𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐄𝐢𝐠𝐡𝐭

80 12 1
                                    

Matapos ang aming hapunan, naisipan ko munang gumala sa loob ng military base habang dala ko ang aking journal at panulat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos ang aming hapunan, naisipan ko munang gumala sa loob ng military base habang dala ko ang aking journal at panulat. Wala akong kasama ngayon pero kung gugustohin ko ay si Gavin o kaya si Ethan ang maaari kong yayain at isama sa paggala na 'to ngunit nais ko munang mapag-isa. Bumaba ako ng second floor at tumungo ako sa training room. Nang marating ko ang silid, hindi ko inasahan na makikita ko rito ngayon si Alex. Napansin kong sumusuntok siya sa punching bag at siya'y mag-isa lamang sa loob. Wala din siyang kasama. Hindi siya nakasuot ng damit at nakikita kong pinagpapawisan na ang maskulado niyang katawan.

May tensiyon at puwersa sa bawat pagtama ng mga kamao niya sa punching bag. Tila may dala itong galit at poot na siyang ibinubuhos nito sa pamamagitan ng pagsuntok. Okay lang ba siya? Sa palagay ko ay hindi siya okay. Ilang sandali ay tumigil na si Alex sa kanyang ginagawa at ikinagulat ko ang biglaang paglingon niya mula sa akin. Ang mga mata niya ay namumula, parang naiiyak siya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya kumilos agad ako at umalis ng training room, baka kung ano pa ang isipin niya sa akin. Mas mabuti pa sigurong gumala ako sa labas.

Dumaan ako sa backdoor ng himpilan at ako'y napunta sa napakalawak na field kung saan makikita ang malaking running track na pormang oval sa kalagitnaan ng bakanteng lote

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumaan ako sa backdoor ng himpilan at ako'y napunta sa napakalawak na field kung saan makikita ang malaking running track na pormang oval sa kalagitnaan ng bakanteng lote. May mga sundalo sa labas, may iba na nakaupo at may iba naman na gumagala sa paligid. Makikita ang mga lamppost na nakatayo sa bawat daanan na naghahatid ng liwanag sa kapaligiran ng military base. Medyo nakakapanibago sa akin ang puting liwanag na ito kasi palagi akong nasanay sa liwanag ng lampara. Sa ibabaw ng gusali, matatanaw ang sementadong simbolo ng agila na napupulupotan ng mga sampaguita, ito ang simbolo sa kapisanan ng Maharlika.

Naisipan kong lumakad sa running track at pinagmamasdan ko ang mga sundalong nasa paligid ko. Kinuros ko ang aking mga braso at sinipa-sipa ko ang isang piraso ng bato sa aking daanan. Gusto ko munang magpahangin sandali at pagsamantalahin ang presensya ng katahimikan. Sa malayo, natanaw ko ang isang istasyon kung saan nakahilera ang mga military aircrafts at may mga troopers na nagbabantay sa lugar na iyon.

Noong bata pa ako, palagi akong nagtataka kung saan ba talaga nagmumula ang mga sasakyang lumilipad sa kalangitan at minsan nga ay natatakot ako sa ingay nito tuwing dumadaan ang mga ito sa aming barangay. Masyado pa akong musmos at walang muwang upang maunawaan na ang mga bagay na ito ay isa palang mga eroplanong pangmilitar. Sa palagay ko, darating din ang araw na masasakyan ko ang mga aircraft na 'to at ako'y matututo kung paano ito paliparin.

Us Against the World: Part I [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon