𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐒𝐢𝐱

89 12 0
                                    

Nagkita kami ni Bryant sa rooftop ng warehouse, nais lamang namin na mag-bonding dalawa kahit sandali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagkita kami ni Bryant sa rooftop ng warehouse, nais lamang namin na mag-bonding dalawa kahit sandali. Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa gilid ng gusali at pinapanood namin ang kabuuan ng syudad. Nakikita namin ang mga taong naglalakad sa daanan at may kanya-kanyang mga ginagawa. May iba naman na nakasakay sa kanilang mga kabayo at may kanya-kanya silang direksyon na pinupuntahan.

Ang araw ay unti-unti nang lumulubog. Nag-aagaw naman sa ibabaw ng kalangitan ang panig ng dilim at ng liwanag. Ang mga ulap ay naging kulay kahel at may halo itong kulay ng kalimbahin na nagmumula sa liwanag ng araw kung saan ay umagaw ito sa aking atensiyon. Ako'y nagagandahan sa tanawing ito at sa ganoong lagay ay dapat makaramdam ako ng kaginhawahan subalit hindi iyon ang naramdaman ko, iba ang nilalaman ngayon ng puso ko.

"So, ikaw din ba?" tanong ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"So, ikaw din ba?" tanong ko sa kanya. Inaalam ko lang kung kabilang din ba siya sa mga nakapanayam ng mga troopers kaninang umaga.

Sabi ni tatay sa akin, ang mga troopers ay magsu-survey sa labinlimang barangay ng Maharlika. Isa-isa nilang bibisitahin ang mga bahay at sila'y makikipagpanayam sa mga binatang lalaki na ere-recruit nila basta't ito ay nasa edad 18 hanggang 25; walang sakit, malusog, at unemployed. Kasali na ang pangalan ko roon sa listahan na maaari nilang e-recruit. Sa ngayon ay malinaw na wala pang resulta, magpipili pa sila kung sino ang puwede nilang isasama sa draft at malalaman namin ito bukas.

"Oo, Tris," matipid na sagot ni Bryant sa akin. Walang kasiglahan sa boses niya at alam kong nagpapahiwatig iyon ng kanyang lungkot at pag-aalala. "Ikaw ba?"

"Oo, ako rin." Tumango ako sa kanya.

"Kaya pala nais mong makipagkita sa akin," aniya.

"Gusto lang kitang makausap kahit sandali. Hindi kasi natin alam kung anong mangyayari bukas. Malay mo, baka may isa sa atin na mapipili sa recruitment at may isa na maiiwan. Nakakalungkot naman kung magkakahiwalay tayo," paliwanag ko sa kanya.

"Hindi pa nga nag-uumpisa ang recruitment, nami-miss mo na agad ako," pabirong sabi ni Bryant.

Natawa ako. "Eh, syempre best friend kita. Ayoko namang malayo ka sa 'kin. Gusto ko ay magkasama pa rin tayo."

Us Against the World: Part I [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon