Chapter 8

3 0 1
                                    


Chapter 8

Nag iikot ang tingin ko sa buong lugar na kinaroroonan namin. Puno ito ng mga designs at sa isang gilid ang mga pagkain at ang isang gilid naman ay mga table saka upuan. Sa gitnan ng mga table ay ang space ata para sa sayawan.

Dapat ay mag ho-hotel kami nila Elli ngunit hindi na ako sumama dahil sabi ni Jay ay magpahatid nalang kami sa driver nila pauwi dahil alam niyang mas kampante si Mommy na umuwi ako sa bahay.

Linibot ko ang aking mata upang hanapin sila Elli. Puno kasi ng mga grade 12 students ang lugar. Kagaya ko ay naka suot rin sila ng mga mamahaling gown at nakaayos rin sila. Katabi ko si Jay at mukang hinahanap rin ata niya ang mga kaibigan namin.

"Nakita mo na ba?" tanong ko rito.

"Hindi pa eh" sagot saakin nito.

Naglibot lang ang aking paningin sa buong lugar. Habang linilibot ko ang tingin sa buong lugar ay nakarinig ako ng boses na tintawag kami.

"Alli! Jay!" sigaw nito saamin.

Napalingon naman kami at nakita namin ang kaibigan namin na magkakasama. Si Sie ay naka gown na black at may gloves din na hanggang siko. Nakasukbit ang braso niya sa partner niya si Arthur na naka terno din sa suot niya na black.

Elli is wearing a beautiful light purple gown at ang kapartner niya naman na si Chris ay naka black suit na may purple na panyo na naka lagay sa bulsa sa suit niya. Si Dri naman ay kasama si Levi ang student council president. She's wearing a sky-blue gown kung saan muka siyang fairy at bagay na bagay ito kay Dir. Si Levi ay kung anong kulay ng damit ni Dri ay ganun den ang kulay ng suit niya.

Linapitan nila kami at sabay sabay kaming pumunta sa table na para saamin. Kami ang pinapili ng kung saan kaming table uupo at sinong makakasama namin para daw naman wala magreklamo. Hinanap ko si Giel pero wala ito.

"Nasaan si Giel?" tanong ko.

"Ewan ko gurl" sagot saakin Elli.

Nagsimula na ang program. Naka-kain na kami at ngayon ay pinapatayo na kami para saaming isasayaw. Kami ni Jay ang linagay nila sa gitna kaya naman nagulat kami. Naka hawak ako ngayon sa balikat ni Jay. Nag sway sway pa muna kami. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa.

Lovers ang kanta habang sumasayaw kami. Nagulat ako ng biglang kumanta si Jay at nakatingin pa mismo sa aking mata.

Can I go where you go?

Can we always be this close forever and ever?

And ah, take me out and take me home (Forever and ever)

You're my, my, my, my

Lover

Pag sasabay nito sa kanta. Sini-sway ko na rin ang ulo ko habang nakatitig pa rin sakaniyang mga mata. Simula palang nung bata kami ay magaling ng sumayaw at kumanta si Jay. Siya rin ang nag turo saaking kumanta.

Patuloy parin ang pagkanta ni Jay. Para akong henehele ng boses niya sa ganda. Natapos ang sayawan at nakita namin si Giel. Naka-upo na ito sa table namin. Naka red gown ito at may parang pearls pa sa damit nito.

"Oh? Akala namin hindi ka na pupunta" pang-aasar ko.

"Hindi na naman talaga dapat!" saad niya. Nakasimangot pa ito.

Nag e-enjoy lang kami ng bigla may nagsaalita sa stage. Siguro ay iaannounce nito kung sino ang couple of the night namin ngayon.

"Good evening Grade 12!" bati nito saamin.

"So, for tonight I will announce who won the Ms. and Mr. Night" masayang saad nito.

May trophy, sash, at flowers pa na nasa tabi nito. May nag play naman ng drumroll na sounds. Wala akong pake dito kasi wala hindi naman ako mananalo diyan.

Our Colorful EscapeWhere stories live. Discover now