In post-apocalyptic dystopian Luzon, the government called gay people "Aberrants". Homosexuality is considered an illegal act in the city known as Maharlika, and those who defy social norms will be imprisoned...or might be killed. For Tristan Rivera...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tatlong araw nang nakaraan subalit hindi pa rin mawala-wala si Sam sa loob ng isipan ko. Tumatatak pa rin sa kukuti ko ang tungkol sa mga sandaling hindi ko makakalimutan mula sa kanya; no'ng una ko siyang makilala sa rooftop, iyong mga masasakit niyang salita doon sa infirmary room at higit sa lahat ay ang matagpuan ko siyang nakahandusay doon sa labas ng himpilan, duguan at wala ng buhay. Pabalik-balik ang mga eksenang iyon sa utak ko na hindi ko alam kung paano ito iwaksi sa aking isipan nang sa gayon ay mabigyan na ng kapanatagan itong kalooban ko.
Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako kapag naiisip ko ang mga alaalang iyon pero sa palagay ko, sa araw na ito ngayon ay hindi dapat ako magluksa. Sa pagkakataong ito ay dapat maging masaya ako dahil sa wakas ay dumating na rin ang araw na pinakahinihintay ko—iyon ay ang Visiting Day.
Narito kaming lahat ngayon sa loob ng visiting hall, inaantay ang mga taong bibisita sa amin. Nagsiupuan na kami sa kanya-kanya naming mga puwesto. Nakita kong may mga guwardyang troopers na nakatayo sa bawat kanto ng hall, binabantayan nila kami. Sabi ni Leon sa amin kanina, isa-isang binibisita ngayon ng mga troopers ang mga magulang namin upang sila'y isundo at ihatid dito sa military base. Si Bryant, naroon siya nakaupo sa malayo. Iyong sinabi niya sa 'kin nitong mga nakaraang araw ay hindi ko pa iyon nakakalimutan. Sa araw na 'to, magkikita raw sila ng kanyang girlfriend—ang babaeng matagal na niyang nililihim sa akin na siyang ikinasama ng loob ko dahil hindi siya naging matapat sa akin at ang mas masakit pa doon ay ipapakilala niya ito ngayon sa akin.
Mayamaya, may isang truck ang dumating mula doon sa labas at nagsibaba agad ang mga pasahero sa likod ng sasakyan mula sa paghinto nito. Napansin ko na wala ang pamilya ko roon kaya naghintay na lang muna ako at umaasang makakapunta sila dito ngayon sa araw ng pagbibisita. Sana nga makakarating sila rito.
Bilis na sinalubong nila Gavin at Ethan ang kanilang mga magulang nang makapasok na ito sa loob ng hall at agad silang nagyakapan sa isa't isa na may kasamang tuwa kaya ako naman ay nasiyahan para sa kanila. Sa pangalawang truck na dumating, tumayo agad ako para tanawin ang mga pasaherong bumaba at alamin kung naroon ba ang mga magulang ko pero hindi ko sila natagpuan. Sa pangatlong truck, wala pa rin. Sa pang-apat na truck, sa kasamaang-palad ay ganoon pa rin kaya nag-aalala na tuloy ako baka walang bibisita para sa akin. Nakakalungkot naman kung wala.
Marami-rami na ang mga bisitang dumadating sa oras na ito. Sa ngayon ay pinapanood ko lang ang ibang mga kasamahan ko na kasalukuyang nakikipag-bonding sa kanilang mga magulang. Unti-unti ng nabubuo ang ingay sa loob ng hall, naghahalo ang kanya-kanyang kuwentohan at tawanan.
Baka busy ata sila nanay, tatay, at Jaycob ngayon at hindi sila makakadalo sa visiting day. Nasasabik pa naman sana ako na makita silang tatlo. Sa totoo lang, malapit na akong mabagot at madismaya sa paghihintay na ito subalit nabigyan muli ng isa pang pagkakataon na umasa ulit ang sarili ko at ako ay bilis na napatayo sa panglimang truck na dumating sa harap ng hall. Pagbaba ng mga bagong pasahero, may natanaw akong isang matandang babae na mukhang pamilyar sa akin. Sa anggulo pa lang ng kanyang mukha ay parang kilala ko na siya. Maputi ang iilang hibla ng kanyang mga buhok at mapayat siyang babae.