Chapter 15
"Congratulations Class!" pag bati saamin ng aming adviser.
Sa wakas tapos na ang pag dudusa namin. Tapos na kami sa buong school year at mamaya ay picture taking na namin.
"Dumertyo na kayo sa gym para mapicturan na kayo!" sabi saamin ng aming adviser.
Naka-ayos ang aming itsura ngayon. Graduation pictorial na kaya kailangan naming mag suot ng toga. Ibibigay ko nga rin sana ngayon ang regalo ko kay Jay ngunit nalimutan ko ito sa bahay.
Nang makarating kami ay kita namin ang kabilang section ay pinicpicturan. Naramdaman ko naman na may umakbay saakin.
"Love" saad ng umakbay saakin.
"Hmm?" tanong ko rito.
"Ang ganda mo ngayon" bulong nito.
"Wag ako may jowa na ako" saad ko rito.
"Syempre ako" sabi naman niya.
"May aaminin ako" saad ko sakaniya. Tinanggal ko pa ang akbay niya saakin. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya saka naman ay tinitigan siya sa mata.
"Ano yon?" tanong nito saakin.
"Ang totoo ay kabit lang kita dahil ang totoong jowa ko ay si taehyung" saad ko rito.
"Ang gwapo ko naman para maging kabit" saad niya.
Muka tuloy siyang napikon saakin. Tinawanan ko naman siya. Mag sasalita naman sana siya ng tawagin siya ng photographer.
"Mr. Castro!" tawag sakaniya nung photographer.
Pinicturan na siya at binobola pa siya nung mga babaeng assistant na bat daw ang pogi niya. Syempre alagang Alli eh! May creative shot kami at linagay niya don ay "Bestfriend ko lang noon jowa ko na". Napaka talaga! Natapos siya na picturan saka lumapit nanaman ulit ito saakin. Habang papalapit ito saakin ay nag titipa siya sa kaniyang cellphone.
"Love hindi na kita mahahatid na bahay niyo" sabia gad nito saakin.
"Why?" tanong ko rito.
Ang usapan kasi naming ngayon ay kahit sabay nalang kami umuwi dahil nga monthsary naming at hindi naman kami pwedeng lumabas mamaya dahil kailangan niyang samahan si Tita Cassini.
"Kailangan ko na kasi umuwi" saad nito saakin.
"Grade 12- Querel pila na po kayo dito!" sigaw nung isang assistant.
Tinanguan ko nalang siya at iniwan siya don sa pwesto namin. Nakita ko naman na tumakbo na siya palabas ng gym. Naramdaman ko naman na may nag backhug saakin.
"Bakit malungkot ang bebe namin?" saad ni Sie.
"Oo nga bakit?" tanong rin ni Giel.
Hindi ko ito sinagot dahil wala na ako sa mood. Hindi namin kalapit sila Elli at Dri dahil sila nauuna. Hindi kagaya kanina na isa lang ang nag pipicture ay ngayon tatlo na para daw hindi matagalan. Sari sari ang creative shots na linagay namin magkakaibigan. Ang aken ay "Nasa kabilang section ang true love".
Natapos kaming lahat picturan ay nag aya si Giel na kumain daw kami sa mcdo. Sumama naman ako dahil wala naman na ako gagawin sa bahay.
"Tara punta kami sa bahay niyo Alli" sabi ni Sie.
"Bonding tayo don" saad naman ni Elli.
"Oo nga" sang-ayon ni Dri.
Si Giel ay napansin kong hindi masyado umiimik ngayon. Nakita kong tulala lang siya habang nakain.
YOU ARE READING
Our Colorful Escape
Genç KurguAlliona Kirsten M. Fuentes What will you do if your long-time boy best friend confesses his true feeling to you? Will you let him be not just only a best friend but also your become your lover? Will you sacrifice the friendship you have even though...