Chapter 6
Ilang linggo na ang lumipas at ilang linggo na rin ako liniligawan ni Jay. Hindi ko pa sinasabi sa mga kaibigan kong nagsisimula na mabuhay ang lovelife ko. Pagkasabi ko sakaniya na pag pinayagan siya ni Mommy ay mabilis niya akong hinatak pauwi sa bahay. Sinabi pa nito saakin na tawagin si Mommy. Aba inutusan pa ako!
Flashback...
Narito na kami ngayon sa sala. Kaharap namin ngayon si Jay. Ang aking katabi ay si Mommy. Natatakot ako dahil baka galit ngayon si Mommy. Si Jay ay mukang namumutla at pinagpapawisan pa ito. Natatawa nga ako eh pero hindi ako makatawa.
"Hijo bat gusto mo kong makausap?" tanong ni Mommy dito.
"Tita kasi po" saad nito. Tumayo ako para kumuha ng juice saaming ref.
Iniwanan ko sila don para mag-usap. Para more kaba kay Jay. Nakita ko pa na parang gusto niya akong pigilan nung tumayo ako. Pagka kuha ko ay bumalik na ako sa sala at nag uusap na sila don. Seryoso ang muka ni Mommy kaya nakakakaba den.
"Liligawan mo si Alli?" sinisiguradong tanong ni Mommy.
"Opo Tita, papayag po ba kayo?" nagtatanong pa na sabi ni Jay.
"Wag mo saaking itanong kasi hindi ako yung liligawan mo" saad ni Mommy. Nginitian siya ni Mommy.
"Pumapayag ako na ligawan mo basta alam niyo naman yung mga bawal diba?" saad ni Mommy. Napatango si Jay.
Napabalik ako sa reyalidad ng may kumulbit saakin. Nag lalakad kasi ako ngayon palabas ng subdivision namin dahil may pasok kami ngayon.
Nakita ko si Jay na nasa tabi ko na. Nginitian pa ako nito. Good mood si kuya mo oh!
"Good morning!" bati nito saakin.
"Good morning den" saad ko dito.
"Sabay tayo mamaya kumain" sabi nito saakin.
"Sige sige sama den natin sila Sie" saad ko at tumango naman ito.
Nakarating na kami dito sa room at ayaw niya padin akong lubayan. Sila Sie ay nandito na rin at nagtataka na bat ayaw akong lubayan ni Jay.
"Pumunta ka na sa room niyo" saad ko kay Jay.
"Ayoko nga" sagot nito saakin. "Maya maya na malayo pa naman mag time" sabi pa nito saakin.
Nakatingin lang saamin ang apat ko kaibigan. Si Jay kasi ay nakaupo ngayon sa upuan ni Giel tapos kinukulit niya ako.
"Hoy Jay!" narinig kong sigaw. Hinanap ko ito at nakita ko sila Chris nasa pintuan ng room namin nakasilip.
"Anak ng! Pumunta ka na ng room!" sigaw nito.
Napabusangot naman si Jay at tumayos. Bago pa ito umalis ay pina-alala saakin n sabay kaming kumain mamaya. Wala pa sana akong balak na sabihan na liniligawan niya na ako pero sa showy ngayon ni Jay wari ko mag sisiklab ang mga damdamin ng chismosa dahil sa nakita nila.
"Kayo na?" tanong saakin ni Sie.
"Hindi pa" sagot ko dito.
Nagpalakpakan naman ang mga ito. Noon palang ay sinasabi na nil ana bagay raw kami ni Jay. Ang dami nilang rason noon ngunit masasabi ko na tama yung sinabi nil ana may gusto saakin si Jay.
"So liniligawan ka palang?" tanong saakin ni Giel. Tumango naman ako at ang mga gaga kilig na kilig.
"Palakpakan ulit natin!" saad ni Giel. Nag palakpakan din naman sila pati si Dri na tahimik ay pumalakpak den. Tuwang tuwa si Giel at napapatalon pa.
"Oh, ilabas niyo na bayad niyo" saad ni Giel at ang palad niya ay nakapwesto na parang nanghihingi.
Naguguluhan pa ako kung bakit yon ginagawa ni Giel. Ngunit napagtanto ko na pinag pustahan pala nila kami.
YOU ARE READING
Our Colorful Escape
Fiksi RemajaAlliona Kirsten M. Fuentes What will you do if your long-time boy best friend confesses his true feeling to you? Will you let him be not just only a best friend but also your become your lover? Will you sacrifice the friendship you have even though...