In post-apocalyptic dystopian Luzon, the government called gay people "Aberrants". Homosexuality is considered an illegal act in the city known as Maharlika, and those who defy social norms will be imprisoned...or might be killed. For Tristan Rivera...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hoy, saan ka pupunta?" mausisang tanong ni Gavin sa akin nang mapansin niya akong tumakbo palayo sa aming pangkat. Hindi ko na siya sinagot pa.
Nakaalis na sila Alex at Leon. Paakyat na silang dalawa ngayon sa ikatlong palapag kaya kailangan ko nang makapunta doon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ma-excite. Sinita ako ng iba pero hindi ako nakinig sa kanila. Patuloy lamang ako sa aking pag-alis at ako'y umakyat na ng hagdanan. Binilisan ko ang bawat hakbang ko hanggang sa narating ko rin ang ikatlong palapag. Hindi ako masyadong nagpadalos-dalos, ako'y nagtago muna sa sulok ng dingding at sumilip ako.
Natagpuan ko sa loob sila Alex at Leon na may kasamang mga troopers. Binabati nila ngayon ang bagong dating na mga recruits. Pinagtatanggal ng mga sundalo ang kanilang mga suot na harness. Malinaw na sumakay sila ng zipline upang makarating dito sa military base. Isa-isa kong tiningnan ang bawat mukha ng pangkat na ito at umaasang matatagpuan ko rito ang mukha ng kaibigan ko.
"Oh my god." Napatakip ako sa aking bibig nang ako ay masurpresa at dahil sa aking labis na pagkatuwa ay hindi ako nag-atubili pang umalis agad mula sa tinataguan ko at nagmadali akong tumakbo upang lapitan siya. "Bryant!"
Napabaling siya kaagad sa akin nang makita niya ako at gayon na rin ang kanyang naging reaksyon. "Kuting?"
"Hoy! 'Andito ka pala!" Niyakap ko agad siya ng mahigpit at ako'y napatawa sa saya.
Niyakap niya rin ako. "Akala ko naman ay magkakahiwalay na tayong dalawa, kuting."
"Um, Mr. Rivera." Biglang sumabad si Alex sa moment naming dalawa dahilan para mapatigil kami ni Bryant sa pagyakap sa isa't isa. "Bakit ka nandito? Doon ka lang dapat manatili sa ground floor."
Napatikhim ako. "Gusto ko lang makausap ang best friend ko, pasensya na."
"Bumaba ka na nga, Mr. Rivera. Hindi ka puwede rito," sikmat niya sa akin.
Ang kaligayahang nagbubunyi rito ngayon sa puso ko ay napalitan ng pagkadismaya. Bakit ba napaka-kill joy ni Rodriguez?
"Aalis din ako," seryosong saad ko sa kanya. Balik akong tumingin kay Brynat at muli ko siyang kinausap. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon nang malaman kong narito ka pala kasama ng mga bagong pangkat ng recruits."
"Mas masaya ako na makakasama na kita sa himpilang 'to," aniya sabay ngiti sa akin.
"Hindi bale, magkita na lamang tayo mamayang gabi. Kailangan ko nang bumaba sa ground floor kasi baka maupakan pa ako ng instructor namin," sabi ko sa kanya.
"Sige." Tumango si Bryant.
Tumalikod agad ako sa harap niya at ako'y lumakad paalis. Bumaba ako ng ikatlong palapag at pagkarating ko sa ground floor, tumungo ako pabalik sa aming pangkat kung saan ay naroon pa rin sila sa labas ng dining hall, nakatayo at walang ibang ginagawa.