CHAPTER 7
"Guys look!" pakita saamin ni Giel.
Narito kami ngayon sa mall para bumili ng gagamitin namin sa event dahil next week na ito. Sa mga linggong nakalipas ay patuloy parin ang panliligaw saakin ni Jay. Lagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ako. Lagi na rin kaming magkakasama.
"Ayoko na wala akong mapili!" naiinis na saad ni Giel.
Long gown dapat ang suot sa event. Si Giel nalang ang wala dahil sabi niya hindi naman daw siya aattend kaya hindi namin siya yinaya mag patahi ng gown. Akala kasi namin hindi siya aattend eh!
"Bat kasi hindi niyo ko yinaya nung nagpasukat kayo at patahi" tanong nito saamin.
"Gaga sabi mo kasi hindi ka aattend" saad ko sakaniya.
"Joke lang naman kasi yon eh!" nakasimangot na saad niya. Kanina pa namin siya inaasar na baka sign na talaga na wag siyang umattend kasi wala siyang makitang gown.
"Wag ka na kasing umattend" panloloko ni Elli dito.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa isang café dahil nag chat saakin si Jay na dumeretyo daw kami don. Habang nag lalakad kami ay bigong bigo parin si Giel. Namomoblema sa gown niya si ate gurl. Nakarating kami sa café at naka simangot padin si Giel.
Mabilis naman namin nakita sila Jay nakaupo dun sa mahabang table. Lumapit kami dito at sinenyasan niya akong tumabi sakaniya. Napansin nila na padabog si Giel na umupo sa upuan.
"Why?" tanong ni Travis dito.
Si Sie naman ang sumagot dahil hindi nagsasalita si Giel. Katabi din ni Sie ang partner niya sa event. Himala nga den na sumama sila Travis at Arthur minsan kasi missing in action tong mga ito.
"Si ate gurl namomoblema sa gown niya" natatawang paliwanag ni Sie.
"Wala pa kasi yan nahahanap na gown" saad ko.
"Kayo ba meron ng susuotin?" tanong bigla ni Giel sa mga lalaking kasama namin.
"Gurl kasama namin sila nung nagpasukat kami pwera lang kay Travis" saad ko sakaniya.
"Napaka daya niyo talaga!" naiinis na sabi nito.
"Wag ka saamin magalit gurl" saad ko at natawa dahil naiinis talaga si Giel. Kawawa naman walang date at walang gown. Charot!
"Wag ka umattend!" pang-aasar ni Chris kay Giel.
"Sige isasama ko si Elli sa pag hindi attend" saad nito.
Kinulbit ako ni Jay. Kaya naman napatingin ako sakaniya.
"Why?" tanong ko dito.
"Anong gusto mo?" tanong nito saakin.
Kinuha ko ang menu at nagtingin ng gusto kong kainin. Nakita kong nag bebenta sila ng comfort food ko na ice cream. Natuwa naman ako at sinabi ko sakaniya kung anong gusto ko.
"Gusto ko ice cream yung coffee crumble flavor" saad ko dito.
"Sige, saglit lang bibilihan kita" sabi nito saakin.
Nakita ko na tinanong ni Chris sila Elli at Dri kung anong gusto nito. Kagaya ni Chris tinanong din ni Arthur ang gusto ni Sie. Sabay sabay silang umorder. Kawawa naman talaga si Giel.
"Alam niyo hindi talaga ako favorite ni Lord" saad ni Giel. Naluluha pa ng kunwari. Ang katabi niya kasi ay hindi manlang siya tinanong busy lang ito sa cellphone niya.
"Bat isang beses lang ako napagod hinayaan mo na agada ko" saad nung babae sa kabilang table. Napalingo pa ako dito at nakita kong naiyak pa ito.
Lumuwag siguro ang turnilyo ng utak ni Giel. Nakakahiya talaga tong babaeng toh. Umakto siyang linilip sync yung naiyak na babae tapos kinulbit pa si Travis.
YOU ARE READING
Our Colorful Escape
Novela JuvenilAlliona Kirsten M. Fuentes What will you do if your long-time boy best friend confesses his true feeling to you? Will you let him be not just only a best friend but also your become your lover? Will you sacrifice the friendship you have even though...