Nagising ako sa isang kuwartong pamilyar sa akin. Sa tantiya ko ay parang nakapunta na ako rito at hindi ko pa masyadong mawari kung kailan iyon. Ngayon ko lang napansin na may isang lalaki pa lang nakatayo roon sa kabilang banda ng silid at nakaharap ito sa bintana. Hindi ko siya makilala dahil nakatalikod ito pero sa pigura ng kanyang katawan ay parang nahahalata ko na kung sino ito. Nang bumangon ako sa aking kinahihigaan ay saka pa niya namalayang gising na pala ako.
"Alex?" Ngayon ko pa siya nakilala nang humarap ito.
"Tristan," sambit niya at agad siyang lumapit sa akin. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Medyo nahihilo ako," sagot ko sa kanya at napagtanto kong pumaos ang boses ko. Dahilan siguro ito nang mahigpit na pagkakasakal ni Gavin sa akin kanina, ano na kayang nangyari sa kanya?
"Muntik ka nang mapatay ni Montefiore, mabuti na lang ay napigilan ko agad siya," sabi niya.
"Ikaw ba 'yong nagligtas sa 'kin?" tanong ko.
"Oo, ako nga." Tumango si Alex. "Dumating kanina dito 'yong kaibigan mo, si Deguzman. Pumasok siya rito upang kamustahin ka ngunit wala ka pa sa iyong malay kaya umalis muna siya. Isinaad niyang babalik siya dito bukas ng umaga."
"Ba't ako narito sa kuwarto mo?" Nakakapagtaka sa akin ang ganito, sa sitwasyong 'to ay nararapat kong manatili sa infirmary room.
"Mas mabuti na iyong may nagbabantay sa 'yo para masigurado kong safe ka. Hindi ka puwede sa infirmary room," paliwanag ni Alex.
Hindi ko talaga maiwasang mapatanong sa sarili ko kung paano siya nagkakaroon ngayon ng pakialam sa akin na dati ay hindi naman ito ang madalas niyang ginagawa. Pero kahit gano'n ay nagugustohan ko naman ang pagbabagong ito.
"Anong oras na ba?" Balik akong humiga sa kama dahil kailangan ko muna ng sapat na pahinga.
"Alas kuwarto ng madaling araw, malapit na ang umaga," tugon niya sa akin at umupo si Alex sa isang stool na malapit sa higaan ko.
"Hindi ko aakalain na magagawa ito ni Gavin sa 'kin. Tinuring ko pa naman siyang kaibigan at naging mabait naman ako sa kanya." Napapikit ako sa aking mga mata, pinipigilan ang sarili na huwag maiyak.
"Sa tingin mo ba, paano niya ito nagawa sa iyo?" mausisang tanong ni Alex sa akin.
"Nagseselos kasi siya sa 'kin dahil palagi akong nasa top ng ranking pero siya ay hindi. Alam kong lubos niyang ipinag-alala ang rank niya dahil nasa pinakaibaba siya at maaari siyang matanggal sa training—at ngayon ay nangyari na nga," paliwanag ko sa kanya.
"Well, tanggal na nga si Montefiore ngayon sa training at hindi lang 'yan, dahil sa ginawa niya kanina sa 'yo ay mapapatawan siya ng parusa," imporma niya.
"Anong klaseng parusa naman?" tanong ko agad kay Alex.
"I don't know." Nagkibit-balikat siya. "Sa pagkakaalam ko ay dinala siya ngayon ng mga troopers sa mansyon ni Mr. Salazar. Wala akong ideya kung ano ang parusang ipapataw sa kanya."
BINABASA MO ANG
Us Against the World: Part I [BxB]
ActionIn post-apocalyptic dystopian Luzon, the government called gay people "Aberrants". Homosexuality is considered an illegal act in the city known as Maharlika, and those who defy social norms will be imprisoned...or might be killed. For Tristan Rivera...