Chapter 16

4 0 0
                                    

Chapter 16

Malungkot ako ngayon. Wala pang nakaka-alam na nakipag-break na ako kay Jay. Bumili ako sa 7 11 ng aking paboritong ice cream. Pumunta ako sa playground kung saan lagi kaming nakatambay ni Jay.

"Itulak mo kasi ng malakas yung swing!" sigaw ko rito.

"Ito na po Maam" tinulak niya rin naman ng malakas ang swing.

Naalala ko kung paano kami mag palipas oras rito at inaabot na kami ng gabi kakalaro rito. Tumingin ako sa may kasalda at naalala ko kung paano kami maglokohan roon. Nakahawak ako sakaniyang kamay habang natakbo kami. Lahat ata ng lugar rito sa subdivision ay may alaala kami. Paano na yan? Sasabihin ko na ba kay Mommy na lumipat na kami ng subdivision?

Kumain lang ako ng ice cream. Favorite pa naming kainin ito pag nakatambay lang kami. Tuloy tuloy lang ako sa pagkain ng ice cream ng may nag salita saaking gilid.

"Alli" saad nito.

Nagulat ako ng napatingin saaking gilid. Linapitan ako nito saka tinabihan. Siguro ay imagination ko lang talaga na nandito si Jay saaking tabi. Nakatitig lang ako sa langit habang nakain ng ice cream.

Nanatiling tahimik ang kapaligiran. Hanggang sa naubos ko na ang aking ice cream. Tumingala ako at pinagmasdan ang buwan. Ang buwan na paborito naming titigan ni Jay.

"Ang ganda ng buwan" bulong ko.

"I'm leaving Alli" saad saakin ng nasa tabi ko.

Napatingin ako sakaniya at nanatili akong tahimik. So, he's really leaving. Tumingin ito saakin. Bakas sa mata niya ang sakit kaya naman napa-iwas agad ako ng tingin.

Ilang minuto kaming nabalot sa katahimikan ngunit nabasag lamang ito nang magsalita siya.

"Do you really want me to go?" saad nito saakin na may puno ng hinanakit ang kaniyang boses.

No!

"Yes Jay" saad ko dito ng walang kahit anong emosyon na makikita saakin.

"Jay?" sarkastikong saad nito. "What happened to love?" dagdag pa niya na puno ng hinanakit ang boses.

"Break na tayo Jay" matigas kong saad rito. "Can't you remember? Nakipag-break na ako sayo last week pa" dagdag ko.

"Hindi ako sumangayon don Alli. Relationship works between two person, hindi pwedeng ikaw lang ang magdedesisyon Alli" mahinahon ngunit may pagka-matalim sa boses nito.

"Ano bang hindi mo maintindihan don Jay! Break na nga tayo" matigas kong saad sakaniya.

"Ayaw mo na ba talaga, Alli?" mahina at puno ng sakit niyang tanong.

"OO! Ayoko na, Jay. Magmove on na tayo!" hindi ko na napigilan na sumigaw dahil sa halo halong emosyon na aking nararamdaman.

Unti unti itong lumapit saakin. Hindi naman agada ko naka-galaw saaking kinatatayuan nang bigla itong yumakap saakin ng mahigpit. Pinigilan kong yakapin siya pabalik. Nanatili kami sa ganoong posisyon ngunit unti unti siyang bumitaw ng mapansin niyang hindi ako yuma-yakap pabalik.

"Can you do me a favor? For the last time please?" pagmamakaawa nitong saad.

Tumango lang ako.

"Can we cut all our connections? Social medias, contacts, lahat ng magiging daan para magkaroon pa tayo ng connection? I think kapag alam kong may connections pa tayo, mas lalo akong mahihirapang iwanan ka rito."

Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na siya ang hihiling na tapusin namin ang connection sa isa't isa. Pero kung ito ang makakabuti sayo Jay. Kakayanin ko dahil mahal kita.

"Sure, if that's what you want" saad ko rito ng walang emosyon.

Parehas kaming umayos ng upo hanggang sa mabalutan kami ng katahimikan.

"I will always love you" bulong nito ngunit sapat na upang marinig ko.

Hindi ko na mapigilan ang aking emosyon kaya unti unting namuo ang mga luha saakin mata.

"Even you push me away I will still love you" dahil sa sinabi niya ay tuluyan ng tumulo ang aking luha.

"I will love you always" saad niya ulit bakas ang pamamaos sakaniyang boses na tila'y umiiyak din.

"Goodbye my bestfriend, my lover and my escape. I am now setting you free. We may be parting ways right now but, in another time or lifetime I won't let you ever go" saad niya na pinapakinggan ko lang.

Napalingon ako sa gawi niya nang tumayo siya. Doon ko nakita ang paglalakad ng palayo niya saakin ng hindi manlang lumilingon pabalik saakin.

Goodbye my bestfriend and lover. I will always love you too. In another time, in every lifetime, I will always choose you.


__^-^

Our Colorful EscapeWhere stories live. Discover now