kung kailan din matatapos ang takbo ng oras sa stopwatch na hawak ni Alex.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Habang tumatagal ang aking pagtakbo ay unti-unting namumuo ang mga pawis sa katawan ko at ako'y nahihingal na. Ramdam kong nababasa na 'yong aking uniporme. Nararamdaman ko na rin ang pangangalay ng aking mga binti at paa ko na para bang gusto ko nang tumigil at humiga sa semento ng running track subalit hindi iyon puwede. Hangga't may lakas pa akong naiwan sa aking katawan ay 'di ako titigil, sayang ang puntos. Kailangan kong magsikap upang makapasa ako at makaakyat sa susunod na hakbang ng training.